"Uy Josh..."
"Josh.... :("
"Uy.........."
*poke poke*
"JOOOOOOOOOOSHHHHHH! :("
Natauhan siya.
He gave me a weak smile.
"H-ha? Sorry.."
"Please Josh... Wag ka na ganyan.."
"Sorry... Di ko na lang kasi alam gagawin ko kung ano ang mangyari sayo."
"*sigh* Okay na ako Josh. Wag ka na ganyan please? Ang importante nga diba okay na ako? At kung may mangyari man sakin di naman kita sisisihin eh. Wala ka kasalanan. I love you."
Tas yinakap ko siya at kiniss sa cheeks.
"I love you too, Althea. To infinity and beyond."
Tas hinalikan niya ako sa noo.
Tapos na sem break.
Naging okay naman nung araw na yun at nung new year.
Magkasama lang kami nila Josh. Minsan dun ako natutulog sakanila. Minsan dito siya sa bahay.
Bukas, pasukan nanaman. Kaya naghahanda na ako ng gamit ko.
*beeeeep*
"Psst! Last day na ngayon. Gala tayo? Sultitin na natin, please? :*"
From: Joshua Baby <3
"Sure baby! :*"
*sent*
January na.
Malapit na school festival.
Kaya alam kong magiging busy kami.
Tuwing school festival kasi, may 1 week na celebration. 3 days na fair. Tas 2 days may concert. At 1 day na dance.
Si Josh, varsity siya ng basketball. Tapos nasa isang band pa siya ng school namin. Isa sila sa mga tutugtog kaya alam kong magiging busy talaga siya.
Si Gelie, drama club. Eh sa concert may isang part din dun na may performance ang drama club. And as a Vice President si Gelie syempre katulong siya sa pag-aayos.
Si Martin, varsity ng soccer. Di siya masyadong busy. Pero syempre, lahat ng clubs may booth. Kaya magiging busy din siya.
Ako? Hmm. Student Council ako. Hehe! Ako treasurer. Busy din ako.
Kelangan ko pumunta sa mga president ng lahat ng clubs.
Kasi ang mga students dapat mag bigay ng amount na pwedeng pang gastos ng school. Sa foods, tas may rides pa, sa decorations, tapos mag hire din sila ng cater para sa dance. Tapos kukuha din sila ng sikat na band, syempre may bayad yun. At dahil private school toh ay may kaya naman mga estudyante, medyo mabigat yung bayad. Pero wala namang nagreklamo.
Wala naman kaming ginawa ni Josh eh. Nag-mall lang kami. Nag movie. Kumain. Arcade.
Monday na ngayon. Start na ng pag plan para sa school festival.
*Student Council Room*
President: So, ano na plano natin sa school fair?
Ako: Uhmm, mag isip na lang tayo ng booths. Pwedeng may madagdag, mabawasan o kaya ganun na booths uli tulad ng dati.
Vice President: Magdagdag na lang tayo. Tas alisin natin yung mga nalugi dati. Uy sexytary hahaha, sulat mo lahat ng idea ah?
Secretary: Yes sir!
Ako: Susulat tayo ng mga pwedeng booths sa mga papel tapos papabunutin natin mga president ng bawat clubs. Okay na ba yun? Sorry huhu lutang eh.
President: Okay na yun! Maganda nga yun eh. Sec sulat mo ah!
Natapos na yung meeting namin. Napagdesisyunan namin na humingi ng tulong sa mga students kung anong booths ang gusto nila.
*Lunch*
"Uy Althea! Musta meeting?"
"Eto stress na agad. Hay. Daming kelangang asikasuhin."
"Okay lang yan. Mawawala din yang stress na yan pag nakapag enjoy na tayo sa school festival!"
Pumunta kami ni Gelie sa old gym. Naghahanap kami bagay na lugar sa concert.
Nagulat ako sa nakita ko. Andun si Josh. Nakikipag usap. Nakikipagtawanan pa! Kasama niya yung malanding cheer leader. Si Anna Mae.
"Uy bes...."
Naka close na fist ko kaya cinocomfort nako ni Gelie. Siguro naramdaman ni Josh na andito kami. Napatingin siya sa way namin. Napatigil sila sa pagtawa. Agad na tumakbo si Josh papunta samin.
Napansin niya siguro na nagseselos ako.
Agad akong tumakbo.
"Althea!!!!!!"
Rinig kong tawag niya sakin.
Naiinis ako! Naiinis ako kay Anna Mae, Josh at sa sarili ko.
Nakakainis si Anna Mae. Kasi alam naman niyang taken na tao ang landi! Tsaka malandi naman talaga siya kaya nakakainis! Si Josh naman, taken na nga nagpapalandi pa! At ako. Naiinis ako. Nagseselos ako pero baka mamaya kausap niya lang pala. Pero ugh! Nakakainis kasi eh!
May nabangga ako.
"Aray..."
"Ay miss so---Althea! Bakit ka umiiyak? Sorry ah!"
-------------------
Sino kaya yun? Wah lol hi
Vote Fan Comment
BINABASA MO ANG
Love?
Teen FictionAkala ko siya na.. di pa pala.. Ang tanga ko lang na di ko agad pinansin ang mga taong andiyan para sa akin dati pa lang. sabi nga nila, tsaka mo lang malalaman ang tunay na halaga ng isang tao o bagay kung kelan sila ay nawala na sa tabi mo.