Ashley's POV
"Class dismissed!" Ani ng teacher namin nung tumunog na ang alarm.
Hay!
"Psst," Napalingon ako at nakita ko nanaman ang pinakanakakaasar na pagmumukha dito sa school.
"Oh?!" Iritang irap ko rito.
"Sabay ka na sa 'kin," Ani'to na nagpabilog naman sa mga magagandang mata ko.
"Oo, alam ko gwapo ako kaya 'wag ka nang magulat," Anito na may ngisi pang kasama.
Wait. What? Ako isasabay niya? Siya, isasabay ak--
Bumalik ako sa realidad nang maramdaman kong hawak na ako nito sa braso at halos madapa-dapa na sa bilis ng paglalakad nito. Napapikit nalang ako.
Kinakaladkad nya ako!!!
"Teka-tek--" Naramdaman ko nalang na naka-hinto na kami at may kung kaninong kamay pa na humigit sa kabilang braso ko.
Oh my god!!! Balak nya ba akong patayin?!
Naiimagine ko na sa isip ko na hihilahin nila ako at mahahati ako sa dalawa. Oh my god, please help me. Ayoko pang mamatay.
Napapikit na lamang ako ng madiin at nagsimula ng magdasal.
Lord, kung sakaling oras ko na, sana po sa langit ako mapunta. Kayo na pong bahala sa nanay ko. Lord, wala na po bang second chance? Hindi ko pa po natatagpuan 'yung prince charming ko?! Ayokong mamatay ng ganito, Lord. Lord parang awa niyo na gusto ko pang mabuhay!!!
"Be careful" Tumigil nanaman ang mundo ko ng marinig ko ang boses na 'yon. "Are you okay," Tanong nito sakin.
"Kita mo naman 'di ba?" Biglang singit ni Jake.
Naramdaman ko nalang ang pag-higpit ng hawak niya sa mga kamay ko. Napatitig ako dito at bigla ko nalang naramdaman na bumilis ang tibok ng puso ko. Ramdam ko ang galit sa mga tingin niya.
Ano bang meron sa kanilang dalawa?
To be continued
BINABASA MO ANG
Hate Me All You Want (On-Going)
Teen FictionJake Flores, a certified playboy na napapaligiran ng maraming chick. Highschool palang siya pero malakas na ang dating niya sa mga babae, masyado lang talaga siyang mabait para pag-bigyan ang gusto ng mga ito na maging fling niya. Pero sino itong ba...