CALI'S POV.
Hinihintay namin ngayon si boss na dumating. Ilang oras na din simula ng umalis sya pagkatapos mag usap nila ni sir Richard.
"E, Ewan ko ba dyan kay Cali.. bakit pa kaylangan hintayin si boss bago umuwe." Reklamo ni Roylan.
"Syempre.. hindi nga tayo nakapag paalam sa kanya nung umuwe tayo. Sya pa nag linis my kalat natin. Ano man lang ba na mag thank you tayo?" Nakita ko naman ang pagka gulat sa mga mukha nila.
"Ginawa 'yon ni boss?" Napatigil sa pag li-lipstick si Julie para itanong 'Yan.
"Oo nga. Kaya hintayin natin sya ah? Maaga pa naman e."
Wala sila'ng nagawa kundi gawin ang sinabe ko. Pero Hindi din nagtagal at bumukas na ang pinto. Dahan dahan.. haggang sa makapasok si boss at ilang segundo na nakatayo sa tapat ng pinto.
"Ah.. boss? Hindi pa ho ba kayo tutuloy?" Tanong ko.
"Uh..Uhm.. ano.. hm.. g-gusto ko l-lang.. s-sabihin n-na... good job!" Pa utal utal man ay naitawid nya ang sasabihin.
"Good job, Saan boss?" Si Julie. Ngayon ko lang nakita na nakatayo na pala sila'ng lahat at nakatingin kay boss.
"Do'n.. s-sa ginawa n-nyo kanina."
"Ah.. Wala 'yon boss! Trabaho namin 'yon."
"Oh, ikaw Cali? Diba may sasabihin ka kay boss?" Baling sa'kin ni Roylan.
"H-ha? Oo, oo nga! Hehehe. Salamat nga pala boss sa pag lilinis ng kalat namin." Nahihiya man ay nilakasan ko ang loob.
"Anong petsa na, siguro naman.. pwede na tayo'ng umuwe, Cali 'no?" Agaw pansin ni Roylan.
"Hah? Oo naman. Tara na! Una na Kami boss." Pa alam ko. Pero nanatili pa din sya'ng nakatayo.
"O-okay.. you may g-go now.." matapos nya mag salita.. dire-diretso sya'ng naglakad at nag Nagtungo sa kalapit kwarto ng desk nya.
Tinignan ko sila'ng tatlo. Sumenyas si Roylan na umalis na nga. Kinuha ko ang bag at flowers na bigay sakin. Sabay sabay kami'ng lumabas ng opisina. Nakita namin na wala na si Miss Kim sa desk nya.
Sa bahay.
"Oh? Ang aga mo naman ata?" Nakita ko si lady na naka upo sa couch.
"Madami na sila do'n. Kaya umuwe muna ako. Kumain ka na ba? Tara, sabay na tayo." Tumayo sya at dumeretso sa kusina.
"Sige, mag bibihis lang ako." Umakyat ako sa kwarto ko. Nag palit ng damit. Inayos ang bulaklak na bigay sakin. Nilabas ko naman ang sulat at hinulog sa garapon na ngayon ang laman na ay dalawa at madadagdagan pa.
Pababa ako ng madinig ko ang isa'ng pamilyar na boses. Tinakbo ko agad ang hagdan para makita kung sino ang nagsasalita.
"Cali.. pwede ba na dito muna kami?" Si Joey. Umiiyak habang karga karga ang anak.
"Diba sinabe naman namin sayo na hiwalayan mo na yang Renz na yan! Tignan mo nangyare sa'yo ngayon!" Pangaral sa kanya ni Lady.
Lumapit ako sa mag-ina. Kinuha ko si Eljhei, babae sya.. 3 years old na. "E, nasaan si Jheiel?" Tanong ko sa Kambal nito. Lalake naman 'yon.
"Ayun! Kinuha ng magaling nya'ng asawa!" Imbes na si joey ang sumagot. Si Lady ang sumabat.
Hikbi lang ang maririnig kay Joey. Ni hindi sya sa'min mag paliwanag kung ano ang nangyare. Umiiyak lang sya. Nakakaawa.
"Si renz.. nahuli k-ko sya'ng may b-babae."
"Ha! E, ano nama'ng bago don?" Sarkastikang tanong ni lady.
YOU ARE READING
The Introverted Man
Teen Fiction"INTROVERTED- A shy person; a quite person who does not find it easy to talk to other peron. PSYCHOPATH- A person who is mentally ill, who does not care about other people and is usually dangerous or violent. Iilan lang 'Yan sa mga naririnig kong s...