December 25 na!
Ang saya naman ng Christmas ko :">
Hihi. May gathering ngayon sa bahay.
Mga close friends lang.
Pupunta dito parents nila Gelie, Martin at Josh.
"Althea!"
"Hi po tita! Tito!"
Parents ni Josh. Buti na lang boto din sila sakin :)
"Iha, please lang ha? Aalagaan mo anak ko."
"Honey, may tiwala ako kay Althea. Alam kong mamahalin niya si Josh ng buo noh. Diba iha?"
"Oo naman po tito! Tita wag po kayo mag alala! Mahal na mahal ko po si Josh."
"Alam ko naman yun iha eh. Haha! basta ha? Please be a good girl friend to my son. I love him so much."
"Yes po tita."
Tas nakipagkwentuhan na sila sa ibang business partners nila daddy.
Hay bored bored bored.
"Hi baby girl!"
Aaron -_____-
"What?"
"Oy grabe Christmas na Christmas ang sungit mo!"
"Tss."
"Regalo ko?!?!?!"
"Kapal mo. Parang ikaw may regalo sakin."
"Tss. Joke lang. Tara sa garden tayo. Ang boring eh puro tungkol sa business pinag uusapan."
"Masanay ka na. Ikaw lalaki satin kaya balang araw ikaw din magmamana niyan!"
"Psh -_-"
Ayaw na ayaw niya mag Business. Sabi nga nila mommy yun daw kunin niya.
Pero nakapag desisyon na siya na Engineer ang kunin.
Ako di ko parin alam. Matagal tagal pa naman eh.
"Andiyan na pala sila Gelie eh."
Napatingin ako sa tinuro ni Aaron.
Kasama niya si Martin.
Aba, nagtatawanan!
"Oy kayo!!! Nagkaka-developan na kayo noh?!"
"Oy hindi ah! Sadyang may nakakatuwang kwento lang talaga tong si Martin"
"Share naman!"
"Ayoko nga!"
"Uy bes, ayan na si Josh!"
Napatingin ako sa likod. Nakita kong papalapit samin ang isang gwapong nakangiti.
Grabe. Bakit ang gwapo niya?
"Hi!"
"Hello Josh!"
Bati ng dalawa. Lumapit siya sakin at yinakap ako.
"Hello baby!"
"Haha, hi baby!"
Tas yun nagkaroon ng tuksuhan.
Magkakasama lang kami. Yung mga matatanda kasi nasa loob eh puro business lang naman yun.
"Tara swimming tayo!!"
Alok ni Aaron.
"Wala ako dala.."
"Gelie! Hiram ka na lang sakin tas si Josh at Martin kay Aaron hihiram :)"
Umakyat na kami.
"Oh bes oh!"
Ako, short shorts at shirt na may swimsuit sa loob lang ang suot ko. Si Gelie, onepiece.
Ayaw namin mag two piece. Nakakahiya eh!
Pag labas namin, sakto naman na lalabas na rin sila.
"Tara na!"
Naka-shirt parin sila at naka-shorts.
Nung nasa may pool na kami tinanggal na nila shirt nila.
Wow. May abs pala tong si Josh?! Anak ng anim na pandesal. Joke =))
Woahhh. Grabe.
"Laro tayo!"
Hay nako Aaron.
"Aakyat si Althea kay Aaron tas si Gelie kay Martin tapos dapat mapatumba niyo isa't isa!"
Hmm. Mukhang masaya!
-------
Vote Fan Comment
BINABASA MO ANG
Love?
Teen FictionAkala ko siya na.. di pa pala.. Ang tanga ko lang na di ko agad pinansin ang mga taong andiyan para sa akin dati pa lang. sabi nga nila, tsaka mo lang malalaman ang tunay na halaga ng isang tao o bagay kung kelan sila ay nawala na sa tabi mo.