Hinatid na niya ako sa bahay. Pinapa-stay pa siya ni mama pero sabi niya gagawa pa daw siya ng homework. Buti di ako pinagalitan ni mama na nag-gala ako kahit Monday.
Haaayyy. Humiga ako sa kama ko at naalala ko yung nangyari kanina...
Na-inlove na daw siya... Kanino kaya? :(
Ayoko umasa pero... Umaasa ako na sana ako yun.
Eh kasi naman kung makatingin siya sakin kanina :(
*Tuesday*
Psh. May papasok nanamaaaan. Pagkadating ko sa school, napansin kong absent si Martin. Hmm, bakit kaya?
"Bes Martin! Bakit ka absent? :("
*sent*
Ilang minuto nako naghihintay sa text pero wala parin hay.
Nagsimula na first class namin, Math.
"Grabe! Umagang umaga dudugo agad utak at ilong ko dahil sa algebra na yan! Bakit pa kasi kelangan hanapin x niya at ang sagot sa tanong na y?!"
"Corny mo pero oo nga. Huhuhu."
"Goodmorning, class."
"Goodmorning, Sir Fasco."
Grabe haha yung boses namin parang tamad na tamad kaya kumunot agad noo ni sir.
"Okay, today we'll have an activity. You're gonna so---"
di pa nakakatapos sa pagsasalita si sir pero umangal na agad mga kaklase ko.
"Pero sir! Ang aga aga papaduguin mo utak namin!"
"Oo nga, sir! Lalo na pag may fraction!"
"Nako sir, pag yan mahirap tutulugan kita!"
"Osha, osha. By pair na lang ang pag-solve."
Ang layo ko sa upuan ni bes kaya parang impusible na mag partner kami :(
"Lil sis, partner tayo :)"
Ay pusa! Nagulat naman ako dito kay Josh...
JOSH?!?!!?
"Lil sis? :/"
"H-ha? S-sige :)"
Ayun. Nagsolve na kami. Since 10 equations yun, tig-lima kami. Madali lang pala pero medyo may twist.
"Ah! Ang hirap nito! :/"
"Haha! Chill lang kuya! Madali lang yan may twist lang. Si sir talaga. Anong number ka na ba?"
"Number 9 *pout*"
Hehehehe.. Ang cute niya :(
"Hmm.. Mukhang madali lang pero sige. Ako na mag-solve nito :)"
"Lil sis! Kahit ako na!"
"Baka matagalan pa."
"Yabang :P Sige sabi mo yan ah :P"
"Sige ba, basta libre mo lunch ko :P"
"Hala! Sige na nga! *pout*"
:"""> ehh cute!
*Lunch*
"Bes! Di muna ako makakasabay :( May practice kami eh :("
Drama Club si Gelie kaya minsan busy siya. Kahit 2nd year lang siya, siya ang ginawa nilang Vice. Matalino kasi at magaling umarte :)
"Ay ganon ba? :( Sige, okay lang! Goodluck na lang!"
Tas nag-hug kami.
"Lil sis!!!!"
Nakita ko tumatakbo palapit sakin si Josh, hay. Kahit pawis siya ang gwapo parin :(
"Oh big bro! Bakit?"
"Sabay tayo? :)"
Dugdugdug.
"Wag ka mag-alala. Libre nga kita diba?!"
Tas inakbayan niya ko.
Hay nako Josh, di na kita maintindihan.
Pinapaasa mo ba ako?
O sadyang umaasa lang ako?
------------------
VOTE. FAN. COMMENT. SUGGEST. HEHE.
BINABASA MO ANG
Love?
Teen FictionAkala ko siya na.. di pa pala.. Ang tanga ko lang na di ko agad pinansin ang mga taong andiyan para sa akin dati pa lang. sabi nga nila, tsaka mo lang malalaman ang tunay na halaga ng isang tao o bagay kung kelan sila ay nawala na sa tabi mo.