Jake's POV
"Oh my god"
Namimilipit pa rin ako sa sakit. Takte, bakit nya ba ginawa 'yon?! Hindi 'to p'wede?!
"Ikaw si Jake Flores?!" Naririndi pa ako sa lakas ng boses nya.
Ano bang nakakagulat sa pangalan ko. At bakit, kilala nya ba ako?!
Oo nga pala, hindi na dapat ako magtaka dahil sikat nga pala ako. Bwahaha, bakit hindi ko naisip 'yon.
Ahh! Ang lakas sumuntok ng babaeng 'yan. At ang lakas din talaga ng loob nya na gawin sakin 'to, sh*t!
Tinignan ko sya ng masama habang sapo ko pa rin ang sikmura ko, "Ano bang problema mong babae ka?! Oo, ako si Jake Flores. Ngayon kilala mo na kung sino ang binangga mo!"
Pansin ko naman ang pag-singhap nya, "Eh kaya naman pala ang yabang mo, ikaw pala 'yung Jake Flores na naririnig ko na pinaguusapan araw-araw dito! Eh ang hina mo pala, e!" Nanlaki ang mga mata ko sa pang-iinsulto nya.
What the hell?!
Napatayo ako ng diretso sabay dinuro sya, "Hoy, bawiin mo 'yung sinabi mong babae ka?!"
"Bakit, may magagawa ka ba kung ayaw ko?!" At talaga namang sumasagot pa sya ha?! "Hindi kamo sikat ka dito sa loob ng school, e kakayan-kayanin mo na ako, utut mo! Hindi mo 'ko makukuha sa kagaganyan-ganyan mo!" Ha! Talagang pinanindigan nya na na may gusto ako sa kanya ah?! Ang assuming talaga ng babaeng 'to!
"Talagang pinanindigan mo na may gusto ako sa'yo ano?!" Galit na tanong ko sa kan'ya.
Humalukipkip naman sya, "Bakit, hindi ba?! Alam ko na mga galawan nyong mga lalaki, lalo na ikaw. Mga babaero't manloloko kayo. Mga pakitang tao, 'yun pala may mga sungay at buntot!" Aniya sabay umirap.
"Eh, assuming ka nga talaga, 'no?!" Lumapit ako sa kan'ya pero umatras kaagad sya, "Miss Ashley, hindi lahat ng lalaki ay pare-pareho. Walang nagsabi sa'yong subukan mo lahat kami," Pagkasabing-pagkasabi ko non ay tinalikuran ko na sya nang tulala.
Hindi ko napansin na may mangilan-ngilan na palang nanunuod sa'min. Tinignan ko lang ang mga ito ng masama at nag-alisan na silang lahat.
No one dares to fight with me here. Kaya nga nagtataka ako kung bakit ako kinalaban nung babaeng 'yun kanina eh. Tsk. Transferee nga pala sya. Kay bago-bago--nagyayabang na.
Pagkarating ko sa canteen, nakita ko naman kaagad ang mga kaibigan ko at nilapitan sila, "Kain na tayo," Anyaya ko sa kanila.
"Ano 'yun pare, nadale mo kaagad 'yung transferee na babae? Ang tindi mo talaga, ah," Ani Billy na mapanuksong nakatingin sa'kin.
"Wala pare, 'di ko type 'yun. Biruin mo, sinikmuraan ako. Ayoko non, pre. Amazona. Tapos sabihin ba naman na may gusto raw ako sa kan'ya. Ha! Grabe, ngayon lang ako nakakilala ng babaeng ganon," K'wento ko sa mga kaibigan ko na natawa naman.
"Hahaha, nakahanap ka na ng katapat mo, laberboy," Pang-aasar ni Marky.
"Tsk. Hindi ako papatol don. Wala silang pinagka-iba ni Cassey, parehong assuming," Saad ko.
"Speaking of the girl..." Sambit ni Billy na ikinakunot ng noo ko. Napansin ko na parang may sinusundan sya ng tingin kaya napatingin ako kung sino 'yon.
Si Ashley.
"Alam mo pare, maganda rin pala talaga sya, ano?" Saad ni Billy.
"Oo nga, ang cute nga nya, e," Tinignan ko ng masama si Marky sa sinabi nya.
"Anong cute?! Eh nananakit nga 'yan!" Bulong ko sa kan'ya.
Hindi na sumagot ang mga kaibigan ko kaya nagsimula nalang kami kumain ng pag-kain na kanina pa nila inorder.
Habang kumakain ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Ashley. Maganda sana, assuming lang at amazona. Hindi pa hot.
Nagulat nalang ako nung tumingin sya sa'kin. Ngayon, kitang kita ko na ang mukha niya.
Namumula ang ilong nya at namamaga ang mga mata.
To be continued...
BINABASA MO ANG
Hate Me All You Want (On-Going)
Teen FictionJake Flores, a certified playboy na napapaligiran ng maraming chick. Highschool palang siya pero malakas na ang dating niya sa mga babae, masyado lang talaga siyang mabait para pag-bigyan ang gusto ng mga ito na maging fling niya. Pero sino itong ba...