AIXEN'S POV.
Nandito ako ngayon sa gymnasium. Gabi na pero hindi pa ako nakakaramdam ng pagod kaka palo ng bola. Hilig ko ang pag lalaro ng tennis, kalaban ko? Pader.
Kahit sa pag lalaro, mas gusto ko ang nag iisa.Palo dito, palo do'n. Papalo ako ng papalo hanggang mawala yung galit. Hanggang sumakit yung buong katawan ko para makatulog agad ako.
Gabi na din nang mapag pasyahan ko na mag pahinga muna. Habang nag papahinga. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag.
You have five missed calls from Miss Cali.
Miss Cali's calling...
Nag dalawang isip pa'ko kung sasagutin ko ba o Hindi. But I end it up answering.
"Hello? Kayo po ba si Sir Aixen?" Lalake yung boses.
"Hello, sir? Tinawagan po kita dahil lasing na lasing na po yung mga empleyado nyo. Sabi po nila na ikaw yung tawagan."
"N- nasan sila?"
Pag ka sabi na pag ka sabi ng location ay pumunta agad ako. Kahit pagod, mabilis akong kumilos sa restaubar na 'yon.
Pag dating ko, nadatnan ko ang mga empleyado ko na naka bulagta. Lasing na lasing.
Tsk. Sabi ko maaga umuwi, dumeretso pala sa pag iinom.
d-.-b
"Kayo po ba si Sir Aixen? Ito na po yung bill nila."
At ako pa ang nag Bayad. Tsk tsk tsk.
Binayaran ko na agad yung malaking bill nila. "Thank you po sir."
"Oh *hik* boss nandyan na *hik* pala kayo *hik*" pulang pula na pisngi ni miss Cali sa kalasingan.
Hindi ko alam kung paano ko sila papa uwiin, tulog na, e.
Una ko'ng binuhat palabas si miss Kristal. Pumara ng taxi, Picturan ko muna ang plate number tapos inabot ko sa driver ang address.
"Ihatid nyo ho sya ng maayos sa address na'to, sir. Salamat!"
Sunod si Mr Roylan. Kagaya ng kay miss Kristal ganon din ang ginawa ko. Pinicturan ang plate number at binigay ang address sa driver.
"Ihatid nyo ho sya ng maayos sa address na'to, sir. Salamat!"
Sinunod ko si Miss Julie. Kagaya ng na una, ganon din ang ginawa ko. Pasakay na sya ng taxi ng bigla syang nag suka. Buti nalang naka iwas ako. Tsk!
"Oh, boss! *hik* 'nung nigagawa mo dito sa bahay *hik* namin?"
"Ingatan nyo ho sya, sir!"
Pag balik ko sa loob, nakita ko na nag iinom na naman si Cali. Tibay talaga! Pikit na ang mata nakuha pang uminom!
"Umuwi ka na."
"Maya na," hinila nya ako sa tabi nya para umupo. "Inom muna tayo. Cheers!"
Ininom ko naman yung binigay nya. Pero hindi na naulit 'yon. Dahil ako na mismo humila sa kanya palabas. Hindi naman nya alam.
d-.-b
"Um-umayos ka, tatawid tayo."
"Hmmm... bitawan mo'ko, kaya ko'ng umuwi *hik* mag-isa!"
Bumitaw sya sa pag kakawak ko at nag lakad mag-isa ng pagewang gewang. Pasaway talaga!
Hinabol ko sya at pinigilan. Pag harap nya...*BOOGSH!*
YOU ARE READING
The Introverted Man
Teen Fiction"INTROVERTED- A shy person; a quite person who does not find it easy to talk to other peron. PSYCHOPATH- A person who is mentally ill, who does not care about other people and is usually dangerous or violent. Iilan lang 'Yan sa mga naririnig kong s...