Martin's POV
Nabangga ko si bes. Nakita ko na umiiyak siya. Tsk. Pag si Josh may gawa nito ewan ko na lang.
Nagulat ako kasi bigla niya ko niyakap. Nagulat din ako nung kusa ko siyang yinakap.
Hay buti na lang ako nakabangga niya. Tsk.
"Uy bes. Bakit ka ba umiiyak?"
Umupo muna kami sa isang bench malapit dun sa old gym.
"S-si Josh kasi... *sob*"
Tsk. Sabi na nga ba.
"Bakit? Ano ginawa niya?"
"Kasama niya si Anna Mae... Tas ang saya saya nila.. Eh ang landi pa naman ni Anna Mae *hik* Kaya... Kaya..."
Humagulgol na siya...
"Sshhh.. Sshhh.. Andito lang ako bes. Ilabas mo lang yan."
Yinakap ko uli siya. Oy di toh chansing ah! Comfort toh! Comfort!
"Kasi.... Naisip ko baka mamaya *hik* nag-uusap lang naman sila *hik* tas yun *hik* di ko napigilan kasi nga *hik* malandi si Anna Mae..."
"Bes, okay lang yan. Di naman masama magselos eh. Lalo na at may karapatan ka. Ang pagseselos ay isang patunay na mahal mo talaga ang isang tao. Yung ibang relasyon, tumitibay yan kahit may selosan. Kasi nga, nagpapatunay na mahal mo siya."
"Eh... Eh parang ang selfish ko naman.."
"Tss. Selfish na kung selfish. Eh ayaw mo lang naman siya mawala sayo eh."
"Thank you bes."
Tas yinakap niya ako. Syempre ako din.
At dahil comportable kami sa ganung posisyon, nakita kami ni Josh.
"J-josh..."
Tsk naiiyak nanaman si Althea. Naglakad na paalis si Josh with a cold expression.
Joshua's POV
Sinundan ko siya. Tsk. Wala naman kami ginagawa ni Anna Mae eh.. Pero di ko siya masisisi.
Nakita ko siya. Kasama si Martin. Magka-yakap. Tsk. Sinundan ko siya tapos eto madadatnan ko?
Nakita nila ako. Tinignan ko sila with a cold expression.
Tsk. Bahala sila. Badtrip ako. Nakakainis.
Pumunta ako ng canteen. Gutom nako.
Nakita ako ni Gelie at tumakbo papunta sakin.
"Oy Josh!"
"Yo."
"Anyare? Nakausap mo na?"
"Tsk. Di. Bahala siya."
"Oy. Ikaw. Pumayag ako na maging bf ka ni Bes kaya wag mong saktan yun! Ikaw ha pag yun may nangyari.... Bahala ka din."
Tas umalis na siya. Tsk. Eh siya din naman may kasamang iba eh!!!!
Bahala na. Magpapaka-busy na lang muna ako.
--------
Short UD. As usual. Huhu sorry.
Ano kaya mangyayari sa couple natin? Hmmm.
Vote Fan Comment
BINABASA MO ANG
Love?
Teen FictionAkala ko siya na.. di pa pala.. Ang tanga ko lang na di ko agad pinansin ang mga taong andiyan para sa akin dati pa lang. sabi nga nila, tsaka mo lang malalaman ang tunay na halaga ng isang tao o bagay kung kelan sila ay nawala na sa tabi mo.