Chapter 15

6 0 0
                                    

Ashley's POV

Rinig na rinig ko ang tunog ng wall clock dahil sa sobrang katahimikan dito sa loob ng detention room.

Tsk. Kaasar naman kasi 'yang mayabang na 'yan. Pati ako nadadamay sa kalokohan nya, peste.

At kung makaasta ang lalaki akala mo parang wala lang sa kanya. Hello, ang boring kaya dito. Kaimbyerna lang. Hmpft.

Sumisipol sipol pa ito habang nakataas ang paa sa isang upuan. Tinignan ko sya nang masama.

"Tumigil ka nga," Saway ko sa kanya pero tinignan nya lang ako at nginitian.

Kaasar talaga. Grrr.

"I said stop it!" Medyo napalakas ang boses ko kaya napatingin sa akin ang nagbabantay na mukhang nerd.

"Quiet," Saway nito sakin.

Kainis. Kanina pa sya saway ng saway sakin pero kapag si Jake okay lang sa kanya?! Napaghahalataan ka Ate na may gusto ka kay yabang! Kainis!

Rinig na rinig ko ang pigil na tawa ni Jake. Kaya napagpasyahan ko na manahimik na lang at magtiis sa lugar na 'to. Pero mukhang ayaw talaga akong patahimikin nitong damuhog dahil tumabi pa talaga sakin at tinignan ako nang naka salumbaba.

Kaasar talaga! Calm down, Ashley. Calm down.

"Ang cute mo pala?" Biglang namilog ang mata ko dahil sa sinabi nya. Is he complimenting me? Juice ko, nacucutan sakin si yabang? "Pero joke lang 'yun syempre." Bigla nanamang nagakyatan ang dugo ko sa ulo ko.

"Stop!!!" Frustrated na sigaw ko at napasabunot nalang ako sa buhok ko. "Arrgghh!" Napatayo ako.

"Hey you," Nilingon ko 'yung babaeng mukhang nerd at sinamaan ng tingin.

"Hey you mo mukha mo!" Nilapitan ko ito at sya namang pagatras nya, "Ikaw kanina ka pa ah?!" Masama akong tinignan ito pero hindi rin sya nagptinag na gumanti rin ng masamang tingin.

Si Jake naman ay biglang pumagitna saming dalawa. "Hey girls, stop fighting"

Mas lalong nag-init ang ulo ko kaya bigla ko na lang syang naitulak dahilan para mapayakap sya dun sa babaeng nerd, "Magsama kayong dalawa ng babae mo!" Pagkatapos ay tinalikuran ko sila at lumabas.

Imbyerna! Bakit ba ang abnormal nung mga taong 'yon!

Nang medyo nahimasmasan ako, dun ko lang napagtanto ang huling sinabi ko dahilan para mamula ang mukha ko.

What did I just said?

'Magsama kayong dalawa ng babae mo!'

Waaaaah! Bakit ganun 'yung sinabi ko?! Oo nga't halata naman na babae nya 'yon pero bakit ba sinabi ko pa 'yun. Baka isipin nya na may gusto ako sa kanya. My gosh. So, ano, ako 'yung legal kaya sinabi ko 'yon?! What the eff! Ano bang nangyayari sa'yo Ashley?!

Napailing na lang ako at naupo sa isang bench.

Mas gusto ko dito dahil maaliwalas at tahimik ang paligid. Walang maingay, at walang asungot na manggugulo. Psh. Bakit ba kasi ang OA nung teacher na 'yun? Parang konting pagkakamali mo lang papalayasin ka na, eh si Jake kaya 'yung engot na sumagot sa kanya ng kabaliwan na 'yun. Ewan ko!

Pano na 'to? Baka mas lalong lumala kapag nagsumbong 'yung dalawang malandi na 'yun?! Oh, well, baka nga naguumpisa na silang maglandian dun. Baka kung ano na 'yung mga ginagawa nila doon?! Baka... No, Ashley! Wag ka ngang green minded dyan!

Haist! I have no other choice but to come back. Kainis naman kasi. More patience, Ashley.

Padabog na lang akong naglakad pabalik sa detention. Pagpasok ko ay agad na tumaas ang isang kilay ko sa nakita ko.

What a great moment. Tuwang-tuwa lang naman ang babae na makipag landian kay Jake. Nasalumbaba pa ito habang naka crossed ang mga binti. Ang harot.

Tumikhim pa muna ako para mapansin nila. Agad na lumingon ang babaeng mukhang nerd at tinaasan ako ng kilay. Maarte pa itong tumayo bago magsalita, "You came back"

Inirapan ko naman sya at naupo ulit sa upuan kung saan malayo si Jake. "Obvious ba?" Pagtataray ko rin dito.

Anong akala nya? Porque officer sya hindi ko sya papatulan? Phs. Eh, sya nga 'yung kanina pang epal dyan. Nananahimik ako for pete's sake, ginugulo lang ako ni Jake.

Ano bang klaseng school 'to? Bakit nagiging unfair pag dating dyan sa mayabang na Jake na 'yan? Anyway, hindi dapat ako nagpapaapekto sa mga 'yan. Relax, Ashley. Hindi mo ikinaganda ang pagiging stress. Paalala lang.

Nang matapos ang pinakahihintay kong oras sa loob ng detention na 'to ay agad ko nang kinuha ang bag ko sabay lumabas. Hindi ko na hinintay ang mayabang na Jake dahil hindi naman sya mahalaga.

Pero mukhang walang balak ang lalaki na tigilan ako. Hinabol nya nanaman ako at sinabayang maglakad. Tsk. Ayaw pa kasing umamin na patay na patay sya sakin, e. Kailangan nya pa ba na gawin yang mga bagay na 'yan para mapansin ko sya?

"Oh my god, why are they so close?!" Rinig ko na sabi nung babae pero hindi ko na ito pinagaksayahan ng oras para lingunin.

"Look girls, may bago nanamang fling si Jake" Really? Lahat ba nang nadidikit sa kanya fling agad? "And she looks so cheap"

Bigla nanamang naginit ang ulo ko dahil sa narinig ko. Huminto ako at haharapin ko na sana kung sino mang sira ulo ang nagsabi non nang may nakabunggo sakin sa likod dahilan para malaglag ang sling ba ko.

Dadamputin ko na sana 'to ng unahan ako ni Jake at ibigay ito sakin, "Thanks" Sarkastikong tono ko at binigyan ko pa sya ng pekeng ngiti. Hinarap ko kung sino mang tao ang naka binggo sakin at doon nanaman ako nagulat.

Bakit ba ganito sakin ang tadhana? Bakit ba 'yung mga taong nilalayuan mo, eh kusang lumalapit sa'yo? Hindi naman siguro ganon kaliit ang mundo 'di ba?

"Ethan?" Usal ko sa pangalan nito. Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na makikita ko ulit sya.

"Ash" Nanlamig ang buong pagkatao ko nang marinig ko ulit ang boses nya. Hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Bumilis ang pag tibok ng puso ko.

Bakit ba ganito pa rin ang epekto mo sakin?

To be continued...

Hate Me All You Want (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon