Kabanata 34
Keep
"No! You cant be my donor.." pagmamatigas ko sa pagpupumilit ni yano. Nagsimula na namang magtubig ang mga mata ko. Sinuntok ko siya sa dibdib habang umiiling.
"Anong--you cant be, yano! Tingin mo ba kapag nabuhay ako kaakibat ang puso mo at wala ka na sa tabi ko, na wala ka na sa mundo. Magiging masaya ako? Yano, this cant help me. Hindi ito nakakatulong sa akin. Hindi ka pwedeng mamatay, walang mamamatay kundi ako lang dapat!" inis kong bulyaw sa kanya. We're in process of searching my heart donor. Nasa U.S kami at halos tatlong buwan narin kaming parang tanga na naghihintay ng donor ko. Nakakagain narin naman ako ng lakas dahil sa mga ipinapainom sa akin. Ang dating ayaw kong lugar ay siyang kinalulugaran ko na naman ngayon, ang hospital. Tatlong taon narin muli akong nananatili sa ganitong lugar. Wala akong magawa dahil ang magpalakas nalamang ang naibabayad ko sa mga taong nakapaligid sa akin ngayon.
I take yanna as my personal nurse. Isinama ko siya. Sina danna, cad, albert at lou naman ay tatlong beses sa isang buwan akong dinadalaw.
Sina mama at papa, sila iyong laging kasama ni yano at uno sa pagbabantay.
Ngayon ay kami na lang muli ni yano ang natira dahil mama and papa enrolled uno in one of the prestigious learning center here at U.S.
"Pero devon, you--"
"Mabubuhay ako tapos ikaw mamamatay? Ano pang silbi niyon kung ganoon, yano!" inis kong bulyaw sa kanya. Naiiyak na naman ako. Nakakainis kasi, lagi niyang pinagpipilitan na siya nalang daw ang magiging donor ko. Atleast secure daw ang magiging puso ko at alam daw niyang hindi na iyon hahanap pa ng iba dahil kanya naman na daw iyon. Nakakainis. Nakakainis dahil sa lahat ng ginawa ko sa kanya, lahat ng pagpapalayo. Narito parin siya, pilit akong pinapalakas at pinapasaya. Ang swerte ko dahil may asawa akong katulad niya. Sila na lang ni uno ngayon ang nag iipunan ko ng lakas. Iyong dati'y ideya kong sumuko at magpatalo nalang sa sakit ko ay nawala, napalitan ng buong desisiyong mabuhay pa ng matagal at labanan ang kung anong virus na nasa katawan ko ngayon. Nabigyan ako ng pag asa.
"I hope, Im the one who can feel your pain. Kung pwede lang, kunin ang lahat ng sakit na nararamdaman mo, gagawin ko. I hate seeing you this way, dev. I hate seeing you in pain."
Hinawakan ko ang mukha niya. At pinitik ang noo niya. Umusbong naman ang pagsimangot sa mukha niya at nabuo ang pagnguso niya. Napailing na lamang ako.
Niyakap niya ako at hinalikan. Puno iyon ng pagmamahal.
"Huwag mo na ulit gagawin iyong ginawa mo noon hah. dont make me leave you, again." bulong niya. Tumango ako. Sa pagkakahiwalay ng katawan namin ay hinalikan niya ako sa labi. Matagal, puno ng pagmamahal.
"Anong nagyari sa buhay mo noong umalis ka? Five months, almost a year kang nawala. Hindi nagpakita. Alam mo bang miss na miss kita, gago ka! iyak ng iyak iyong anak mo at hinahanap ka, araw araw." maktol ko na parang siya lahat ang may kasalanan.
"I spent it, watching you. Alam mo ba kung anong ginawa ko para lang makita ka ng hindi mo ako nakikita. Alam mo bang ang sakit sakit makita kang araw araw walang palya sa pag iyak? Alam mo bang gustong gusto kitang lapitan kahit ayaw mo kapag mag isa ka, natutulala tapos iiyak nalang bigla? If you cant breath, kapag nanghihina ka, kapag hindi mo mahanap hanap ang gamot mo. Naiinis ako dahil hindi kita maalagaan." siya naman ang nagmamaktol.
Ngumuso ako at pinisil ang pisngi niya.
"Akala ko naman kasi mas maganda 'yun.." napapayukong sambit ko. Smirk plastered on his face after what I said. Nakakainis, ang gwapo gwapo niya habang kapag iyong iba ang ngingisi ng ganyan, parang manyakis na.
"Maganda bang saktan ako? Maganda bang saktan mo sarili mo? Palayuin mo ako kung hindi mo na ako mahal. Pero kapag mahal na mahal mo pa ako, hayaan mo ako sa tabi mo"
Hindi ko mapigilang mapangiti. Kung alam ko lang na ganito pala ang pakiramdam ng maalagaan ng isang Yano Kim, sana ay hindi na ako nag isip pa na palayuin siya, dahil sa nakikita ko. Handa siyang masaktan, makasama lamang niya ako. Napakapursigido, kakaibang yano. Iba sa nakilala ko. Ganito pala siya magmahal... Nakakataba ng puso.
The thing that I chased him for a long time, is the best decision I had ever made. Kasi ito ang naging resulta, minahal niya ako ng sobra sobra.
"Magpalakas ka, magpagaling. Okay?" asik niya. Wala akong magawa kundi ang tumango at muling hapitin siya papalapit sa akin.
"Im sorry.... sorry kasi, naging mahina ako." sambit ko. Sinakop ng malapad niyang palad ang likod ng ulo ko at lalo pa akong isiniksik sa kanya. Ang malakas at mabilis na pagpintig ng puso niya ay sariwang sariwa sa tenga ko. Shet, para itong isang napakagandang obra ng musika.
"It's okay to be weak, there is nothing wrong to be weak. But dev, the more you accept the end of your weakness, you cant go with strength, It's better when you accept it and try to topped it. Try to get better, because being weak is like just your desease. The more you accept and wait to the end point of it, the more limits of chances will end too. Kailangan nating lumaban habang nabubuhay pa, kailangan nating lagpasan ang kahinaan natin upang maging higit pa. Upang lumakas ka."
Habang nagsasalita siya, wala akong ibang ginawa kundi ang titigan lamang siya. Kung paano magbago ang ekspresyon niya. Kung paano kumurap ang mga mata niya. Kung paano bumuka at sumara ang mga labi niya. Napakaswerte ko, minahal at minamahal ako ng taong ito.
Malambing kong sinakop ang mukha niya at mabilis na binigyan ng halik. Ang mga mapupulang labi niya ay napaawang dahil sa ginawa ko. Napangiti ako ng lumabas ang malokong ngiti sa labi niya.
"Mahal na mahal talaga kita. Bakit kaya?" natatawa kong saad. Sobrang nagpapasalamat ako, dahil bumalik kami sa ganito.
Sumimangot siya sa sinabi ko.
"Parang hindi mo iyon gusto ah." maktol niya. Pinisil ko ang namumulang ilong niya.
"Hindi nga." saad ko. Lalo lamang dumilim ang tingin niya sa akin. Ako naman ay lalo lang ring natutuwa dahil sa ekspresyon niya.
"Sa ayaw at sa gusto mo, wala ka ng magagawa dahil alam kong mahal na mahal mo ako, hindi ka narin makakawala sa akin dahil, mahal na mahal na mahal na mahal talaga kita." he then whispered.
BINABASA MO ANG
UNWANTED(COMPLETED)
Romance"Highest Rank Achieved- #1 in Fanfiction, #9 in Romance" There's no such thing that can compete with the feeling of being unwanted. Devon Jaz De Guzman-Kim has been tied up with her man of her dreams. Lalaking pangarap at hangad niya, ngunit kabal...