Chapter 3

6 0 0
                                    

Jake's POV

"Ano?!" Galit na sigaw nung mayabang na babae.

Nginisian ko lang siya ng nakakaloko sabay lapit, "S-Sige, subukan mo lang!" Banta niya habang nakaangat ang mga kamao na animoy buksengera.

Huh! Akala niya siguro natatakot ako sa kan'ya? Anong klaseng trip 'yan?

Hindi ko siya pinansin at lumpit pa ako. Nang makalapit ako, dinakot ko 'yung id niya at hindi naman siya nakapalag.

Ashley Reyes pala ang pangalan ng babeng 'to, bakit parang ngayon ko lang nakita 'to? Tapos kung angasan ako, akala mo siya 'tong sikat dito sa school?!

"Akin na 'yan!" Marahas na kinuha niya ang id mula sa kamay ko, "Sorry ka nalang dahil hindi mo makukuha ang ganda ko. At sinong sinabihang mong 'assumera' ha?! Ang kapal--"

"Hey, stop doing that!" Naputol ang mga sasabihin niya pa nung dumagungdong ang matinis na boses na 'yon. Lumapit ito sa'kin sabay pinulupot ang braso niya sa braso ko, "Who are you to shout at my Jake?!" Galit na nagtitigan pa 'yung dalawa.

"Hoy, bantay-bantayan mo 'yang boyfriend mo dahil malandi 'yan masyado," Anong malandi?! Wala pa nga akong ginagawa ah, "Type ako niyang boyfriend mo, Ate. Kaya kung ako sa'yo hiwalayan mo na 'yan. Manloloko 'yan," Pagkasabi niya non ay bigla nalang siyang umalis habang pareho kaming napanganga.

Wow! Hindi talaga ako makapaniwala.

Type ko? Sino, siya? At manloloko?!

Napatingin ako sa babaeng hanggang ngayon nakapulupot pa rin sa'kin. Si Cassey Vergara, fling ko. Oo, isa lang 'yan sa mga fling ko.

At oo, babaero ako. Pero hindi ako manloloko! Una sa lahat, wala akong girlfriend. Pangalawa, mga babae lang talaga ang kusang lumalapit sa'kin!

Inosente ako!

"Who's that trash, Jake?!" Tukoy niya dun sa Ashley, "I don't like her," Pagkasabi niya non ay tinignan ko siya ng masama.

"And, I don't like you," Inis na sambit ko sabay piglas sa kanya.

Bastos na kung bastos. May atraso sa'kin ang babaeng 'to, kaya nababadtrip ako 'pag nakikita ko siya.

Ipagkalat ba naman na kami na raw!

To be continued...

Hate Me All You Want (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon