Kabanata 8

24.9K 468 23
                                    

Kabanata 8

Fight

"Eat.." utos sa akin ni yano pagkauwi na pagkauwi namin. Agad niyang inilahad sa akin ang nakabalandrang pagkain na iba't ibang uri. May pizza, hamburger, lasagna, dumplings, spaghetti at marami pang pam-miryenda.

Ngumuso ako at mapang asar na ngumiti.

"Wow, mahal mo na ba ako?" natatawa kong tugon. Inis niyang nilapag ang kinakain na pizza at pinakatitigan ako ng masama.

"What? kakakain lang natin sa bahay tapos papakainin mo na naman ako. So, mahal mo na nga ako?" pang aasar ko parin.

"Tsk, if you dont want to eat. Then back off, ako nalang kakain nito. Hindi yung kung ano ano nalang iniisip mo. Dream on.." pagdepensa niya agad na kong ikinatuwa. Napapailing kong pinulot ang hamburger at agad iyong isinubo.

"Iisipin ko nalang na mahal mo narin ako." saad ko. Seryoso akong tumitig sa kanya at ngumiti ng totoo.

"Let me think that you love me. Gusto kong mahalin mo ako kahit sa imahinasyon ko lang, yano." sambit ko bago magpatuloy sa pagkain. Hindi na siya muli pang nagsalita. Napapangiti na lamang ako kapag nagagawi ang tingin namin sa isa't isa. Kagaya ng dati, kunot na kunot parin ang noo niya kapag ako ang kaharap niya. Parang pasan niya lahat ng bigat sa mundong ibabaw kapag ako ang kasama niya. Wala naman akong magagawa, ganoon talaga. Hindi niya ako gusto, kinamumuhian niya ako. Eh sa, anong magagawa ko? tsk.

Mas mabuti na yung ganito kami, kaysa iyong inaaway niya ako. Alam kong nag alala rin siya ng malamang nahimatay ako. Hindi man sa akin ay natutuwa parin ako. Kahit sa baby namin siya may concern, hindi parin mawawala ang pagkatuwa ko tungkol doon.

Mahal ang pagpapahalaga ng taong ito kaya kahit kaunti lang ang naipaglilingkod niya sa akin ay malaki na ang pasasalamat ko. Si yano iyong tipo ng tao na ginto ang bawat parte ng pagkatao, iyong dapat ingatan upang hindi makawala.

Alam ko ring tinitiis lamang niya akong huwag sungitan dahil inaalala niya ang kalagayan ng bata sa loob ko. Kahit ganoon ay nakakatuwa parin, mas maigi na kasi ito kaysa iyong wala siyang ginawa kundi ang sungitan ako.

"Pinag alala mo ako kanina.." saad niya bigla. Nawala ang focus ko sa pagkain dahil sa isinaad niya. Unti unting namuo ang ngiti sa labi ko. Gosh, yano!

"Im sorry.." muli pa niyang sambit na lubos kong ikinabigla. Sabi ko nga, ginto ang lahat sa kanya, maging ang pagpapatawad niya. Kaya sa pagkakataong ito, masasabi kong ako na ang pinakaswerteng tao.

Humalakhak ako at tinapik siya sa balikat, agad niya naman akong sinamaan ng tingin dahil sa ginawa ko. Inirapan ko siya ngunit nginitian parin.

"Mahal mo na nga ata ako eh" tawang tawa kong pang aasar sa kanya. Minsan ko lang itong maasar ng ganito, sulitin na. At baka magising ako, isang araw magbago na naman siya at bumalik sa dating siya.

"Tsk." singhal niya, hindi na niya pinatulan pa ang pang aasar ko. Halata ang irita sa mukha niya pero tinitiis niyang huwag iyong ilabas.

Buti naman at natitiis na niyang huwag akong sungitan. Achievement iyon para sa kanya, mahal ang pasensya nito pagdating sa akin.

"Maselan ka daw magbuntis, bakit di mo sinabi iyon sa akin?" tanong niya.

"Ayokong mapilitan kang alagaan ako kahit ayaw mo, yano" kahit ngayon ay iyon na ang gustong gusto ko. Gusto kong alagaan niya ako kahit ayaw niya, kahit labag sa loob niya. Sana kung alam kong ganito kasarap sa pakiramdam ang maalagaan niya kahit walang puwang ay noon ko pa nagawang magmakaawa sa kanya. Masyadong mataas ang pride ko at hindi ko kayang gawin ang pagmamakaawa. Ang alam ko lang gawin ay ang mang agaw at magpakadalubhasa sa pagmamahal niya.

"Simula ngayon, kasama mo na ako sa pag aalaga sa baby natin, alright?" napangiti ako sa sinabi niya.

"Sure ka?" paninigurado ko.

Bumuntong hininga siya ng malalim bago tumango at sumagot.

"I wont let you put my child in danger, devon. He's all Im into right now, siya na lang ang rason ko para mabuhay. You destroy me, you destroy my life, dev. And I can let you destroy me fully. " saad niya sabay tayo at talikod sa akin. Maririin niyang inaapakan ang mga baitang ng hagdanan. Wala akong magawa kundi ang mangingiti ng mapait habang tinatanaw siyang paakyat ng hagdan.

He never fail to hurt me, not in any single day.

You dont know how I hated myself for destroying my other half, yano. Ikaw ang buhay ko, ikaw ang mundo ko at ang marinig mula sa kalahati ng buhay kong nasira ang mundo niya ng dahil sa akin ay nagdudulot ng matinding sakit at poot. Gustong gusto kong mainis sa sarili ko pero lamang ang awa ko dito. Nagtatanong kung ano, kung bakit, at kung paano ko naging deserve ang ganito.

Napailing ako, umasa na naman ako. Umasang kahit paano ay makakaalpas ang isang araw na hindi niya ako masasaktan.

Bago pa ako makabawi sa pagdadrama ay nakarinig na ako ng kalabugan at nagbabasagang bagay mula sa itaas, sa kwarto namin.

Umakyat ang kaba sa dibdib ko at agad tumayo upang takbuhin ang itaas.

"Fuck, Devon!" sigaw ni yano mula roon. Agad naman akong nagmadaling umakyat. At ng makaakyat ako ay nakita ko ang nagbabagang tingin nito, naiiba sa reaksyon niya kaninang kausap ko siya. Nagbabaga, nagbabadya at nandidiri.

"You planned this, right?" nagtatagis bagang nitong tanong sa akin.

"planned what?"

"Fuck, ikakasal na si kara! and fuck you, si albert pa ang pakakasalan niya. Again for fuck the eff of you, you plan this!" sigaw niya.

Natawa ako kahit kinakabahang baka kung anong magawa niya sa akin. Nabuo ang imahe sa isipan ko, ang alaala ng panaginip ko. Sa ganitong paraan nagsimula iyon. Agap kong hinawakan ang tyan ko at lumayo sa kanya. Agad nangunot ang noo niya sa naging reaksyon ko.

"Dont go near me, yano" asik ko.

Ayokong mangyari ang nagyari sa panaginip ko. Hindi!

"Fuck you!" bulyaw niya sabay lapit sa akin.

Hindi ko alam kung bakit nagpanic ako sa paglapit niya. Sa bawat hakbang niya papalapit ay bumabalandra sa isipan ko ang mga nakita ko sa panaginip ko.

Hindi ko namalayang mapaluhod at mapahagulgol.

Hawak ang maumbok ng tyan ay pinakatitigan ko si yano na gulat na gulat habang nakatingin sa akin. Ang galit niya ay tila nawala, pagkakita sa sitwasyon ko.

Patuloy ang pag iling ko at pagtaas ng kamay sinyales na huwag siyang lumapit.

"Yano please. Huwag! huwag mo akong saktan. Huwag mong saktan ang baby ko.." pagmamakaawa ko sa pagitan ng paghikbi.

"Devon.." sambit niya at lumuhod upang pantayan ako.

"Kung nasasaktan ka, kung galit ka, please huwag mong idamay ang baby ko." muli ay pagmamakaawa ko.

Nagpatuloy ang pagtulo ng luha ko. Nakita ko ang pag aalinlangan niyang abutin ang mukha ko.

Ngayon ay nandito ako sa sitwasyong kinaiiwasan ko. Ang magmakaawa at magmukhang kawawa sa harap niya.

"L--Leave..." I said in between my sobs.

"devon.." pinilit niya akong abutin pero tinapik ko ang kamay niya.

"Leave!" utos ko.

"Please yano, leave. Dont make me do it. Kasi kapag ako ang umalis, baka hindi na ako bumalik" bulong ko. And I dont want that idea, pinipilit ko paring lumaban, yano.

******************************
A/N:
Malapit na palang mag-1k reads 😱 Salamat po 😘 Kahit matagalan ang update, naghintay parin kayo. Love you guys.

Vote and comment, paki share narin po. lol

UNWANTED(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon