Episode 15

13 0 0
                                    

"Huyy Josh bakit mo ako dinala dito alam ko tong lugar na to dito ako nag-aral dati?" halatang halata sa mukha nya na naalala nya pa itong lugar na ito kung san kami talaga unang nagkakilala.

"Ah Jenelle may sasabihin akong importanteng bagay sayo tungkol to sa akin... hindi ko alam kung naalala mo pa itong lugar pero makinig ka muna sa sasabihin ko" kinapitan ko ang kamay nya tapos pumasok kami sa loob buti na lang at ito ay bukas umupo kami sa may swing kung saan pwede kaming magkatabi doon... "Nung bata ako dito ako unang pumasok bilang isang day care student at noon meron akong isang classmate na babae kasundong kasundo ko kaya nga tuwing uwian kapag sinusundo ako ni mama sabi ko ayaw ko pang umuwe dahil kasama ko pa sya halos di nga kami mapaghiwalay at sabi pa sa akin ni mama na nung isang beses na naglaro kami nun ay nagpanggap kami nun na ikinakasal kasi nga malapit to sa simbahan kaya pag may kinakasal sabi namin gayahin amin pagnaglalaro kami kaya nga sabi ko sa sarili ko nun na paglaki ko sya lang ang mamahalin ko at wala ng iba" kaya naman habang ako ay nagkekwento ay napapaluha na ako ganun din naman si Jenelle na alam kong inaalala ang mga pangyayaring iyon saamin.. "Ang saya saya ko nung mga panahong yun kaso nawala na lang ng bigla dahil umalis siya ng hindi ko nalalaman ni hindi nya nga lang nasabi saakin na aalis sila nalaman ko na lang na nakalis na sila nung sinabi nung teacher namin that was my very first heartbreak bago ang kay Elise alam mo bang nakalimutan ko na sya naalala ko nung nakita ko itong litratong ito" inabot ko kay Jenelle ang picture naming dalawa na sana ay naalala pa niya "Yang litratong yan ang kahuhuli kong litrato na kasama ko sya na sabi ko sa sarili ko na pagnakita ko ulit sya ay gagawa pa kami ng mas marami pang alala kesa nung nakaraan namin kaya alam mo pangako ko sa sarili ko sa oras na makita ko sya ay yayakapin ko sya ng mahigpit yung para bang hindi na talaga makakawala pa sa akin.." pagkatapos kong magkwento ay tumungo ako ng saglit at hindi na talaga kaya ng luha ko ang hindi pumatak pero nung pagtingin ko kay Jenelle ay sinilip nya ang likod ng litrato at nakita nya ang nakasulat na "Josh Andrew Peralta & Jenelle Ramirez" at nang dahil dun ay mas lalo pang naging emosyonal si Jenelle at napatingin na sya saakin "Kumusta ka na Jenelle my wife kay tagal na kita'y hindi nakita" I gave her a smile and she runs through me and give me a very tight hug that shows she remember anything.

"I'm sorry Josh hindi ko naman sinasadya na iwan ko kailangan ko lang talaga na sumama dahil hindi nila ako pwedeng iwan at huwag kang magalala hinding hindi na ako mawawala pa sayo" yun ang mga salitang binitiwan ni Jenelle sa akin. Nung hindi na kami nakyakap sa isa't isa ay kinapitan ko ang mga pisnginya at tinapat sa akin at bigla na ngang nagkatitigan ang aming mga mata at unti unti kong nilapit ang sarili ko kay Jenelle para sya ay halikan at sa hindi inaasahan ay hindi sya umiwas at ako ay kanya ring hinalakan sabay ng malakas na pagbuhos ng ulan na saksi sa pag-ibig kong wagas sa kanya hindi namin inalintana ang ulan kahit pa kami ay basang basa na basta ang alam lang namin ay kasama namin anng isa't isa at nang natapos ang halik namin ay napangiti na lang talaga ako sa tuwa tapos ay hinila ko na sya papasok ng sasakyan dahil baka magkasakit pa kami at dahil maggagabi na pinagpasyahan namin na umuwe na muna sa bahay hindi naman to malayo tutal nasa kalapit lang ito na village kaya hindi kami ginabi at nandun na rin naman sina mama mas maiigi pang sabihin ko na sa kanila.

"Ohh Josh bakit basang basa kayo saan kayo galing?" yun agad ang pinangbungad saamin ni mama totoo naman na basang basa nga talaga kami

"Wala dyan lang po kami sa tabi tabi.. ahh Jasmin pwede pahiramin mo muna ng damit si Jenelle baka kasi magkasakit sya salamat" sabi ko sa kanila

"Of Course kuya si ate Jenelle pa ba... come ate Jenelle lets go to my room and get you dress at basang basa ka na" hinila na lang ni Jasmine si Jenelle paakyat at ako naman ay umakyat na din para makaligo.. after nun ay tinawag na kami ni mama kasi kakain na

"Jenelle it's already late bukas ka na umuwe malakas pa pati ang ulan tatawagan ko na lang si Anthony para ipagpaalam ka" sabi ni papa kay Jenelle "For the meanwhile dun ka na muna matulog sa kwarto ni Jasmine or dun na lang sa guess room is that okey?" tumango na lang si Jenelle napapasarap ang kain ng adobo ni mama..

She's My EverythingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon