Joshua's POV
One week na simula nung nangyari yung "away" or "tampuhan" namin ni Althea.
Hindi kami nagpapansinan.
Nakikita ko na mahihirapan siya pero ewan. Nagselos lang talaga ako.
Hindi ko sila pinapansin. Kinakausap ko lang sila pag kailangan. Okaya naman minsan, cold ako.
Hay ewan. Nasaktan lang akong may kasamang iba si Althea. May mali din ako pero.... Tsk. Basta. Nagselos ako! Yun lang alam ko!
One week na lang bago mag school festival. Nabunot ng club ko yung jail booth. Aish. Kelangan pa manghuli ng mga tao.
Pero dahil basket ball club kami, madali dali lang yan. Marami kasing heart throb dito siguro puro babae lang mahihila namin.
May band din ako. Tutugtog kami sa concert. Ang hassle ng schedule ko kasi may club meetings pa tas may practice pa.
Alam na namin mga kakantahin namin. Bahala na lang kami sa practices.
Hay sana maging okay lang yung school festival ngayon.
Althea's POV
"Uy bes. Kain ka na namam oh, please? Stress ka na nga di ka pa nakain."
Andito kami sa canteen ni Gelie, lunch time na. Kakatapos lang nung meeting namin. Nagbunutan na yung mga ibat ibang clubs para sa booth nila.
"Hay bes. Kelangan ko pa toh matapos. Hassle na."
"*sigh* pero kelangan mo kumain."
"Oh ano meron dito?"
"Martin, ayaw kasi kumain nitong engot nating best friend eh."
"Tsk. Sige bili ka muna pagkain ako bahala dito sa engot na toh."
"Wow grabe. Di ko kayo naririnig ha."
Sarcastic kong sabi. Tawagin daw ba akong engot sa harap ko?"
"hoy engeng, kain na."
"Kelangan ko pa nga toh tapusin."
"Sus reasons. Nagdadahilan ka lang. Gusto mo lang makalimutan away niyo ni ano eh."
One week. One week na kaming di nagpapansinan. Sa tuwing gusto ko siyang kausapin, nawawalan ako ng lakas. Minsan, umiiwas siya pero may pagkakataon na pinagbibigyan niya ako. Pero sa tuwing binibigyan niya ko ng chance, nawawala lakas ng loob ko kaya wala rin.
"Oo na per----"
"Di naman masama maging busy pero, please Althea. Isipin mo rin kalusugan mo. Andito pa kami ni Gelie, at iba mong kaibigan. Nag aalala kami na napapabayaan mo sarili mo."
Napayuko ako. Tama siya. Simula nung last week, di nako nakaka kain ng mabuti. Laging puyat. Laging nag aaral, nagbabasa okaya tinatapos yung plan para sa festival.
Last week nga na clinic pako kasi nahimatay ako ng di kumakain ng buong araw. Napagalitan pako aish.
"S-sorry bes."
"Tss okay lang. Andito lang kami ha?"
Tas tinapik niya ako sa likod.
Kumakain kami ng napadaan samin tropa ni Josh sa basket ball. Nagtatawanan sila ng malakas.
Grabe. Wala lang ba sakanya? Wala lang ba na nag-away kami? Grabe. Ang sakit....
"Uy bes..."
Nagulat akong ng binigyan ako ng panyo ni Gelie. Di ko napansin, napaluha na pala ako.
Tumakbo ako palabas ng canteen. Naupo ako sa isang bench malapit sa may park.
Sinundan ako nila Gelie.
"Uy bes!!!!"
Puno ng pag aalala ang kanilang mga mukha. Hay lagi ko na lang sila pinag aalala :(
"O-okay lang ako sorry..."
Tinry ko ngumiti ng pilit pero parang bang mas masakit.
"Iyak mo lang yan."
Nagulat kami ni Gelie nung sinabi yun ni Martin.
"Mas masakit pag tinago mo lang yang nararamdaman mo. Wag kang ngingiti kung malungkot ka naman talaga. Kung iniisip mo sa pag ngiti na yan at sa pagsabi mo ng okay ka lang ay mapapanatag ka na. Mali ka diyan."
Nagulat ako. Magsasalita na sana ako ng magsalita uli siya.
"Kaibigan mo kami. BEST FRIEND mo kami kaya alam namin kung ano ang tunay mong nararamdaman. Kaya wag na wag kang magsisinungaling samin. Ilabas mo lang yan. Kung may dadaan man, edi dumaan sila pake ba nila. Andito lang kami Althea. Andito lang kami."
Nang dahil sa sinabi ni Martin, tuluyan nakong nag breakdown. Nung una, pinipilit ko pa na wag lumabas pero tulad nga ng sinabi ni Martin, mas lalo lang daw ako maiiyak.
Iyak lang ako iyak dun. Samantalang sila Gelie katabi ko tinatapik likod ko.
Medyo gumaan na pakiramdam ko pero di parin tumitigil luha ko.
"Okay ka na?"
"M-medyo..."
"Uhm Gelie... Pwede bili mo muna siya ng tubig. Please?"
"Sige. Diyan ka lang bes ah."
Ngumiti na lang ako sakanya as reply.
Naiwan kami dito ni Martin. Tahimik lang kami. Nagpupunas lang ako ng luha.
Hinarap ko siya.
"Bes, thank you ah? Thank you. Di ko alam ang gagawin kung wala ka, kung wala kayo."
"Walang anuman. Para saan pa at naging best friend mo kami diba?"
At pagkatapos nun, umuwi na kaming tatlo.
--------------
Vote Fan Comment
BINABASA MO ANG
Love?
Teen FictionAkala ko siya na.. di pa pala.. Ang tanga ko lang na di ko agad pinansin ang mga taong andiyan para sa akin dati pa lang. sabi nga nila, tsaka mo lang malalaman ang tunay na halaga ng isang tao o bagay kung kelan sila ay nawala na sa tabi mo.