CALI'S POV.
Kakatapos lang namin ngayon sa mga ginawa namin. Nagtuturuan kami kung sino ang lalapit kay boss para sabihin na tapos na kami.
"Ikaw na kase Kristal! Diba sa'yo naman to pina abot? Kaya ok Lang yan." Pag pipilit ni Roylan.
"Hala! Bakit ako? Ayaw ko."
"Tss.. ang dami dami nyo pa'ng sinasabe, e. Sige.. ako na lang."
"Sure ka, Cali?" Tanong nila'ng lahat.
"Oo.. kaya wag kayo'ng maingay, baka magising si boss."
Bumuntong hininga muna ako bago humakbang. Ha! Kaya mo Yan Cali.. hindi ka naman kasya sa bibig nya.
Dahan dahan.. walang ingay ang ginawa ko'ng pag hakbang.*TUG*DUG!*TUG*DUG!*
Huminga ako ng malalim. Ngayon.. nasa harap na'ko ng desk nya. "B-boss..?" Kalabit ko sa kanya. "B-boss.. gising." Lumingan pa muna ako sa gawi nila Roylan at binigyan nila ako ng nakakalokong ngiti, sabay thumbs up pa.
d>>_<<b wrong choice, Cali!
Bumaling ulet ako kay boss, at..
dO_Ob
Nakatingin na sya sa'kin. Ng masama! "A-ah.. hehehe.. sorry b-boss.. ibibigay ko lang sana t-'to." Ngumiti ako sa kanya ng pilit. Inabot ang nga paper works na natapos na namin.
Na ngunot ang noo nya. Tinitigan ang papel na inaabot ko sa kanya. "M-may problema ba b-boss?" Pinilit ko na 'wag ipakita ang kaba na nararamdaman.
Tinaas nya nang dahan dahan ang kamay at lumagpak sa mga papel na nakapatong din sa desk nya.
Mukang nagkamali Kami.. madami pala 'to magpa trabaho! Huhuhu...
"Ah.. sige ho boss.. gagawin din po namin yan ngayon. Tatapusin namin yan boss."
Umiling sya. Ng apat na beses. Ha? E, ano ba'ng ibig nya'ng sabihin?! Tinuro nya yung papel na hawak ko. Tapos nilagpak nya ulet ang mga kamay sa mga papel na nasa desk nya.
Ah.. now I get it. Gusto nya na ipatong ko din ang papel na hawak nya do'n sa mga papel na nakapatong as desk nya. Slow mo talaga, Cali!
Nilapag ko agad ang nga papel na hawak ko. "Alis na ho ako, boss." Paalam ko.
"Ano te? Katakot no? Hahaha!" Pang aasar sa'kin ni Roylan. "Jollibee ka kase masyado."
"Baliw! E, ayaw nyo nga. Kaya ako nalang. Tignan mo.. buong buo pa'ko." Nag tawanan naman sila. Nagsi upo sa mga kani-kanilang mga upuan.
Pag lingon ko, Wala na si boss sa desk nya. San nag punta 'yon?
"Lunch time na. Kain na tayo." Si Julie.
"Oo , te! Kakain ka nalang nag li-lipstick ka pa!"
"Dito na lang din tayo mag lunch. Hassle pag sa labas pa." Suhestyon ko.
"Oh, e, ano pang ginagawa nyo dyan? Tara na!" Pagmamadali ni Roylan. "Sabay ka na din sa'min Kristal. The more the merrier!"
"Hah? E, Pano si boss?" Ako.
"Ano'ng ano si boss?" Tanong ni Julie at Roylan.
"Si boss.. isabay na din natin sya sa lunch natin." Ako Ulet.
"Tingnan at kausapin nga tayo, Hindi nya magawa e. Sumabay pa kaya sa'tin mag lunch?" Asar na sabi ni Roylan.
"Wow, Bakla! Basher ka na ngayon ni boss?" Natatawang tanong ni Julie.
YOU ARE READING
The Introverted Man
Teen Fiction"INTROVERTED- A shy person; a quite person who does not find it easy to talk to other peron. PSYCHOPATH- A person who is mentally ill, who does not care about other people and is usually dangerous or violent. Iilan lang 'Yan sa mga naririnig kong s...