Chapter 32

7 0 0
                                    

*continuation*

In shock, we saw Gelie running crying.

Tumayo si Althea at sumugod dun sa nagkukumpulan sa gitna ng caf.

"Hoy kayo!!!!!!!"

Napatingin naman yung mga estudyante.

"Bakit umiiyak yung bestfriend ko ha???!?!?!?!?! Ano ginawa niyo?!"

Oo. Grade 5 pa lang kami, matapang na tong si Althea lalo na pagdating sa mga kaibigan niya yung inaapi.

Nagtinginan yung mga estudyante at tinuro si Lance.

Woah. Sabi na nga ba di maganda kutob ko dito eh.

"Ahhh. Ikaw yung new student? Wow! Kabago-bago mo nananakit ka ng mga old student. Ano ba problema mo ha?! Mahiya ka naman!"

Tumingin samin yung bata at nag-smirk.

"Eh sa pake mo ba? Eh sa gusto siyang pagtripan eh! Tsaka isa pa, tama sila. Uto-uto siya! Eh sa nagpauto eh! Tanga!"

Tumayo na siya at umalis ng tumatawa. Tsk. Baliw! Loko loko! Badass!

"Ano ba nangyari?"

Tanong ni Althea sa mga tao na andun.

"Niyaya kasi ni Gelie si Lance tas yun. Siya yung na-tripan ni Lance, pumayag siya. Tas kanina pinabili niya si Gelie ng madaming pagkain pero hindi naman kinakain. Kaya ayun. Tas sinigawan niya si Gelie ng tanga tas tinapunan ng gatas."

Grabe naman yung batang yun!

"The nerve of that guy!!!!!!" Sigaw ni Althea.

Dali dali naming pinuntahan si Gelie.

Nakita namin siya sa may park, umiiyak.

Lumapit kami at inabutan siya ng panyo ni Gelie.

Nagulat si Gelie pero agad namang tinanggap ang panyo at yinakap si Althea

Hinayaan ko muna sila.

At dahil bestfriend ko din si Gelie, kelangan ko rin siya tulungan.

Kaya nagpunta ako dun sa Lance na yun.

Nakita ko yung Lance sa may classroom namin. Nakikipagtawanan dun sa mga "pasaway" naming kaklase.

"Hahahahaha! You shoyld have seen her face! Grabe nakakadiri! Ang saya lang pagtripan!" Rinig kong sabi ni Lance at nagtawanan na sila.

Sisingit na sana ako ng nagsalita yung isa nilang kasama.

"Uhh.. Hindi ba kayo naaawa kay Gelie?"

Napatingin naman sila dun sa nagsalita.

"Bakit naman kami maaawa sa tangang yun? Eh siya naman tong uto uto eh! Imbes kasi may gusto ka dun!" Sabi nung isa.

"Woah, woah. Ikaw? May gusto sa tangang yun? Wow kadiri ka ha! Hahahahaha!" Sabi ni Lance.

"Eh sa pake niyo?! Bahala na nga kayo. Dahil sainyo naging masama nako."

Agad akong nagtago sa may halaman at nakitang lumabas na yung taobg may gusto daw kay Gelie.

At dahil di ko na matiis, pumasok na ako.

"hoy kayo!!!!!!!" Agad namam silang napatingin.

"Lubayan niyo na nga si Gelie!"

"Eh sa ayaw namin eh!"

"Isa! Pag di niyo siya nilayuan isusumbong ko kayo at ipapatalsik dito sa school! Lalo ka na!" Tinuro ko si Lance. "Kabago-bago mo pa lang ganyan na asal mo. Tsk."

At umalis na ako.

Sa mga sumunod na araw, di na inaapi ng mga yun si Gelie.

Sinabi din samin ni Gelie na kahit daw ganun sakanya si Lance crush niya parin daw. Tss labo.

*1st year*

Kumakain kami nila Gelie nang lumapit samin si Lance.

"Look who's here." Mataray na sabi ni Althea.

Nakita ko namam siniko ni Gelie si Thea at napayuko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Uhmmm... Gusto kong mag-sorry."

Nakita ko si Gelie na napatingin kay Lance.

Bigla namang ngumiti si Lance at sinabing, "pwede ka ba maging gf?"

Nanlaki ang mga mata namin lalo na si Gelie.

"O-oo..."

Sabi niya at biglang umalis si Lance. Wow sinagot tas aalis?

Kinabukasan, nakita namin na magkasabay sila Gelie at Lance. Mukha naman silang masaya eh.

Pero isang araw.....

"Pre, ang tanga talaga ni Gelie!"

"Bakit nanaman? Hahahaha!"

"Eh kasi naniwala siyang gusto ko talaga siya. Grabe pre! Hahahaha!"

Dahil inis na inis ako umalis na ako at lumayo.

Kinabukasan nung lunch nakita namin na magkasama si Gelie at Lance.

Ino-offeran ni Gelie si Lance ng pagkain pero nakabusangot lang ito at di kinakausap si Gelie.

Maya maya.....

"Uy Lance, eto oh try mo. Ahhhh..."

"Pwede ba!"

Nagulat ang lahat ng sumigaw si Lance.

"B-bakit?"

"Di mo ba napapansing ayaw ko?!?!"

"S-sorry...."

"Walang sorry sorry."

Nakita ko umiiyak na si Gelie.

"Palibhasa tanga ka. Tignan mo natanga ka nanaman! Hahahaha! Ako? Magkakagusto sayo? Wow never noh!" At umalis na siya sa caf. Pinagtitinginan si Gelie ng mga tao.

Tumakbo lang siya paalis ng caf habang umiiyak.

Susundan sana ni Thea pero pinigilan ko.

"Pabayaan muna natin siya kelangan niya ng space. Kelangan niya mag-isip."

Tumango at pumayag naman si Thea.

*End of flashback*

Love?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon