CHAPTER 4

8 7 0
                                    

AIXEN'S POV.

Pagkatapos ng kainan namin ay nag paalam na ako agad at nagdahilan na madami ako'ng gagawin sa office. Nag prisinta pa si Agean na ihatid ako sa labas ng bahay kasama si Richard para sumabay na din.

"Pasensya kana kay daddy ah?" Biglang sambit nya ng makalabas kami sa bahay. Nilingon ko Lang sya 'tsaka tumingin muli sa dinadaanan namin.

"O-okay lang, sanay na naman ako eh." Pilit na ngiti na tugon ko.

"Immune na ata ang kapatid mo sweetheart para hindi makaramdam ng Sakit. Hahaha!" Sabat naman ni Richard dahilan para mag tawanan silang dalawa.

d-.-b

Nilayasan ko lang sila at nag-lakad ng mabilis. Narinig ko pa ang pag-tawag ni Richard pero hindi ko na sila nilingon pa. Nagmaneho ako ng mabilis at mabilis din ako'ng nakarating sa office ko. Nadatnan ko nama'ng natutulog sa kanyang desk ang sekretarya ko. Tinignan ko Lang sya ng sandali at dumeretso na sa office ko.

Sa pag-pasok kong iyon, naramdaman ko nanaman ang katahimikan, ang pagiging mag-isa at walang kasama. Nag tungo ako sa kitchen ko binuksan ang ref para uminom.

Sa sobrang tahimik sa loob ng office ko, pati pag-lunok ko ay rinig na rinig ko. Dahil ito na din ang nagsi-silbing tirahan ko. Hindi ako umuuwe sa bahay dahil feeling ko sa bawat araw na makikita ako ng chairman ay bubulyawan ako nito sa kahit na anong oras. Kaya mas pinili ko nalang na mamuhay mag-isa.

Umupo ako sa table ko at Pinag-masdan ang mga nakapatong doon Pati na din ang pangalan ko na naka-display don.

'Jhanrie Aixen Villanueva. Assistant C.E.O.'

Kahit ako ang anak ng may-ari ng kumpanya'ng ito, pumayag ako na maging assistant ni Richard. Dahil alam ko din naman na kahit kailan ay hindi ko magagawa ang mga ginagawa nya.

Ang mag-salita sa harap ng madaming tao, ang ngumiti ng totoo sa madaming tao. Kaya'ng sabihin lahat ng nararamdaman.

Inayos ko ang mga papel na nakakalat sa lamesa ko. Pati na din ang kalat ng tasa na lapis. Itinago ko ang cutter at lapis sa drawer ko. 'Tsaka hinubad ang jacket na suot ko, nilagay ko 'yon sa basket ng mga marurumi 'kong damit.

'Ano na ulet gagawin ko?' Tanong ko sa sarili ko ng matapos 'kong gawin iyon. Naalala ko nanaman ang babae'ng 'yon kanina. Napahawak ako sa ulunan ko at doon ko lang naramdaman ang sakit noon.

Kumuha ako ng yelo at nilagay sa ice bag tsaka dahan-dahan na dinampi iyon sa ulo ko. Iniharap ko ang swivel chair ko mula sa aking likuran. At doon ko lang napansin na umuulan pala. Pinag-masdan ko muli ang mga establisyamento na nakatayo doon. Sa ibaba noon Ay may coffee shop at ang katabi ay computer shop, sa ikalawang palapag naman ay may salon at katabi noon ay barber shop. At ang ikatlo naman na palapag ay may dalawang kwarto.

Ganito lang ang buhay ko sa loob ng kwartong ito. Paulit-ulit pero hindi ko magawang mag-sawa. Pakiramdam ko tuwing nag-iisa ako nakakapag-isip ako ng mabuti.

Tumayo ako at lumabas sa kwarto. Tulog pa din ang sekretarya ko. Lumapit ako sa kanya at marahan syang ginising.

"Miss Kim. Gumising ka." Marahan ko pa'ng inuga ang balikat nya.

"Hmm... mamaya na."

"Miss Kim gising." Gising ko ulet sa kanya. Inangat nya naman ang ulo nya dahilan para mag-tama ang paningin namin. Tinignan nya ang kabuuan ko at nanlaki naman ang mata nya.

The Introverted ManWhere stories live. Discover now