Althea's POV
Nakaramdam na lang ako ng yakap mula sa likod.
Tinignan ko kung sino ito.
"J-josh....."
"Sorry........."
Hindi ko na napigilan.
Napaiyak na ako at yinakap na rin siya.
"Althea, sorry.. Narinig ko.. Yung kanina.. Sorry. Sorry nasaktan kita. Sorry. Sorry nakita mo kong may kasamang iba. Sorry. Sorry nagselos ako. Sorry. Sorry kung sa bestfriend mo pa ako nagselos. Sorry. Sorry. Sorry..."
Lalo niya pang hinigpitan yung yakap niya sakin.
Yung yakap na..... tipong ayaw ka niyang bitawan.
Yung yakap na..... parang ayaw ka niyang saktan.
Yung yakap na..... gusto niya akong protektahan.
At.....
Yung yakap na......
Mahal na mahal niya ako.
Nakayakap lang kami sa isa't isa. Walang umiimik. Di pa ako nakakapagsalita kasi ayaw tumigil ng luha ko.
Punong-puno ako ng emosyon.
Sa wakas at nakapagsalita rin ako.
"Josh... Sorry din. Sorry nagselos ka. Sorry nagselos ako. Pero Josh, wala ka naman dapat ikaselos eh. At alam kong wala din akong dapat ikaselos. I trust you, Josh. Di ko lang talaga napigilan noon. Alam ko kasi ugali nung si Anna Mae eh..."
At tinaksil nanaman ako ng sarili kong luha.
Lumayo na sakin si Josh at hinawakang ako sa balikat.
"Ssshhh... ssshhh.. Wag ka na umiyak please? Smile ka na oh.."
Pinunasan niya mata ko at nag-form siya ng smile sa mga labi ko gamit mga kamay niya.
(AN: gets niyo ba yun? hahaha! sorry di ko ma-describe eh. okay!)
"Althea, wag ka na malungkot ha? Bati na tayo. Andito na ko. I love you."
Nakangiti na ako pero dumadaloy parin mga luha ko sa pisngi ko.
Pero ito ay luha ng saya.
Tumango ako at ngumiti.
"I love you too."
Hinalikan niya ako sa noo pagkatapos ay ngumiti.
Gelie's POV
Nakita ko sila Althea at Josh magkasama. Holding hands pa!
Masaya ako para sakanila.
Sa totoo lang nakita ko yung pag-uusap nila. Haha! Chismosa eh.
"Martin, ang galing noh? Buti okay na sila."
Kasama ko si Martin ngayon.
"Oo nga eh."
Tapos ngumiti siya sakin.
Dugdugdug.
Huh? Okay siguro kinikilig lang ako kila Althea!
"Grabe sana lagi na silang ganyan."
"Yeah."
Ang tipid naman sumagot nito.. -.-
"Gelie!"
Lumingon ako sa tumawag sakin at nagulat ako.
Bakit siya andito...?
Martin's POV
BINABASA MO ANG
Love?
Teen FictionAkala ko siya na.. di pa pala.. Ang tanga ko lang na di ko agad pinansin ang mga taong andiyan para sa akin dati pa lang. sabi nga nila, tsaka mo lang malalaman ang tunay na halaga ng isang tao o bagay kung kelan sila ay nawala na sa tabi mo.