Kabanata 6
Revelation
"Louis!" rinig kong sigaw ni yano. Humikab ako at tamad na ginusot ang mata. Nadagdagan na naman ang araw. Araw na kasama siya. Napangiti ako, hindi ko alam kung hanggang kailan tatagal ang tagpo ng umaga na ganito. Yung magigising akong alam kong nasa paligid ko lamang siya. Yung magmumulat ako ng mata na nasa tabi ko siya.
Napailing ako.
Mula ng ikasal kami, tabi na talaga kaming matulog. Ngunit sa kasamaang palad ni-tignan ako ay hindi niya magawa. Lagi siyang nakatalikod sa akin. Napapabuntong hininga na lamang ako. Ngunit kahit ganoon ay nagpapasalamat parin ako dahil hindi niya tinakasan ang responsibilidad niya sa akin.
Nag ayos ako bago lumabas ng kwarto, naririg mula dito ang tawanan sa sala.
Si yano ay sigaw lang ng sigaw sa kanila, inaasar na naman siguro nila ang pikon na iyon.
Pagbaba ko ng hagdan ay natahimik sila. Pare-parehong napalingon sa gawi ko. Tinaasan ko lamang sila ng kilay ng may pagtatanong.
Nakangiting lumapit sa akin si danna, habang sina lou at cad ay nakahakukipkip sa malaking sofa, kasama si yano.
"Punta tayong baguio" lathala nito. Nakita ko ang pagtiim bagang ni yano at agad akong tinitigan ng masama na waring sinasabi niyang huwag akong pumayag.
Ngumiti ako kay danna at tumango.
"Okay, I want to unwind narin. Ka-stress palang magbuntis" masaya kong turan.
"Devon!" patayong maktol agad ni yano. Nginitian ko lamang siya. Tingin niya ba talaga masisindak niya ako sa mga nakakamatay na titig niya at nakakabinging sigaw niya? nu-uh, sanay na ako sayo yano. Dapat ay alam mo naring hindi mo na ako kayang sindakin.
"Ikakasal narin pala si albert" singit na balita ni lou. Lahat kami ay natahimik. Wala kaming ka-alam alam na may girlfriend o natitipuhan ang isang yun. Ano yun? nagmigrate lang ng korea, ikakasal na?. Eh sa lahat ng matino sa matino ay siya ang pinaka. Si lou nga sana dapat ang maikasal na para naman matigil na ang pagiging fuckboy niya.
"Who's the lucky girl?" agap kong tanong. Sa kanilang apat kasi, si albert ang pinaka ideal man. Si yano kasi playboy din bago pa man talaga niya makilala si kara, Iyon ang kwento sa akin nina danna. Si cad, serious and mysterious type talaga. Tipong huwag mo nalang kulitin kung hindi na umiimik. Nangangagat yan eh. At ang pinakamalala talaga sa kanila ay itong si lou. Pati nga si danna, nilalandi niyan. Hays
"Arrange marriage daw" sagot naman ni cad na napapailing. Narinig ko ang pagsinghap ni yano sa tabi nito.
"May curse ba tayo sa marriage?" seryoso nitong tanong kina cad at lou. Siniko ako ni danna.
"Ito naman, para namang ang pangit ng marriage life mo. Wake up bro, pinagpala ka kaya." nakangiting saad ni lou, tinatapik niya ang balikat ni yano habang nakangiting nakatingin sa akin. Ngumiti rin ako sa kanya at tinanguan.
"Tsk." singhal lamang nito.
"Kailan daw kasal ni Albert?" pag iiba ko ng topic.
Kibit balikat na natatawa si lou. Sumandal ito sa malapad na sofa na dahilan ng pagsiksikan nilang tatlo nina cad at yano doon.
"Gusto ni albert, tapusin niya daw muna ang project niya sa korea. The girl want a beach wedding. Baka sa jeju ang magiging venue." sagot ni danna.
Napangiti ako. Iniisip ko palang ay magiging ideal na ang wedding na iyon. Sana makapanganak na ako sa mga panahong iyon para maka-attend ako."Sabi rin niya, manganak ka raw muna. Hindi daw siya papayag na di kayo pumunta ni yano"
dagdag pa ni danna."Sure ba talagang arrange marriage yan?" natatawang saad ni cad na dinugtungan naman ni lou.
"Pinaghahandaan eh" aniya.
Tumayo ako upang paghandaan sila ng makakain. Nahagip ko ang tingin ni danna sa akin. Katabi ko siya ngunit hindi ko nabanaag kanina ang mga mapagtanong at mapagmasid niyang titig sa akin. Ano na naman ang trip nito?
Impit akong natawa at tinapik ang balikat niya bago tumayo at pumanhik sa kusina.
Sinundan naman ako ng loka loka. Naiwan sa sala ang tatlong lalaki na napunta na sa basketball ang kwentuhan. Mamaya niyan, mga babae na. Tsk.
Siniko ako ni danna habang naghahanap ng pwedeng ihain sa kanila. Kunot noo ko siyang binalingan.
"Ano?" asik ko bago magpatuloy sa ginagawa.
Parang may gustong sabihin ang gaga pero hindi niya ma-sabi sabi. Tinigil ko muna ang ginagawa ko at hinarap siya. Katapat ang lukot niyang mukha ay tinapatan ko iyon ng ngisi na mapang asar. May problema yata ang loka.
"May problema ba?" tanong ko, natutop ko ang labi at tinapik ang balikat niya.
"Omo! dont tell me nabuntis ka ni Cad?" kunwari'y gulat na gulat kong sambit kahit alam ko at alam ng lahat na malabo iyong mangyari. Cad and danna? Nu-uh, parang incests na yun uy!
"Yucks, kadiri ka devon!" sigaw nito. Bakas sa mukha niya ang pandidiri mula sa aking sinabi. Napailing ako, sabi na nga ba, ganito ang magiging reaksyon nito. Magkapatid na ang turing ng bawat isa sa amin. Ang sitwasyon na mayroon kami nina kara at yano ay iba sa kanila nina cad at lou. Kaya ang pamamaraang iyon ang lagi kong pang aasar kay danna.
"Ano nga at mukhang malalim ang iniisip mo dyan?" tanong ko.
Sandali ay natigilan siya at tumingin sa tatlong lalaki na nagkakasiyahan na sa sala.
Ako rin ay napalingon sa gawi nila. Napangiti ako ng matanaw ang masayang tanawin na binubuo nila. Mula pa ng ikasal kami ni yano ay ngayon lang siya nakasamang muli nina cad at lou. Ngayon lang rin siya nakisalamuha sa kanila. Masyado siyang abala kay kara noong nakaraan at hindi na niya napagtutuunan ng pansin ang mga kaibigan niya. Tanggap kong may galit siya sa akin at ni hawakan ay hindi niya iyon kayang gawin. Ngunit kung pati ang mga kaibigan niya ay ganuon niya kung tratuhin at ang dahilan ay ako, masakit iyon para sa akin.
Mahalaga si yano para kina cad, lou at danna. Higit pa sa halaga ko sa kanila ay sobra sobra ang kanya. Napabuntong hininga ako ng maramdaman ang paghila ni danna sa manggas ng suot kong malaking t-shirt.
"Kilala mo ba kung sino ang mapapangasawa ni albert?" seryoso nitong saad. Ah, so ito nga ang gusto niyang sabihin. Marahil ay nakakagulat malaman kung sino ang babaeng pakakasalan ng aming kaibigan kung kayat ganito nalang ang reaksyon ni danna.
Buong atensyon kong itinutok ang sarili kay danna. Napapailing niya akong nilingon bago magpatuloy sa sasabihin.
"Si kara.." saad niya.
BINABASA MO ANG
UNWANTED(COMPLETED)
Romance"Highest Rank Achieved- #1 in Fanfiction, #9 in Romance" There's no such thing that can compete with the feeling of being unwanted. Devon Jaz De Guzman-Kim has been tied up with her man of her dreams. Lalaking pangarap at hangad niya, ngunit kabal...