Contains mature scenes. Read in your own risks.
AIXEN'S POV.
Lumipas pa ang ilang oras at ang bawat isa ay busy sa mga ginagawa. Maliban kay Miss Cali. 'Di ko alam kung gutom ba sya kase nag lunch naman sila. Ngumingiti sya mag isa. Umagang umaga. Dilat na dilat ang mga mata. Nananaginip ata ng gising.
Nararamdaman ko sa ilalim ng mesa na parang sumisipa sipa pa sya. Ano kaya'ng nasa isip nento? Tss.. Hindi nya sine-seryoso ang trabaho na ginagawa.
Imbes na malungkot. Ay nakuha nya pa'ng ngumiti sa ginawa ko'ng hindi pag pili sa idea nya. Pareho nama'ng maganda ang suggestions nila. Sadyang may umangat lang talaga para sa akin. Si Miss Kristal iyon. May isa pa'ng dahilan kung bakit sya ang pinili ko na mag present ng project na ginagawa namin, ay para mabawasan kahit papaano ang hiya nya.
"Boss? Pati din ba ang itsura ng app, babaguhin?" Bigla ay tanong ni Miss Kristal.
"Syempre. Kaya nga upgraded. Iibahin din." Sa halip na ako. Si Roylan ang sumagot.
"O-of course... we should change it. Para malaman ng tao na bago na."
"Ok, boss." Ngumiti sya ng pagka ganda ganda.
"Ma trabaho toooo!" Pasaring ni Miss Cali. Humikab pa.
d-.-b
Tinignan ko ang wall clock. Pasado 6 na. Pero parang wala pa kami sa kalagitnaan ng ginagawa namin. Halata sa mga itsura nila na Pagod na.
Nakita ko naman na humaplos sa lalamunan nya si Miss Cali. Nauuhaw. Tumayo ako. Nagulat sila. Dumeretso ako sa kusina. Kumuha ng 6 na baso at isang pitsel na tubig.
"Oh my gosh! Thank you boss." Kinuha agad sakin ni Miss Cali ang baso at pitsel. Uminon agad sya.
Kitang kita ko bawat pag lunok sa lalamunan ni Miss Cali. Ang pamumula sa kanyang mga labi.
Hindi pa na kuntento at binasa pa ito gamit ang dila. Napatulala ako."Ah... Sarap!" Nilapag ang baso sa mesa. "Ikaw boss? Inom ka din."
"Ay.. baka gusto mo din kami'ng alukin, te?" Tumayo si Roylan at nag salin ng sariling tubig sa baso.
"Gaga! May kamay ka, oh! Guys! Water break! Water Lang!" Pasaring nya sa huling sinabe.
"In fairness... nakakabusog din 'tong tubig. Hahaha!"
"Ok! Back to work!" Sigaw ni Miss Cali.
Ilang sandali pa...
"Juls, anong oras ka uuwe? Mag o-OT ka?" Pabulong iyon pero nadinig ko pa din dahil halos mag katabi na kami.
"Uwe na din ako maya maya. Hindi ako nag o-OT Cali, ano ka ba!"
"Hala! Oo nga. Nakalimutan ko. Hehehe."
Tinignan ko ang oras. Alas otso y medya.
"O-okay guys.. it's getting late. G-go home now."
dO_Ob <----- Miss Cali and Julie.
d-.-b
"Hala, Cali. Nadinig ata ni boss yung tanong mo. Lagot." Tinaas nya ang hintuturo na parang sinisisi ito.
"Hala! Binulong ko na nga Lang yon, e. Nadinig nya pa din? Bad trip ah." Inismiran nya si Miss Julie.
Natawa naman ako sa inasta nilang dalawa. Mukha silang guilty na guilty sa inasal.
"You've done enough for today. Good Night." Umalis agad ako sa harapan nila.
Dumeretso sa kwarto para mag shower. Hindi ko na nadinig pa ang mga tinig nila. Siguro'y nakaalis na. Patapos na ako ng madinig kong may nag bukas sa pinto. Nag bihis agad ako at lumabas.
YOU ARE READING
The Introverted Man
ספרות נוער"INTROVERTED- A shy person; a quite person who does not find it easy to talk to other peron. PSYCHOPATH- A person who is mentally ill, who does not care about other people and is usually dangerous or violent. Iilan lang 'Yan sa mga naririnig kong s...