Josh's Side
Buti na lang si Jenelle ang kasama ko ngayon at hindi masyadong boring ang sasakyan ko natatawa lang ako sa kanya at pilit nyang inaalam kung ano ang isinulat ko pero hindi naman to gaanong kahaba gawa ng hindi ko naman talaga alam ang isusulat ko kaya kung ano ano na lang ang isinulat ko ... Kung ano ano ang napag-usapan namin kaya puros tawa kami... Pero nawala ang lahat ng ito ng nakita kong magkahalikan si Elise at si Troy... Hindi ko na napigilan ang sarili ko at bumaba ako ng sasakyan ko at sinugod silang dalawa... Hinila ko mula sa likod si Troy ... "Gago ka Troy" ng hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasuntok ko ng malakas sya sa mukha.....
"JOSH TAMA NA TIGILAN MO NA YAN" sambit ni Elise habang hinihila nya ako palayo kay Troy...
"BAKIT ELISE MAS PIPILIIN MO BA YANG SI TROY KESA SAAKIN NA BOYFRIEND MO??" hindi ko na kayang pigilan ang aking sarili at sinumbatan ko na din sya.... "AT ELISE KELAN PA??... KAILAN MO PA AKO NILOLOKO HINDI BA SAPAT SAYO ANG PAGMAMAHAL NA BINIGAY KO SAYO HA.. KULANG BA KAYA MAS MINABUTI MONG IPAGPALIT AKO SA KANYA.... NGAYON MAGSALITA KA GUSTO KONG MAKINIG ANG PALIWANAG MO!!!..." hanggang sa tumulo na ang aking luha....
"Bro stop---" bigla na lang humawak likod ko si Troy...
"ANO BA SABING WAG MO AKONG HAWAKAN!!" sa sobrang galit ko ay nasuntok ko ulit sya at ayun nakahalandusay sya sa may lupa...
"ANO BA JOSH SABING TAMA NA MAS MAHAL KO SI TROY .... MULA NOON AT HINDI NAMAN NAWALA ANG PAGMAMAHAL KO SA KANYA... GINAMIT LANG KITA PARA PAGSELOSIN SI TROY .. AT NGAYON NAGING MATAGUMPAY ANG MGA PLANO KO HINDI NA KITA KAILANGAN MAARI KA NANG UMALIS" hindi ko inaasahang sasabihin nya iyon sa harapan ko ... Hindi ko alam tuloy kung ano ang mas masakit ang suntok ko kay Troy o ang mga sinambit na salita ni Elise saakin na halos tagos sa puso ko.... At nang dahil dun mas lalong tumulo ang luha ko at nandun na din sa tabi ko si Jenelle...
"Josh tara umalis na tayo dito" malumanay na sabi ni Jenelle para makaalis na kami....
"Teka lang Jenelle" sabi ko medyo malumanay dahil sa sakit na aking nadarama...... "Kayong dalawa .. Masaya na kayo at pinaglaruan nyo ako .. At itong pakakatandaan nyong dalawa wag na wag na kayong magpapakita saakin baka di ko na alam kung ano ang gagawin ko sa inyo" pinilit kong kalmahin ang sarili ko pero talagang sasabog na ako sa galit... "Ay sya nga pala ito ang sulat na ginawa ko na para sana sayo" agad kong kinuha yung sulat na nasa may bulsa ko ... Sabay akin syang pinunit at binato sa kanya... "MARAMING SALAMAT SA SAKIT NA PINADAMA MO SAAKIN" agad akong tumalikod dumiretso na sa sasakyan... Hinintay ko lang makasakay si Jenelle para makaalis.....
"Josh ayos ka lang ba?" Pagtatanong ni Jenelle na tila nagaalala.. Pero di ko pinansin ang tanong nya at nakatingin lang ako sa kalsada......
"Ihahatid na lang muna kita sa bahay nyo " sabi ko kay Jenelle kahit di ko sya tinitingnan... Maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay nila at bumaba na din ai Jenelle di na ako bumaba at dumiretso na lang sa pag-alis ... Sa di kalayuan ay tumigil muna ako sandali...
"AAAAAHHHHH..... BAKIT?? ANO BANG GINAWA KONG MALI AT NAGAWA NYA AKONG LOKOHIN... BAKIT ELISE?? AHHHH" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at pumatak na lang ang luha ko at kasabay ng pagpatak ng mga luha ko sya din naman sabay ng pagbuhos ng ulan na tila nakikisabay sa nararamdaman ko maya maya pa ay dumiretso na ako sa bahay dahil malakas na ang ulan wala namang tao dun kundi si Jasmine lang...........
"Ohh kumusta lakad nyo ni ate Jenelle at nasan pati sya??Kuya bakit parang mugto yang mga mata mo??" Naiirata na ako sa kakatanong si Jasmine.....
"ANO BA PWEDENG TUMAHIMIK KA NA LANG .. AT WALA KA DING PAKIALAM SA NARARAMDAMAN KO KAYA MANAHIMIK KA NA LANG"... Hindi ko alam kung bakit ko nasigawan si Jasmine......
"Pasensya ka na .. Basta wag mo na lang muna akong intindihin hindi lang maganda ang araw ko... Aakyat na muna ako" medyo nakaramdam na din ako ng pagod kaya humiga na muna ako para makatulog.....
BINABASA MO ANG
She's My Everything
RomansaThis story shows how us boys really exert effort to our love ones and how we get hurt if we've been betrayed or get left behind but the main point of this story is " Once we boys give our love it is true"