[NEVER LETTING GO by Six Part Invention]
Ruby’s POV
“Ehh! Alam mo ikaw, Lexis, tumahimik ka ha! Naiinggit ka lang kasi wala kang jowa at ako meron!” naiinis ako kay Lexis, classmate ko. Sinisiraan nya ang boyfriend kong si Gino na tagakabilang section. “Lahat na lang ng nagiging boyfriend ko, sinisiraan mo!”
“Bakit? Hindi ba totoo namang may fraternity yun? At binasura lang siya ni May kaya siya napunta sayo?” ngumisi pa siya sakin. Mokong na to. Palibhasa sikat sa school at maraming nagkakandarapa para ngitian lang nya.
Pwes ako, hindi! Naiinis ako sa kanya. Crush ko siya noon pero sinira nya ang pantasya ko ng sabihan nya akong walang magkakagusto sa akin.
“Nakakainis ka! Sana di na lang kita naging classmate! Palibhasa, mas gwapo sa iyo si Gino at mind you, mas matino siya sayo!” tinalikuran ko na siya. Totoo naman kasi na binasted lang ni May na bestfriend ko si Gino dahil alam niyang may gusto ako sa lalake.
“Pst, Ruby, wag kang lalabas...”
Bwisit. Boses na naman ng demonyo yun >.< “di mo ba talaga ako titigilan ha?! At bakit ako hindi pedeng lumabas, aber? Sa iyo ba ang pinto?!”
“May makikita ka---“
Di ko na siya pinatapos magsalita, lumabas na ako. Kung bakit naman kasi wala pa ang teacher namin eh di sana’y nakatakas ako sa demonyong Lexis na yun. At ang mga classmates ko, sayang saya naman sa panonood sa amin.
“Ikaw talaga ang gusto ko, Ritz, di ko mahal si Ruby.”
“Totoo? Di ba kayo pa? At di ba si May gusto mo?”
“Hindi, ikaw talaga. Kaya sagutin mo na ako.”
Sinundan ko ang pinagmumulan ng boses at nakarating ako sa likod ng CR. Nakita ko sina Ritz na classmate ni Gino at si Gino mismo. Nakasandal si Ritz sa pader habang nasa tabi ng ulo niya ang kamay ni Gino na nakasuporta sa pagkakatayo niya. Umusok agad ang ilong ko.
“Sige, oo na nga,” kunwari ay nahihiya pa daw na sabi ng babae.
Di man lang ako napansin. Pwes, magpapapansin ako!
Pumulot ako ng may kalakihang bato at ipupukol na sana sa ulo ng kung sino man sa kanilang dalawa. Naiiyak ako. Nakaamba na ang kamay ko sa ere--
“Kung gagawin mo yan, saan ka kaya tutungo? It’s either kick out ka o di kaya’ MAKIKICK OUT KA.”
May bumulong sa tenga ko, naamoy ko pa yung toothpaste na ginamit nya, mentholated. Paglingon ko ay nakita ko si Lexis. Ang lapit lapit ng mukha nya, kunti na lang at siguradong may first kiss na ako. Naramdaman kong kinuha nya yung bato sa kamay ko. “B-bat ka ba nangengealam?”
BINABASA MO ANG
Song-inspired Single Shot Stories
Teen Fiction☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Sometimes music defines what you're feeling. EijeiMeyou®