NO ONE ELSE COMES CLOSE by Joe

363 22 13
                                    

[NO ONE ELSE COMES CLOSE by Joe]

Terry's POV

Sumilip si mama sa pinto ng kuwarto ko, "HJ is here."

Matamlay na tumayo ako. HJ is my one-year boyfriend. Kabilang na sa isang taon na iyon ang walang on-off routine namin. "Ma---"

"Candace Terry, don't begin with me."

Napayuko na lang ako. Did I fail to mention that HJ is my mom's amiga's son? Si mama din ang pumilit sa akin para makipagrelasyon kay HJ.

"Okay, bye, ma," nag-beso ako sa kanya tapos kay papa naman na nasa likuran ni mama, "bye, pa."

"Enjoy, sweetie," sabi pa ni papa.

Tinignan ko lang siya, wala pa rin akong kangiti-ngiti. Alam naman niya na ayaw ko kay HJ. Psh. If only my father has a voice in our family.

Paglabas ko ng bahay ay nakita ko si HJ na nakasandal sa kumikintab na kotse niya.

"Hi, there. I have my car washed."

Sabi ko na nga ba. While on our way to a prestigious restaurant, wala siyang ibang bukambibig kundi gaano kaganda sa pinuntahan niya, kung ganu daw siya pinuri ng ibang tao, kung ganu siya pinagkaguluhan ng mga babae. God! Conceited!

"See how lucky you are to have me."

Nag-mimic na lang ako. Yun lagi ang sinasabi niya sa akin kaya halos kabisado ko na. Swerte daw ako por que boyfriend ko siya. Tch.

"Here we are," sabi niya.

Gaya ng dati, pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayan sa pagbaba na parang di ko yun kayang gawing mag-isa.

May reserved seat para sa amin dun. At di na naman niya yun pinalampas para makapagyabang. Rinding-rindi na talaga ako sa kayabangan niya.

"Terry," tawag-pansin niya sa akin.

"Yes?" wala ako sa mood makipag-usap lalo na sa kanya.

Mula sa bulsa ng slacks niya ay naglabas siya ng maliit na kahon, binuksan niya iyon sa harapan ko at tumayo pa siya. "Marry me," tahasang sabi niya.

Lalo pa akong nadismaya sa kanya. Tinignan ko siya. "No," mariing sabi ko.

Mukhang di niya inaaasahan yun. "But w-why? This is a diamond ring and I can prove to you that this is genuine! Without the stone itself costs hundreds of thousands!"

Tumayo ako at kinuha ang purse ko sa mesa. Oras na para putulin ang tali na kino-control nila ni mama sa akin. Tao ako at hindi puppet. "Then marry the ring yourself."

Song-inspired Single Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon