Chapter 14

6 0 0
                                    

Ashley's POV

One word. Oh my god! Anong ginagawa nya dito?! Bakit nandito sya?! Sya lang ba ang lumipat dito? O kasama nya si--

"Miss Reyes!" Napaigtad nalang ako nung marinig ko 'yung sumigaw.

Patay ka, si Ma'am!

Lumapit ito sa akin at pinamewangan ako, "What are you doing here in my class! Aren't you listening?! I said, who is the father of the math!" Napakagat ako ilalim na labi ko dahil sa tanong ni Ma'am.

Sino ba 'yun?! My god, hindi ako prepared! Huhu, why me, Ma'am?!

"Miss Ashley Reyes?!" Teka lang naman Ma'am oh! Anu ba 'yan, bakit ako kasi ang tinanong nya?!

Nagbungisngisan naman ang mga tao sa likod ko kaya napayuko ako. Haist! Bakit ba kasi nakalimutan ko pa?!

At bakit ba mga peste 'tong nasa likuran ko! Bwiset kang mayabang ka, pagtawanan mo pa ako dyan!

"You!" Napatingin ulit ako kay Ma'am nung sumigaw sya. Akala ko ako ulit ang tinawag nya pero lampas ang tingin sya sa'kin kaya bagagya akong napalingon.

Kay Jake sya nakatingin. Masamang tingin. Hahaha. Buti nga sa'yo!

"M-ma'am?" Ramdam ko sa boses nya ang nginig at kaba. Ayan mayabang ka kasi!

"Answer me!"

"W-what i-is it, M-ma'am?"

"Who is the father of the math! Aren't you listening on me too?!"

"Ah? ha ha ha ha. Actually," Tumikhim pa sya na akala mo may matinong isasagot. Tsk. Buti pa sya alam nya yata, "Sa pagkakaalam ko po kasi, wala pong tatay si math," Lahat kami ay natawa sa isinagot nya. Akalain mo nga naman, akala mo talaga alam nya eh! Mayabang, "May tatay ba 'yun, e hindi naman po sya tao, subject po sya, Ma'am," Tila sobrang proud pa na sagot nya. What a stupid answer.

Sa pagkakataong ito ay mas lalong nagsalubong ang kilay ni Ma'am, "You!" Nawala ang ngiti sa mga mata ni Jake, "Get out of my class, now!" Buti nga sa'yo. Hahaha, "And you!" Napaigtad nanaman ako nung tawagin ni Ma'am, "Get out!" What?!

"B-but--"

"No buts!!!" Pagtutol sa'kin ni Ma'am.

Haist! Bwisit talaga bwisit! Bakit pati ako nadamay!

Wala na akong nagawa kundi kunin ang bag ko at sumunod sa labas kung nasaan si Jake. Tsk! Kasalanan nya 'to, e!!

"Oh, mukhang may problema ka yata, Ashley?" Nginisian pa ako ni loko ng nakakaasar. Grrr, "Miss mo na agad ako?" Isa pa ha? Isa pa! "Tss. Wag ka naman masyadong dumikit sa'kin, 'di kita magugustuhan. Hindi ka naman hot--"

"Ano bang problema mo ha?!" Nakakaasar! Nakuha nya pa talagang mang asar ng ganyan?! "Kasalanan mo 'to, e!" Sumbat ko sa kan'ya.

Totoo naman, eh! Kung hindi sya paengot-engot, eh 'di hindi sana kami mapapalabas! Peste!

Nagsalubong naman ang mga kilay nya, "Anony ako?! Ikaw!"

"Ikaw 'yun, engot ka kasi, engot!"

"Ikaw nga 'yung walang masagot dyan!"

Ah ganun ah?!

Binitbit ko ang bag ko at inihampas sa kan'ya ng paulit-ulit, "Bwisit ka talagang mayabang ka! Grrrr!"

"Aray! Tigilan mo na nga 'yan"

"Kasalanan mo 'to! Kasalanan mo 'to!"

"Ano?! Bakit ako nanaman?!"

"Dahil napaka-engot mo!" Patuloy pa rin ako sa pag hampas ng bag ko sa kanya.

Bwisit talaga sya. Akala mo talaga matino 'yung isasagot nya, eh kalokohan nanaman pala!

"Stop it!" Sigaw nya at bigla nya nalang sinalo ang bag ko.

At ang masama pa do'n ay nahila nya ako at napasubsob ako sa dibdib nya.

Whoosh. Muntikan pa kami dun matumba, nakakaloka!

Pero? Pero!! Waaaa! Bakit nakayakap ako sa kan'ya?!!

"Waaaaaa," Malakas na sigaw ko at sabay kumawala sa kan'ya, "Manyak!" Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha ko.

Oh my self! Bakit ko nagawa ang nakakasuklam na bagay na 'yon! Bakit nakayakap ako sa kanya!

Wait, wait, wait, wait! Sino bang may kasalanan?!!

Tinignan ko nang sobrang talim si Jake, "Manyak ka!" Kahit nahihiya ako ay pinilit ko pa rin na patapangin ang boses ko.

Grrrr. Bakit ba ako nagkakaganito?!

Kitang kita ko ang paglaki ng mga mata nya at pagsinghal, "H-hoy, ang k-kapal mo talaga 'no?!"

"Manyak ka!" Sigaw ko muli.

"Eh ikaw 'tong nakayakap sa akin, ah?!"

Hindi nanaman ako makatingin sa kanya dahil sa sinabi nya.

Arghh!! Bakit ba nangyayari 'to?! At bakit nadamay pa ako sa kalokohan nitong ungas na 'to?!! At bakit ba 'yung teacher--

"You two!!!" Napatingin kami pareho kay Ma'am nang sumigaw sya.

Malas talaga! Malas!

"Detention!"

To be continued...

Hate Me All You Want (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon