CHAPTER 2

24 8 0
                                    

Cali's POV.

🎶Nothin' like you, shades on spinning in a summer rain... dancing when there ain't no music. Just the right kind of crazy, baby. Something about you, rockin' that rocking roll
T-shirt. We're at a party dressed up but you just doing your thing. Ain't nobody seen. Nothing like you....🎶

Napabalikwas ako sa pag kakahiga ng marinig ko ang malakas na music na iyon.

\O○O/

Humikab muna ako Bago bumangon at bumababa.

'Ang antukin na isang yun. Hm... ang Bango, ano kayang niluluto ni lady? Nagugutom na din ako e.'

Nag-tungo ako sa kusina at nakita ko nga syang nag-luluto.

"Morning!" Masayang bati ko sa kanya at lumingon naman ito.

"Hmm... gising ka na pala? Morning din."

"Ano'ng niluluto mo?" Sumilip ako sa kawaleng niluluto nya. Bigla akong nagutom dahil adobo ang niluluto nya.

'Kaya pala ang bango e.'

"Bakit adobo? Pang tanghalian na Yan ah?" Tanong ko papalapit sa refrigerator at binuksan iyon upang uminom ng tubig.

"Aalis kase ako Mamaya e. Wala ng mag-luluto pag umalis ako. Baka kase gabihin din ako." Nag-hain na sya at nag-simula na kaming Kumain.
"Bakit ang aga mo atang nagising?"

"Hmm... may pupuntahan kase ako e." Ngumunguyang sagot ko sa kanya. Yun Lang at tahimik na kaming kumain.

"Mauna ka nang maligo." Tumayo sya sa kinauupuan  at Pumunta ng sala.

Tumungo ako sa Taas at kinuha ang towel na gagamitin ko. Napatingin ako sa sofa ng Makita ko si lady na nakahiga at natutulog Pero bukas ang T.V.

'Tsk... antukin talaga amp.'
Usal ko sa isip ko at dumretso na sa banyo.

Sa bawat pag patak ng tubig sa katawan ko ay damang-dama ko... napakasarap sa pakiramdam ang malamig na tubig na dumadaloy mula sa uluhan ko pababa sa mga katawan ko.

'Feelin' fresh!'

d^_^b

Lumabas ako ng banyo na may ngiti sa mga mukha. Bahagya pa akong nagulat ng maabutan ko si lady na nakatayo sa harap ng pintuan ng banyo at animo'y hinihintay akong matapos.

"Hayst. Kinausap mo na naman ba ang mga timba huh?" Mataray na tanong nya, Pero nginiwian ko Lang sya at nag-patuloy na sa pag lalakad patungo sa kwarto ko.

'Tsss... kaya ko Lang naman tinagalan kase natutulog pa sya.'

d-.-b

Pag katapos kong mag-bihis ay inihanda ko na ang bag na gagamitin ko. Humarap ako sa salamin.

'Ang ganda mo Cali.'

Napangiti ako sa sariling kong naisip. Nungumiti Ulet ako ng bahagya at tuluyan na nilisan ang kwarto'ng iyon.

Hindi ko na hinantay pa na matapos si Lady para makapag-paalam. Hindi din naman Kami pareho ng pupuntahan.

Sumakay ako sa kotse ko at sinimulan ng paandarin yun.

🎶You tell me you're in love with me, like you can't take your pretty eyes away from me. Is not that I don't want to stay... but everyone you moving close I moved away....🎶

Masaya akong nag maneho at sinabayan ang bawat lyrics ng kanta na tumu-tugtog sa radio ng sasakyan ko.

Huminto ako dahil nakita ko ang stop light na naka red tanda na huminto Lahat ng sasakyan. Ilang segundo pa at nanatiling nakahinto ang mga sasakyan.

The Introverted ManWhere stories live. Discover now