Chapter 9

4 0 0
                                    

Jake's POV

Isang b'wan ko nang classmate si Ashey pero wala pa ring nagbago sa pakikitungo namin sa isa't-isa.

Katulad pa rin nung nakaraan. Mayabang na assuming pa rin. Tsk. Hindi ko na talaga alam kung bakit ko pa pinapansin 'yan, e. Naloloko na yata ako.

"Class dismissed"

"Hay salamat naman, makakauwi na rin!" Sabi ni Billy na nag-iinat pa, "Makakalaya nanaman ako dito sa pihitan!"

"Oo, pati sa mga presong baliw na tulad mo," Sabat ko sa kan'ya.

"Sira," Natatawang sambit nya, "Nga pala, hindi ka na yata nilalapitan ng mga chicks, ah?"

"Baka dahil kay Cassey?" Napatingin ako kay Marky, "'Di ba 'pinagkalat nya na kayo na?"

"Tsk. Ang kapal talaga nung babaeng 'yon," Saad ko na lang.

Hindi ko na rin nakikita ang pagmumukha nung flirt na 'yun. Subukan nya lang talaga magpakita.

May kalalagyan sya.

"Tara sibat na tayo," Anyaya ni Billy.

Tinanguan lang namin sya. Bago ako lumabas, napatingin muna ako kay Ashley na nakatingin pala sa'kin. Agad-agad nya na iniwas ang tingin nya.

Sabi na nga ba, e. Tatamaan ka rin pala sa'kin. Hay babae ka nga naman pala.

Kahit na ang lakas mo sumuntok.

Kahit siguro si Ronda Rousey na UFC fighter, tatablan sa kag'wapuhan ko, eh. Hahaha. Wala na talagang ilulugar 'tong mukha ko.

Naunang sumakay sina Marky at Billy sa mga sasakyan nila, habang ako naman ay inaabangan 'yung kursunadang chick na nakita ko kahapon.

Balita ko kasi, bago rin daw 'yun dito. May practice kami ng soccer nung dumaan 'yung babae, and wow! Daig nya pa 'yung anghel na bumaba sa lupa. Parang sya 'yung mga nakikita ko sa korean novela na leading lady. Lahat napapatingin sa kanya, kasama na ako. Parang na 'love-at-first-sight' yata ako, dun. Kaya hindi na ako mag-aaksaya ng oras, uunahan ko na. Lulunukin ko nalang ang pride ko at ako na ang lalapit.

Sa totoo lang, hindi ko pa nga sinabi kila Billy at Mark ang balak ko, eh. Tss. Pasaway din 'yung dalawang 'yon. Mamaya maunahan pa ako nyan e.

Sa pag-aabang ko, may hindi ako inaasahan na makikita. Si Ashley.

Medyo nangunot ang noo ko.

Anong ginagawa nya dito? Sa pagkakaalam ko, wala naman syan sasakyan, ah? Kahit bike, wala! Hahaha. Kaya nakakapagtaka, kung bakit sya nandito.

At bakit papalapit sya sakin?!

Hindi ko inalis ang tingin ko sa kan'ya habang nilalapitan nya ako.

Aha! Siguro, na-realize nya na, na type nya ako at handa sya na gawin ang lahat para lang mapunta ako sa kan'ya. Hahahaha. Alam na alam ko na ang mga galawang ganyan, eh. Sanay na sanay na ako.

Huminto sya sa harap ko at akmang magsasalita nang pigilan ko sya habang nakataas ang isang kamay ko sa harap ng mukha nya, "Oops, oops, oops," Pigil ko sa kanya at akmang magsasalita nang pigilan ko ulit ito, "Hindi ka na p'wede, dahil may iba akong kursunada. Tsaka, hindi rin kita type, kaya sorry nalang, Ashley ha?" Paliwanag ko sa kan'ya.

Hinawi nya naman ang kamay ko na nasa tapat ng mukha nya, "Ano ba!" Gigil na sigaw nya, "Ano bang problema mo, ha?! At saka anong sinasabi mo dyang hindi p'wede, hindi p'wede at kursunada? At anong hindi type, ha?! Don't me!" Saad nya na ipinagtaka ko naman.

"Oh? Eh anong ginagawa mo dito, bukod sa pagnasaan ako," Nginisian ko pa sya pero inirapan nya lang naman ako.

"Ang kapal talaga," Sambit nya.

Ahh! Pumunta ba sya dito para lang dyan?!

"Ano ba kasing ginagawa mo dito?!" Medyo naiinis nanaman ako sa babaeng 'to. Konti nalang talaga.

"Tss," Singhal nya. May itinaas pa sya sa harapan ko na hawak nya, "Ayan, notebook mo. Salamat, ah at iniwan mo. May dahilan pa tuloy para makita mo ako," Saan nya sa sarkastikong tono at umirap pa.

Pahablot ko na naman na kinuha ito.

Pahiya ako dun, ah...

"Tss. Bakit ikaw ang nagdala? Gusto mo lang ako makita, eh!" Pang-aasar ko sa kan'ya.

Pinandilatan nya naman ako ng mata at masamang tumingin, "Ang yabang mo talaga!" Bigla na lang syang tumalikod at umalis pagkatapos nun.

Hahaha. Ang sarap talagang asarin.

Pasakay pa lang ako ng kotse ko ng bigla syang bumalik na animoy natataranta. At ang nakakagulat pa do'n, bigla nalang syang sumakay sa kotse ko!

Ang kapal naman talaga ng babaeng 'to!

Sisigawan ko na sana sya sa loob ng kotse ko nang makita ko ang inaabangan kong diwatang anghel.

Oh no, no, no. Anong gagawin ko?! Nakasakay ang babaeng kinaiinisan ko sa loob ng kotse ko! Ano nalang ang iisipin nya?! Baka mabasted ako kapag nakita nya na may isa pang babae na patay na patay sakin na nakasakay sa kotse ko.

Agad-agad akong sumakay sa kotse at tinitigan ko si Ashley ng masama.

To be continued...

Hate Me All You Want (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon