Chapter 8

3 0 0
                                    

Jake's POV

Iniwas nya ang tingin sa'kin at 'tinuloy ang pag-kain nya. Dahil gutom na rin ako, pinagpatuloy ko nalang rin ang kinakain ko.

Anong nangyare dun?

Pagkatapos namin kumain, dumiretso na kami sa room namin. Hindi ko na rin pinansin si Ashely na kumakain pa.

Tss. Ang takaw pala nito. Sabagay, hindi naman pala sya hot, kaya magpa-chubby nalang sya. Hahaha.

Pagkarating namin sa room, hindi pa gaanong ganun karami 'yung mga tao. Naupo lang kami at nagk'wentuhan ng kung anu-ano.

Maya-maya pa, tinapik ako ni Billy. May ininguso sya na sinundan ko naman ito ng tingin. Nakita ko si Ashley na kapapasok palang sa pintuan, "Pare, bakit namumula?" Bulong ni Billy.

"Malay ko ba. Ano bang pakealam ko," Bulong ko rin at nginisian nya naman ako, "Tss," Parang baliw nanaman 'tong kumag na 'to, eh.

"Hm" Tinignan ko si Marky nung banggain nya ako, "Bakit?"

"Nakatingin sa'yo," Bulong niya at tumingin naman ako sa papalapit na si Ashley. Nakatingin nga sya.

Inirapan nya ako at umiwas ng tingin.

Ano akala nya? Pinagnanasaan ko nanaman sya?

"Pinaiyak mo yata, e," Sambit ni Marky.

"W-wala akong alam dyan, hoy," Pagtanggi ko.

Pero bakit ganito? Parang nagu-guilty ako. Parang may nasabi akong mali. Ewan. Ano ba 'yung mga nasabi ko kanina?!

Umupo sya kung saan nakaupo kanina.

"Dre, labas muna ako, bathroom lang," Paalam ni Billy na tinanguan ko lang.

"Wait, sabay na tayo," Sumunod naman si Marky kaya naiwan akong mag-isa.

Tinanaw ko pa sila hanggang sa makalabas. Hindi alam kung bakit, pero napatingin nalang ako bigla kay Ashley na nasa harapan ko. Napabuntong hininga ako bago tumayo at umupo sa bakanteng upuan sa tabi nya.

Kunot noo nya akong tinignan "'Yung kanina," Sambit ko.

"Alis," Masama nya nanaman akong tinignan, "Wala ka dapat sabihin. Bakit, boyfriend ba kita?" Ang kulit naman talaga ng babaeng 'to ah! Bakit ba sya ganyan magsalita, nakakaasar.

"Ano bang problema mo?!" Bulong ko at napabuntong hininga para kalmahin ang sarili, "Sorry don sa mga nasabi ko kanina," Sambit ko.

"Tss. Ang galing mang-insulto, akala mo naman perpekto," Bulong nya na hindi nakatingin sa'kin.

"Kaya nga nagso-sorry 'di ba?!" Pabulong na sigaw ko sa kanya. Nakakaubos talaga ng pasensya ang babaeng 'to, "Hindi ko dapat ginagawa 'to, alam mo ba?! Sinuntok mo 'ko kanina. Boksingera ka ba, ha?!"

Tinignan nya nanaman ako ng masama, "Umalis ka na nga dito, ayoko sa'yo," Tinignan nya pa ako ng masama. Pagkatapos ng pagkakababa ko dito, papaalisin nya lang ako?! "Alis!" Medyo napalakas ang bulong nya kaya may mga napatingin rin.

"Ha! Sa tingin mo naman, gusto ko sa'yo?!"

"Oo. Bakit, hindi ba?!"

"Assuming ka!"

"Mayabang ka!"

Napabuntong hininga nalang ako. Pano ba ako mananalo dito?

"Sorry na nga, e," Bulong ko.

"Umalis ka na," Pagtataboy nya nanaman.

Umiling lang ako at tinitigan ang mga mata nya. Dun ko lang nakitang mabuti ito. Namumula pati na ang ilong nya. Maganda sya. Mukhang anghel kung tutuusin. Ang panget nga lang ng ugali.

"Sorry, ganun ba kahirap paniwalaan 'yon? At, for your info, hindi ako mayabang," Bakit ko ba 'to ginagwa?

Umiling siya bago magsalita, "Ininsulto mo ako, tapos ngayon maghahabol ka?"

Nasapo ko nalang ang mukha ko dahil sa frustration.

Ganyan ba talaga sya?!!!

To be continued...

Hate Me All You Want (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon