CHAPTER 19

2 3 0
                                    

CALI'S POV.

"So, ano? Wala na naman tayo'ng gagawin? Lunch break na pero hindi pa din nalabas ng kwarto si boss."

Kakatapos lang namin ayusin ang mga gamit ni boss na nakalat kanina. Niligpit na din namin yung basag. Parang kulang tignan yung work desk ni boss pag wala yung pangalan nya na nakapatong do'n.

"'Wag ka na mag reklamo dyan bakla. Manahimik ka nalang."

"Guys, diba sabi ni Mr. Villanueva may presentation na nag hinintay sa atin? Bakit hindi nalang 'yon ang trabahuhin natin?" Suggest ko sa kanila.

"Bakla ka! Hindi nga natin alam kung tungkol Saan!"

"Oo nga, 'no? Hehehe."

Nagku kwentuhan lang kami ng may kumatok at pumasok na babae.

"Who's Miss Cali?"

Ako yun diba?

"Ako 'yon, bakit?"

"Mr. Richard called you for a lunch. He's waiting you now in a restaurant near here in our company."

"H-hah? Para Saan daw?"

"Don't ask. Just come, he's waiting now."

Sabi ko nga. Suplada nito!

"Pakisabe, papunta na'ko. Thank you."

"Emegesh beks! Makikipag date sayo si Sir Richard!" Mas kinikilig pa sakin si Roylan.

"Haba ng hair, nag rejoice ka ba girl~" kumanta pa si Julie.

"Dudumi ng utak nyo. Nag yaya lang kumain, date na agad?"

Pano kung date nga 'to? Omogosh! 'Di pa ako ready. Hehehe. Syempre, Hindi naman ako choosy.

d^^bv

"Sige, alis na'ko. Mag lunch na din kayo, ah. Kristal, tiisin mo muna yung ingay ng dalawang 'to."

"Okay lang. Masaya naman sila kasama."

"'Wag ka mag-alala. Ligtas samin si Kristal. HOHOHO!" Loko talaga 'tong Bakla na'to. "Ingat ka beks! 'Wag agad isuko ang bandera ng Korea!"

"Gago! Bye guys! See yah later."

Masaya ako'ng nag lakad palabas ng department namin. Nang madaanan ko ang department ni Richard. Palibhasa'y lunch break, nag chi-chismisan na. At ang masama pa do'n, pinag uusapan nila yung nangyari kanina kay boss. Mag walang hiya! Pinag chi-chismisan nila yung may-ari ng kumpanya na pinag tatrabahuhan nila. Mag walang Utang na loob!

"Hoy! Kayong mga chismosa!"

"Kami ba ang tinutukoy mo, miss?" Aba't nag tanong pa!

"Ay, hindi! Yung desk nyo! Yung desk nyo yung Chismosa! Mga walang modo! Sa susunod na nag chi-chismisan kayo, yung walang makakadinig na ibang tao. Nakakahiya kayo! May-ari ng kumpanya na pinapasukan nyo pinag chi-chismisan nyo!" Hindi na talaga ako makapag pigil, e. Sorry Lord.

"Ha! Ano ba'ng pinag sasabi ng babaeng to?"

"Lah? Bingi ka? Gusto mo ulitin ko? Ang sabi ko mga---"

"'Wag nyo na yan patulan girls. Empleyado yan nung black monster doon sa Taas."

"Ah.. kaya pala ganyan kung maka asta!" Landi ng tono. Sarap batuhin ng sapatos na may takong!

"Maganda naman! If you excuse me, I have a lunch date with your boss!" Diniin ko talaga yung date with your boss. Nakakatawa yung reaksyon nila. HAHAHA!

The Introverted ManWhere stories live. Discover now