Jake's POV
"Hoy!" Tawag ko dun sa babaeng bastos kanina.
Anong akala niya, mapapalampas ko 'yung ginawa niya? Hell no! Binastos lang naman niya ang pinaka-g'wapong nilalang na nakilala niya.
Bahagya pa akong tumakbo para lang maabutan siya, "Hoy, ikaw," Tawag ko ulit sa kan'ya nung malapit na ako.
Mukhang napansin naman niya ako. At kahit ayoko, nagpapasalamat ako dahil hindi ako pinagpawisan nung tumakbo ako.
Tinaasan nanaman niya ako nang kilay pagka-harap niya sa'kin, "Hindi ako interesado sa'yo, Mister," Nanlaki naman 'yung mata ko pagkasabi niya non.
Grabe! Grabe talaga. Ang kapal din talaga ng mukha nitong sabihan ang pinaka-g'wapong nilalang na kaharap niya ngayon ng ganyan, ah!
Akmang tatalikod na siya nung magsalita ako, "Mas lalo akong hindi interesado sa'yo," Kaya naman agad-agad siyang bumaling ulit sa'kin, "Ikaw, hindi mo ba ako kilala, ha!" Lumapit pa ko sa kanya, "Anong karapatan mong sabihan ang katulad ko na papansin, ha!" Sigaw ko sa mukha niya kaya naman napapikit siya.
Mas'werte siya dahil baka may laway kalakip pang ko 'yon! Aba, galing yata sa isang Jake Flores 'yon.
Rare 'yon!
"Hoy!" Medyo napaatras ako sa lakas ng sigaw niya, "Alam ko na 'yang style mo, Mister. Bulok na 'yan, kaya tigil-tigilan mo ako!" Ang kapal talaga ng mukha!
This time ay tuluyan niya na akong natalikuran.
Anong klaseng babae ba 'yun? At saang lupalop nanggaling 'yung mga pinagsasabi niya.
Unbelievable...
Hindi ko na siya sinundan at nag-bitiw nalang ako ng isang salita na alam ko na maririnig niya, "Assuming," Pagkabanggit ko nun ay huminto siya sa paglalakad at tinignan ako ng masama.
Parang may kakaiba naman akong naramdaman dahil dun. Parang... Excitement.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hate Me All You Want (On-Going)
Teen FictionJake Flores, a certified playboy na napapaligiran ng maraming chick. Highschool palang siya pero malakas na ang dating niya sa mga babae, masyado lang talaga siyang mabait para pag-bigyan ang gusto ng mga ito na maging fling niya. Pero sino itong ba...