[WITH A SMILE by Eraserheads]
Dimple’s POV
“Naku, ma! Late na ako!” di ko alam kung saan ba talaga ako tutungo. Kung sa kusina ba o sa banyo. Kagigising ko lang, 7:13 na pala eh 7:30 pa ang klase ko! “Ma! Yung uniform ko!”
“Hayan, ahy hindi pala, anak! Naku!”
Pati si mama ay nadadamay na sa pagkataranta ko. Pagkatapos kong maligo ay uminom na ako ng milo. Ang dali kong naligo, 10 minutes lang! Late na talaga ako! “Uwaaah, jeep! Makisama ka naman!”
Mag-ji-jeep pa ako papasok sa school. After 3 minutes ay may dumating ng jeep, sa kasamaang palad ay siksikan pa! Wala na, late na talaga ako.
Hindi pa ako nakakapagsuklay kaya bahala na kung pinagtitinginan ako ng mga nasa jeep. Hinalughog ko sa bag ko yung suklay ko. “Shit, ang suklay!” malas talaga! Nalimutan ko pa yung suklay!
Napatingin ako sa mga katabi ko. Nakakahiya naman kung maanghihiram ako sa kanila eh di naman kami close! Paglipat ng tingin ko sa harap ko ay may nakita akong anghel---este---lalakeng nakangiti sa akin. Pagkuwan ay may kinuha siya sa bag niya, “miss oh, gamitin mo muna.”
“Bakit ka may dalang suklay? Bakla ka ba?” di ko maiwasang itanong. Inabot ko yung suklay na iniaabot niya sa akin.
Narinig kong nagkatawanan yung mga nasa jeep. Nakita ko ring tumingin sa rearview mirror si manong driver. Ganun na ba kalakas nag boses ko?
“Hindi ah, may dala-dala lang talaga akong suklay lagi.”
Nginitian pa uli niya ako. Gumanti na rin ako. Ang cute niya, grabehan!
Pagkatapos ko ay binalik ko na sa kanya ang suklay. “Thank you, ha?”
“Welcome.”
Di ko na muna pinagtuunan ng pansin ang pakikipaglandian sa kanya. Ang mahalaga ngayon ay makarating ako sa school. Pagtingin ko sa wristwatch ko--- “ang wristwatch ko!” lahat na lang ba ay wala ako? Cellphone ko kaya? Tinignan ko rin sa bag ko--- “huhu!” tama, wala din ang cellphone ko!
“7:32 na, miss,” salo na naman ni cutiepie.
“Ehe hehe, thank you...” at tumingin ako sa labas ng jeep. Traffic pa! “Manong, pwedeng pakibilisan po, late na ako eh!”
“Pwede, ineng, pero hindi ka na makakapunta sa patutunguhan mo kundi sa ospital na ang tuloy nating lahat.”
At nagtawanan pa sila. Kala mo ha, “sige, manong at barahin mo ako. Traffic na nga’t lahat, nakuha mo pang mag-joke. Di nakakatawa.”
Parang napahiya naman ang mga tumawa kanina kaya nanahimik sa loob ng jeep.
“Saan ka nag-aaral?”
Tumingin ako sa lalake, “Ha? Sa St. Mary’s... ehe... ikaw?”
“Doon din ang punta ko.”
Di na yata mauubusan ng ngiti ang lalakeng to! Kanina pa ngiti ng ngiti eh!
“Oh? Bakit naman?”
“Ahm, may titignan lang ako.”
“Ah, ganun ba?” ako naman ang ngumiti sa kanya ngayon.
BINABASA MO ANG
Song-inspired Single Shot Stories
Teen Fiction☛ℕℴ ℑℴ ℊℛaℳℳaℛ ℕaℨi☚ Sometimes music defines what you're feeling. EijeiMeyou®