CHAPTER 21

5 1 0
                                    

CALI'S POV.

\OoO/

Nagsing ako dahil sa lamig sa aking paanan. Maliwanag na pero inaantok pa din ako, hindi man lang ako ginising ni lady.
Tinignan ko ang oras sa phone ko. 10:48 am.

dO_Ob! 10:48 am na?! Watdahek! Late na late na'ko!

d>>_<<b Sakit ng ulo ko!

"Oh, Cali! Gising ka na pala. Bumaba ka na at nag luto ako para sa hang over mo."

Hang over?

"T-teka... hang over?"

"Oo, hang over! Gabing gabi ka na nga umuwi, e. Hinatid ka ng boss mo."

Tsk! Kaya pala masakit ang ulo ko.

"Pano nalaman ng boss ko 'tong bahay natin?"

"Aba'y Ewan ko. Napag kamalan ko pa nga na mag nanakaw yun, e. Puro itim ba naman ang suot."

Nakahain na ang niluto nya. Kami nalang ang hinihintay. May spicy chicken soup at fried tofu. Nag timpla din sya ng iced coffee.

"Sya nga pala, sabi ng boss mo ok lang kahit ma late ka ng pasok. Kaya hindi kita ginising ng maaga."

"Ugh! Wala ako'ng masyadong maalala! Ang anghang naman masyado ng soup mo!"

"Sinadya ko yan! Ano? Masarap diba?dalian mo ng kumain dyan, wag mong abusuhin ang kabaitan ng boss mo."

"Oo na! Ikaw, bakit hindi ka pumasok?"

"Para lutuin 'to" tinuro nya yung kinakain namin. "Para sayo, bait ko diba?"

"Kamusta naman yung mag-ina? Kasama natin sya sa bahay pero hindi ko man lang sila nakikita." Sinawsaw ko sa sabaw ng chicken soup yung fried tofu.

"Busy ka kase sa ginagawa mo, e. 'Di ba uso ang day off sa'yo?"

"'Wag kang mag alala, pag ako ng day off, sagadsagaran na. Tsaka Kamusta pala yung pag kuha nya kay Jheiel?" Onti nalang mauubos ko na'to, samantalang si lady soup lang kinakain.

"Naku, asa ka pa! Hindi nya na makukuha yung isa nya pa'ng anak. Baka nga nilayo na yun ng ama, e."

"Ang sama mo! Dyan ka na nga, maliligo muna ako."

Naligo agad ako. Hindi ko pa na bibigay yung project namin na inabot sakin ni Richard.

Tsk. Sana maging madali para sa'min 'to.

Nag bibihis na'ko ng marinig ko'ng sumigaw si lady, "Oy,Cali! Alis na'ko. Ikaw na mag lock ng bahay."

"Oo, Ingat!"

Habang Nag aayos, nahagip ng aking mga mata ang makulay na mga papel sa loob ng garapon.

d^_^b dumadami na sila.

Siguro, nag tataka kayo kung saan napupunta yung mga flowers na pinapadala sa'kin 'no?

Well... you'll find it soon. ;p

Nasa byahe na ako at hindi mapakali ang isipan ko. Kanina pa ako na papaisip kung paano nalaman ni boss kung Saan ako nakatira.

Hmmm....?

Mabilis ako'ng nakarating sa opisina. Papasok na ng elevator ng makasabayan ko sila Julie, Roylan and Kristal.

Tinanghali na din sila.

"Hindi Nakakatakot pumasok pag madami ka'ng kasabayan na late. HAHAHA!" Bungad ni Roylan.

"Tinanghali tayong lahat. Napadami ang inom natin kagabi." Singit ni Julie.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Introverted ManWhere stories live. Discover now