WITHOUT YOU (COVER ACOUSTIC) by Mycko and Katsumi

424 21 3
                                    

[WITHOUT YOU (ACOUSTIC COVER) by Katsumi and Mycko]

Christel’s POV

Lulugu-lugong bumangon ako mula sa kama. Another boring day.

Pagtingin ko sa kaliwa ay ang kalendaryo. “Great!” nilublob ko muli ang ulo ko sa unan ko. May marking blue pentelpen yung date ngayon, August 12. Ano bang ibig sabihin ng August 12? Sa ibang tao, wala. Pero sa akin, malaki. 7th monthsary ko na sana. Kung di lang ako naging tanga noon.

“Christel!” *katok-katok sa pinto*

“Argh! Tawagin mo naman akong ‘ate’, bata ka! Mas matanda pa rin ako sa iyo noh!” binato ko ng unan yung pinto. Si Mak-mak yun, ang walong taong gulang kong kapatid.

Bilang pang-aasar, kinatok pa niya ng kinatok ang pinto, “gisingin na daw kita sabi ni papa! At ayaw kitang ate-hin, mas bata ka pa mag-isip sa akin!” patuloy pa rin siya sa pagkatok.

Tinakbo ko ang pinto at binuksan yun bigla-bigla kaya sa tiyan ko bumagsak ang lahat ng pagkatok ni Mak-mak, “takte kang bata ka!”

“Pa, may mamoooo!”

“Gago! Sa ganda kong to, multo?!” pahabol ko pa sa kanya. Tumakbo na kasi siya palayo ng kwarto ko.

Lumabas mula sa kwarto si Kuya Mycko, “tatawagin ka talagang multo nun, tignan mo nga yang itsura mo. Nakakasuka, Tel. Malamang na bumangon mula sa hukay si Mommy at suklayin pa yang buhok mo. Kakahiya ka, fourth year highschool ka na.”

Tumingin ako sa salamin na di kalayuan mula sa pinto ng kuwarto ko, “maganda naman ako ah? At hinding-hindi babangon mula sa hukay si Mommy, alam niyang matatakot ako noh.”

Patay na mommy namin. Mga dalawang taon pa lang si Mak-mak noon.

Sumunod na dumaan si papa sa kwarto ko, “Maligo ka na, Tel.”

“3 minutes na lang, pa.” Tinatamad pa akong maggagagalaw. Maaga pa naman.

After 3 minutes...

“Tel, maligo ka na daw sabi ni Kuya!” narinig kong sigaw ni Mak-mak, isa pa talaga at bubusalan ko na ang bibig ng batang yun.

“Additional 3 minutes kamo!” dumapa ako sa kama. Nag-iisa akong babae at ako ang prinsesa. Napatingin ulit ako sa kalendaryo. “Keene, alam mo ba kung anong araw ngayon? Monthsary natin. Happy 7th monthsary, bunch!” bumuntong hininga ako. Sinong niloloko ko? Tatlong buwan na kaming wala ni Keene Flores.

Sinabunutan ko ang sarili ko. Sino nga bang may kasalanan ng paghihiwalay namin eh ako lang naman? Keene was my first boyfriend at malamang na hindi pa ako masyadong expert nun sa pakikipagrelasyon. Isip-bata pa ako nun. Tapos habang tumatagal, may mga bagay na di ko inaasahan na gusto ko na ayaw pala niya. Then, we broke up. Ako ang nanguna. “Shet shet shet!”

“Hoy, Tel! Maligo ka na sabi! Di na kita ihahatid sa school niyo kapag di ka pa nakaligo mamayang pagbalik ko!” si Kuya na yun. It means, dapat na akong gumalaw.

Hindi ako natatakot kay papa at kay Mak-mak kundi kay kuya ako natatakot. Si papa kasi, di ako magawang pagalitan dahil para na din daw niyang sinisgawan si mama dahil kamukha ko daw siya.

“Oo na! Oo na! Lagi na lang ako ang napagbubuntunan mo! Lagi na lang ako sinisigawan mo!” nagdabog pa ako.

“Anong sai mo?”

Song-inspired Single Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon