Simula

70.8K 673 20
                                    

"Mr. Yano Kim, will you have this woman to be your wife, to live together in holy marriage? Will you love her, comfort her, honor, and keep her in sickness and in health, and forsaking all others, be faithful to her as long as you both shall live?"

Naramdaman ko ang pagbigat at panlalabo ng mata ko. Takip ang mukha ko ng mala-seethrough na belo. Naaaninag ko ang bawat paglunok at mga pagkunot noo niya. Ikinakasal na ako. Ano pa ba ang dinadrama ko? Ilang minuto nalang, matatatakan ko na siya bilang isang pag aari ko.

Matagal bago ito tumango at sumagot ng I do. Waring labag pa iyon sa loob niya. Gaano ba kahirap bigkasin ang mga salitang iyon? Tatlong letra lamang ngunit waring para sa kanya ay libo libong letra na. Nakakapagod bigkasin, nakakatamad at kung maaari ay wag nalang ituran.

Natapos ang seremonyas. Dumiretso kami ng reception. Lahat ay pinaghandaan, lahat ay masaya dahil sa okasyong ito. Kabilang na ako, tanging si yano lamang ata ang hindi. Well.

"Masaya ka na?" halos mapatalon ako sa biglaan niyang pagtatanong. Ngunit binawi ko ito ng malokong ngiti.

"Ofcourse" sagot ko, kahit alam kong maiinis lamang siya sa naging sagot ko.

"Brat.." singhal niya sa nakagawiang tawag sa akin.

Hindi na lang ako umimik. Binaling ko ang atensyon ko sa buong paligid. Napangiti ako sa ganda ng reception. Magaling ang mga receptionist. Mahusay ang nag ayos. Ramdam mo ang isang magandang aura ng kasal, ang saya at pagmamahal.
Hindi halatang, isa sa amin ay napipilitan lang. Na isa lamang sa amin ang nagmamahal at masaya sa okasyong ito.

"Devon?" rinig kong tawag ni mama sa akin. Agad ko siyang nilingon at binigyan ng pagkalakilaking ngiti.

Niyakap niya ako at hinalikan sa magkabilang pisngi.
"Ma!" singhal ko. Bine-baby na naman niya ako.

"what? Im just happy. Misis ka na!" masayang saad niya, napangiti ako. Oo ma! Misis na nga ako, Mrs. Kim...

Hindi ko mapigilan ang paglaki lalo ng ngiti. Ang tagal kong pinangarap ito, Ang maangkin ng tuluyan si yano.

"Thanks ma!" saad ko lang, natawa si mama at muli akong hinalikan, pagkuwan ay naluluha na siya. Psh! Heto na, paniguradong magdadrama na 'to.

"Ang anak ko..." panimula niya habang hinahaplos ang kabuuan ng buhok ko. "Kasal ka na. Hindi na ikaw yung baby devon ko."

Muli niya akong niyakap. Bumuntong hininga ako at sinuklian ng yakap si mama. Mamimiss ko siya.

Matagal ang interaction namin ni mama, hindi ko na din namalayan na wala na pala si yano sa tabi ko.

Agad akong nagpaalam kay mama upang hanapin ang asawa ko.

"Nakita niyo si yano?" tanong ko sa mga kaibigan namin. Binati lang muna nila ako bago sagutin ang tanong ko.

"Nandito siya kanina, pero hindi siya nagtagal" sagot ni albert.

Ngumiti muli ako sa kanila bago muling bumaling sa ibang direksyon. Saan ba nagsususuot ang lalaking yun!

Nakarating ako sa likod at garden ng restaurant kung saan ang reception.

I took a deep breath when cold air embrace me. Malamig? "Katulad ka ng asawa ko, pareho kayong cold" bulong ko sa hangin.

Natigil ako sa pagkalakad ng mahimigan ko ang boses ni yano.

"Im sorry, I love you"

Muli akong bumuntong hininga habang nakatitig sa likuran niya. Hawak niya ang cellphone na nakapiring sa tainga niya.

Tumikhim ako at nagsalita dahilan para mapalingon siya.

"I love you too" smirk masked my lips. Mapang asar akong tumitig sa kanya. At agad akong nagtagumpay dahil sa akto niya, asar na asar na siya. Lalo kong pinag igihan ang pag ngisi upang maasar pa siya lalo.

"Anong ginagawa mo dito?" Inis niyang tanong sa akin.

"Ikaw? bat ka nandito?" I asked back. kumunot ng husto ang noo niya, kulang nalang ay pagbagsakan niya ako ng suntok sa mukha.

"Gago!" mura niya.

"Gago ka rin!" I curse back at him. Nawala ang mapaglarong ngiti sa labi ko at napalitan iyon ng pait.

"Kakakasal mo lang, nangangaliwa ka na agad?" singhal ko. Agad niya akong tinawanan.

"You know what the purpose of this marriage is? It's only for you to have me! but...." muli ay humagalpak siya ng tawa.

"You only have my name, not me, devon. Remember that"

Natutop ko ang bibig ko at hindi agad nakapagsalita. Tumango ako at pinilit ngumiti.

Tinitigan ko siya, walang bakas ng saya puro pagsisisi at galit ang nakikita ko sa mata niya.

"Kung sana hindi ka dumating sa buhay ko. Masaya pa sana ako. Fuck you for ruining my life, fuck you for bringing me into hell."

Bumuntong hininga muli ako. Pumikit at napahilamos ng mukha.

"Kasalanan ko bang mahal kit--"

"YES! Absolutely."

Pinagsiklop ko ang mga daliri ko habang nagpapadyak ang mga paa.

"okay, sorry!" sarcastic kong bulyaw sa kanya na nginiwian lamang niya. Frustrated siyang tumitig sa akin at nagbabanta.

"You'll regret this" He shouted.

Tinitigan ko lamang siya. Laman ng pagsusumamo at pagmamakaawa ay tinitigan ko siya. Hindi ako dapat masaktan ng dahil lang sa mga sinabi niya. Masaya ako dahil sa wakas ay sa akin na siya. Ngunit nasa akin na nga ba siya?

Nakikita ko ang pag igting ng panga at paglumukos ng palad niya.

"You'll fucking regret this, devon" saad muli niya sa mas marahan ngunit mabibigat na turan. Ngumiti lamang ako gaya ng nakagawian kong sagot sa mga hanash niya. Ito lang ang magagawa ko, dahil kapag nagpatalo ako. Kapag sumuko ako, at kapag umiyak ako. Alam kong mawawala siya sa akin. Para siyang isang bloke ng tore na marupok, kailangan bantayan upang hindi matumba dahil kapag nasira ang porma. Mahirap nang muling itayo pa.

"Okay, make me.." lathala ko habang nababalot ng ngiti ang aking labi. Kumikibot kibot iyon, ngunit pinilit kong lakihan upang hindi mahalatang nagpupumilit lamang.

"You'll regret this, you will fucking regret this, YOU WILL REGRET THIS" Inis na inis niyang sigaw sa akin.

Napahawak ako sa tenga ko at tinakpan ito. Marahan akong tumingin sa kanya at nginitian siya ng pagkaloko-loko.

"Fuck you!" bulyaw pa niya na tinawanan ko lang.

"Gago!" balik bulyaw ko sa kanya. Hindi ako susuko ng dahil lang sa hindi mo ako gusto, try me, Yano Kim, try me....

**************
-Unedited

UNWANTED(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon