Piece of Heaven

129 4 0
                                    

PROLOGUE

Malamig na simoy ng hangin, makulimlim na langit, at mahinang patak ng ulan ang sumalubong sa akin sa napakalungkot na lugar na ito.

Napakatahimik, nakabibinging katahimikan.

Inilatag ko sa kanyang himlayan ang isang dosenang puting rosas katabi ng mga nalantang mga bulaklak na dinala ko noong mga nakaraang araw. 'Wala yatang dumadalaw sa iyo.'

Isang buwan na rin nang dalhin ako ng aking mga paa sa lugar na ito. Kung kailan ako hihinto, iyon ang lingid sa aking kaalaman.

'Tandaan mo, magliliwanag ang pulang kerubin kapag dumating na ang tamang taong hinahanap mo.'

Narinig ko ang boses ng aking gabay. 'Oo, alam ko.' Tugon ko.

Tumayo ako at nagpaalam sa puting marmol kung saan nakaukit ang kaniyang pangalan. 'Babalik ako bukas.' Bulong ko sa kanya, sana ay naririnig niya ako.

Piece of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon