Kabanata 25
Come
"I love you, thank you for waking up, thank you for staying alive, Thank you"
Parang dati lang, puro curse ang naririnig ko mula sa kanya.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang inaalala ang paraan niya upang masabi ang mga katagang iyon. Bagay na akala ko magpapasaya ng lubos sa akin. Napapikit ako. Naghanap ng galak mula sa estadong iyon. Dapat kasi diba masaya? dapat masaya ako. Ito na iyong pagkakataong inaasam asam ko, ang mahalin ako ng taong mahal ko. Ang pahalagahan ako nito. Pero kahit anong pangangaral ko sa sarili ko, hindi ko parin kayang magsaya. Bakit?
"Pwede ka na raw lumabas.." saad nito na nagsisimula ng mag ayos ng mga gamit. Pinakuha ko na muna kina mama si uno upang makapagpahinga at makaligo naman iyong bata. Ilang linggo narin mula ng magising ako at unti unti narin akong nakakarecover, hindi pa nga lang nakakalakad dahil para akong binugbog ng sampung katao sa sakit ng katawan ko, resulta siguro iyon ng pagkakahilata ko ng higit isang taon. Mula ng magising ako ay halos hindi na maiuwi si uno. Kailangan pang bigyan ng laruan upang makinig. Kahit maayos ang kwarto ko dahil private hospital naman ito, ay ayoko kung maaaring makalanghap ang bata ng kung ano anong amoy ng gamot. Napakabata pa nito para maexpose sa ganitong lugar, ayokong matulad siya sa akin na mula pagkapanganak ay hospital na ang naging tahanan ko. Na-trauma ako at ayaw kong maramdaman ng anak ko ang naramdaman ko.
"Thank you..." saad ko kay yano na abala sa pag aayos ng gamit. Lumingon agad siya sa akin at nagbitaw ng malaking ngiti.
Lumapit siya sa akin at iniwan ang ginagawa. Hinawakan niya ako sa kamay at hinalikan ang likod ng palad ko. Kinikilig ako, oo. Pero hindi ko kayang magsaya habang pinapanood siyang lambingin ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang paniwalaan lahat ng pinapakita at sinasabi niya. Alam kong mahal ko siya, mahal na mahal parin. Pero hindi ko na kayang ibigay ang buong mundo ko sa kanya. Hindi ko na kayang buksan ang pintuan ko, nadidismaya ako sa sarili ko ng dahil dito.
Lahat ng sakripisyo at iyak ni yano nuong na-coma ako, ang mga pag sisi, iyong bagay na lahat sila isinuko na ako at siya nalang ang natira, lahat iyon ay ikwinento sa akin nina danna. Lahat iyon ay alam ko, gusto kong maging masaya dahil kahit nasaktan niya ako, bumawi siya. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko na maibalik ang dating tiwala ko sa kanya. Ganito pala talaga kapag sobrang nasaktan ka, kapag napagod ka. Kahit mahal mo pa, hindi mo na kaya.
"Yano..." naiiyak ko saad. Agad na nangunot ang noo niya at nadepina ang pag aalala sa mukha niya, agad lumipad ang kamay niya sa mukha ko at hinaplos ito.
"Yano, anong gagawin ko?" ngayon ay nag uunahang ng tumulo ang mga luha ko.
"Bakit, bakit anong masakit sayo? May masakit ba? Devon, may masakit ba?" puno ng pag aalala niyang satinig.
Umiling ako at niyakap siya. Naramdaman ko ang gulat at paninigas niya ngunit nakarecover rin naman agad, nilabanan niya ang yakap ko at hinalikan ako sa ulo.
"Sorry... sorry kasi hindi ko maibigay ang buong tiwala ko sayo.." lathala ko. Unti unting lumuwang ang pagkakahawak niya sa akin hanggang sa nakalas na ng tuluyan ang yakapan namin. Sorrow plaster on his face. Pero nakuha parin niyang ngumiti.
"As long as you can give me a chance, I'll wait.." paunang sambit niya, ramdam ko ang lungkot sa tinig niya na pilit niyang pinapasaya.
"You waited me for long, I should wait you even if it takes forever. Right now, devon. Im going to deal with chasing, Im gonna chase you even if you'll go hiding. I'll wait for you, wife. Hihintayin kita. Natatandaan mo ba kung paano mo ako nakuha? Dinaan mo sa dahas, ang dami mong nasagasahan. Ganoon rin ako ngayon sayo, kahit sino, kahit ano, walang makakapigil sa pag abot ko muli sa kamay mo. I love you, I love you and I will always love you, devon." saad niya na lalong nagpahagulgol sa akin.
Muli niya akong niyakap ng mahigpit. Batid kong totoo lahat ng mga sinabi niya, alam kong ako na at hindi na si kara pero hindi ko talaga kayang tanggapin iyon, hindi ko pa siya kayang tanggapin.
"Mahal kita.... mahal na mahal parin" bulong ko sa gitna ng paghagulgol ko.
Naramdaman ko ang marahang pagtango at pagngiti niya kahit hindi ko siya nakikita.
"Iyan ang panghahawakan ko.." Bulong niya na bahid ng husky ang boses.
"You said to me before na kahit anong mangyari, lagi kong tatandaan na mahal na mahal mo parin ako" halos maiimigan mo ang pagtatampo sa boses niya.
"Mahal parin nga kita diba?" asik ko naman. Suminghap siya at sinilip ang mukha ko na nakasuksok sa dibdib niya.
"Pero wala na yung tiwala." pagkatingala ko ay nakita ko ang nguso niya na nanghahaba na. Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Masisisi mo ba ako? Dapat nga kahit mahal parin kita, suko na eh. Swerte mo pa dahil binibigyan parin kita ng chance kahit ayaw ko na." maktol ko. Lalo siyang sumimangot sa naging sagot ko. Lumuwang ang yakap niya ngunit ilang sandali siyang natigalan at pagkuwan at bumalik muli sa higpit ang yakap niya.
"Ah basta, dont dare to take back my chance. Bubuntisin ulit kita." asik niya.
"Hindi na ako pwedeng mabuntis. Mamamatay na ako panigurado kapag nangyari iyon." maloko kong sagot pero hindi niya yata iyon magugustuhan. May mas hihigpit pa pala sa yakap niya, hinapit niya ako at hinigpitan muli ang pagkakayakap.
"We'll use protection then." seryoso niyang saad pero natatawa ako. Tae-na ng taong to! How can he say those things! nakakailang kaya.
Ilang taon na ba itong tigang at hindi nakakatikim? jusko mula pa yata ng mapangasawa niya ako at ng umalis na si kara ng pilipinas. Nang mga panahon siguro na hindi na sila nagkikita ni kara. Whooop! inis naman, bakit ba ganito ang mga naiisip ko? pero baka naman sinubukan niya noong comatose ako, nako kita ko madaming magagandang nurse dyan sa tabi tabi, lalaki siya at may pangangailangan, gwapo at matipuno, posible namang zero points parin siya sa mga pagkakataong iyon.
"When did the last time you had sex, and with whom?" walang arte at ilang kong tanong. Bakit? open minded na kami, jusko for 25 year old. Hindi na dapat ako painosente, tsaka nanganak na nga ako diba? Hindi na ako virgin for fucksake!
Natawa ako ng mamula ang pisngi niya at alam kong nakaramdaman siya ng hiya. Parang siya pa ang mas babae sa amin ngayon. susme!
"ey, ano nga?" pangungulit ko sa kanya upang sagutin ang tanong ko. Napangiti ako ng mahuli ang marahang pagkagat niya ng labi at pagkamot ng ulo bago ako tingnan. Sinamaan niya ako ng tingin ng makita ang maloko kong ngiti.
"When did I got you pregnant?" tanong rin niya. Pumikit siya saglit ngunit pagmulat niya ay siya naman itong naghanda ng malokong ngiti.
"Ikaw ang huli ko, devon."
******************************
A/N:Wait lang, may mga bata bang nagbabasa? Omo!
NAPAPALIT agad ako ng setting, SPG na pala 'to. lol. Hahaha, open minded naman na siguro ang lahat diba? I think normal lang naman ito dahil mature ang imahe ng mga bida natin. If may problema sa mga mature words na ginamit ko, paki-inform po ako. Salamat :) Pero expect more mature scenes! 😝😝
Pass na muna tayo sa heartbreak no? Baka magkasakit na tayo sa puso. 😁😁
BINABASA MO ANG
UNWANTED(COMPLETED)
Romance"Highest Rank Achieved- #1 in Fanfiction, #9 in Romance" There's no such thing that can compete with the feeling of being unwanted. Devon Jaz De Guzman-Kim has been tied up with her man of her dreams. Lalaking pangarap at hangad niya, ngunit kabal...