Chapter 12

5 0 0
                                    

Jake's POV

Napabangon ako sa tunog ng alarm ko.

Another school day, monday. Hay! I don't feel monday, as always. I love fridays.

Tamad goals!

Bumaba ako sa kitchen para mag almusal. Napansin ko agad na nakahain na ang breakfast sa table.

"Oh Jake, ang aga mo yata ngayon, Iho?" Napansin ko si Manang nung magsalita sya.

Matagal na namin syang kasambahay. Simula pa noong bata pa ako, sya na ang nagaalaga sa'kin. Ano pa nga bang aasahan ko sa mga busy kong magulang. Tsk. Mas mahalaga ba sa kanila na yumaman ng yumaman kaysa makasama nila ang pinakagwapo nilang anak.

Tsk. Oo nga pala, ako lang ang anak nila. Baliw. Hahaha.

"Wala lang po, Manang," Tugon ko sa kan'ya.

Well, ngayon lang talaga ako bumangon ng ganito kaaga. Usually, kapag tumunog na ang alarm ko ay nagssnooze pa ako ng 5 minutes, pero ngayon? I feel like something in me. I feel like excited? I don't know. These past few days ganito na ang nararamdaman ko. Basta. Hindi ko maipaliwanag.

Kumain lang ako ng inihain ni Manang na pagkain kahit hindi ko trip. Bakit ba kasi sobrang busy ng mga magulang ko?

Pagkatapos kumain ay bumalik na ako sa kwarto ko at naligo, pagkatapos ay nagbihis at nagayos. Bago ako lumabas ng kwarto ay napatingin ako sa salamin.

Bakit ang gwapo mo?

Haha. 'Yan lagi 'yung tanong ko sa sarili ko. Bakit nga ba? Ha, ewan. Basta! Wala, eh! Ganun talaga! Oo nalang. Haist. Ang gulo talaga ng utak kapag gwapo ka. Tss.

Pagkarating ko sa school ay konti palang naman ang mga tao. May mangilan ngilan pa na napapatingin sa'kin. Syempre, hindi ko naman masisisi ang sarili ko. Hehehe. Wala, e. Gwap--

"My Jake!" Napahinto ako sa paglalakad sa hallway nung marinig ko nanaman ang boses na 'yun.

Kung minamalas ka nga nanaman oh! Bakit ngayon pa? Bakit?!!!

Napalunok ako at unti-unting lumingon na akala mo'y may multo sa likuran ko, "L-lucy?" Banggit ko sa pangalan nung tumawag sa'kin.

Si Lucy Miles, ang babaeng kinatatakutan ko, "Good morning, My Jake," Ngumisi pa ito nang nakakakilabot. Nagsitayuan nanaman ang mga balahibo ko nung unti-unti syang lumapit sa'kin.

Agad itong yumakap sa'kin at hinalikan ako sa pisngi ko, or I shoud say, sa jaw ko! Brr, nakakapangilabot talaga.

Si Lucy ay isa sa naging fling ko. Half british, half filipino. May magandang katawan, mahabang blonde na buhok at blue na mata. At ang pinakamalupet? Ang laki nung harap nya! Ayoko nang idescribe! Nakakakilabot talaga! Waaaaa! Help me please!

Hindi pa 'yon. Akala mo ang tahimik ng babaeng 'to pero may tinatago palang nakakatakot na ugali. Para syang baliw! Nung una ko syang makilala, akala ko tahimik na tao lang sya pero mali ako! Nakakatakot sya! Basta!

"Miss me, My Jake?" Bumulong pa ito ng nakakaakit sa tenga ko, "Kasi ako? Miss na kita. Bakit hindi kita nakikita dito, haa?" Dahil tinataguan kita! Peste!

Hindi talaga ako nagpapakita sa kan'ya. Makita ko palang sya sa malayo, umaalis na ako. Buti nalang talaga malaki 'tong school.

Marahan akong kumalas mula sa pagkakayakap nya, "H-hehe, b-busy kasi a-ako, eh," Pagpapalusot ko sa kan'ya, "A-ah, Lucy, papasok na a-ako," Pagpapaalam ko sa kan'ya.

Maaga pa naman, e. Pero sana makalusot...

"What? Maaga pa, oh, My Jake," Nahuli nanaman ako bwiset! "Just come with me, please," Haist, mukhang wala nanaman akong choice kundi sundin nanaman 'tong babaeng 'to! Badtrip!

Magsasalita sana ako nung makita ko naman si Ashley na paparating. Teka! Oo nga!

May naisip akong plano. Hahahaha! Sana gumana ka!

Itinaas ko ang kamay ko at kinawayan sya, "A-ashley!" Napatingin agad ito sa'kin at biglang sumimangot. Tsk. Ang aga-aga, badtrip nanaman.

Kaso, inirapan nya lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Pero nung makadaan sya sa gilid ko ay agad ko syang inakbayan.

Wag kang aangal, please. Kahit ngayon lang!

Tinignan naman ako nito ng masama na animoy pinapaalis ako. Pero hindi ako nagpapatinag.

Makisama ka namang assumerang babae ka! Ako na nga 'yung umaakbay sa'yo, e! Ano, talo ka pa?

Bumaling ulit ako kay Lucy at ngumiti ng bahagya, "Ah, L-lucy, may gagawin kasi kami ngayon, eh. Sorry," pagkasabing pagkasabi ko nun ay kinaladkad ko na si Ashley palayo at hindi na hinintay na magsalita pa si Lucy.

At mukhang mabait talaga sa'kin ngayon ang araw dahil nakisama, "--Arghh!" Napadaing ako sa sakit nung bigla nya nalang akong ibalibag sa sahig!

"Sa susunod, pumili ka nang aakbayan mo, ha! Hindi ako tulad ng mga babae mo!" Pagkasabi nya nun ay tinalikuran nya na ako at lumayas.

Bwisit talaga! Bakit ba ang lakas ng babaeng 'yun?!!

To be continued...  

Hate Me All You Want (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon