Chapter 8

30 0 0
                                    

EIGHT

**Harry's POV* *

I adjusted myself and think, kaya ko na ba? It's only been weeks ng magkahiwalay kami ni Fiona. Kaya ko na bang balikan ang sakit na idinulot niya sa akin?

Humugot ako ng malalim na hininga at inumpisahan ang pagsasalita. "Si Fiona, she's my ex-girlfriend. But it didn't turn out to be that good."

Tumingin si Candyd sa akin, "Bakit? Anong nangyari?" Tanong niya.

"At first, we're perfectly imperfect for each other. I mean yes, no one is perfect. But that's it, kami ang nagpupuno ng imperfections ng isa't-isa. And with that, everything just felt so right."

I paused for a while, reminscing every single memory I had with Fiona. "And then dumating yung time na naging mapaghanap siya. She told me something was missing and she searched for it constantly that it ruined our relationship."

"And then?"

"Nakipag cool off siya sa akin, and I let her go. I was confident na babalik siya and she just wanted to clear her mind. But I was wrong, she didn't come back."

It takes a great courage to say those things. I never imagine myself sitting next to the sea talking about the girl who broke my heart in any way a heart can be break.

"Bakit hindi na siya bumalik?" Tanong ni Candyd.

"It's all because of my father. There was this time na pinuntahan ko siya sa bahay nila para isurprise siya at makipag-ayos. But it turn out otherwise - ako yung na surprise bigtime. I caught them in the act."

Hindi ko inexpect na masasabi ko lahat ng ito ng hindi nagwawala o nagbebreak down. I guess I'm starting to move on. And that's a good thing.

Hindi umimik si Candyd. Mga mata lang niya ang nanlaki. Kahit naman siguro ako, mabibigla din sa mga ganung pangyayari.

"Pero bakit? Paano? Alam ba ng dad mo?" Tinadtad niya ako ng tanong.

"Nung araw ding yon, I found out na matagal na palang mistress ni dad si Fiona. Nagkaproblema sila nang malaman ng mom ko ang mga kalokohan ni dad. Nung gabing nagkahiwalay sila ni Fiona, yun ang gabing nakilala ko siya sa isang bar. Unfortunately, wala silang kamalay malay na konektado ako sa kanilang dalawa."

"Grabe naman. Akala ko sa mga pelikula lang nangyayari yung mga ganung eksena." Ang sabi ni Candyd habang sinusubukan niya akong icomfort by tapping my shoulders. "Pero diba sabi mo anak siya ng General? E di dapat well-off siya at civilized."

"Oo, anak nga siya ng general, pero anak siya sa isang kasambahay. In short, tinatago siya at minsan pinagkakaitan siya ng unang pamilya ni General. Kaya minsan iniisip ko naghahanap siya ng father figure, ito namang walang kwenta kong ama, inabuso yun."

Umiling siya, "Tsk tsk. Kawawa naman pala siya. E paano yung batang dinadala niya?"

I shrugged, "Hindi ko alam, pagkatapos kong natuklasan ang lahat lumayo ako at umiwas. Malaking eskandalo sa dad ko kung malalaman nilang sa kanya yung bata kaya pinapaako niya sa akin. Hindi ko kayang akuin bilang anak ang kapatid ko."

Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin. Hampas ng mga alon ang nangingibabaw sa kalaliman ng gabi. Just like my life, I'm in the middle of the waves right now. Hindi ko alam kung kailan ako makakaahon sa dalampasigan.

"Mahal mo pa ba siya?" Bigla niyang tinanong. I wasn't prepared for that question, or must I say, I wasn't prepared for what my answer should be.

"I don't know. Maybe yes. Ipokrito ako kung sasabihin kong hindi ko na siya mahal, hindi naman madaling kalimutan ang isang taong inakala mong makakasama mo habambuhay. Everything was planned, at ngayong wala na siya back to zero ako."

"I guess it's not just meant to be." Wika niya. "Sa ngayon, malabo pa pero day will come everything will make sense."

"Tama ka, but once you had put the pieces back together, even though you may look intact, you were never quite the same as you'd been before the fall." Nakakalungkot pero ito ang totoo.

"I know what you feel." Sambit niya. Hindi ko man makita ang mukha niya, alam kong may pinaghuhugutan siya.

"What do you mean?" I intrude.

"Alam ko ang pakiramdam ng maiwanan ng taong minamahal."

Tumingin ako sa kanya, "Anong ibig mong sabihin?"

Umiling siya at tumayo, "Tara, malamig na at lumalalim na ang gabi. Balik na tayo sa cottage."

Hindi ko alam kung ano ang ipinapahiwatig ni Candyd sa mga sinabi niya. Although I wanted to know what her words mean tumayo nalang ako at pinagpag ang nagdikit dikit na buhangin sa damit ko.

Pagdating sa aming kwarto wala pa ding imik si Candyd at sariwa pa rin sa isipan ko ang mga napag-usapan namin. I must admit, mas gumaan ang pakiramdam ko.

"Dito nalang ako sa couch." Wika niya habang inilalatag ang unan sa mahabang upuan.

There's no way I could let her, "Hindi," Tugon ko, "Kung ayaw mo akong katabi, ako nalang ang matutulog diyan."

"Hindi, ako na. Sanay naman akong matulog kahit saan." Pilit niya. Ang tigas talaga ng ulo niya. Wala namang kaso sa akin kung magtatabi kami, kung iniisip niya yung bagay na yon, nagkakamali siya. Hindi ako ganung lalake. I respect her.

"Okay, ikaw ang bahala. Pero huwag mo akong sisisihin kung sasakit man ang likod mo bukas pagkagising mo."

Ngumiti siya at humiga, "Good night Harry. Thank you for the trust." Wika niya.

"Trust?"

"Ibig kong sabihin, salamat dahil pinagkatiwalaan mo ako sa mga problema mo." Ang sabi niya habang ibinabalot ang katawan sa kumot.

"Ako nga dapat magpasalamat dahil nakinig ka," Tugon ko, "Good night Candyd." Saka ko na pinatay ang ilaw.

Maya-maya'y..

"Harry?" Humirit ulit siya.

"Oh?"

"Love doesn't hurt, loving the wrong person does. Matatagpuan mo din ang para sa'yo. Hmmm.. Yun lang, good night."

Napangiti ako sa mga sinabi niya, "I'll take that as an advice. Thank you.. and good night."

Hindi man inaasahan ang pagkakakilala namin ni Candyd, I know it was a blessing from above. I won't regret the day I showed up to her apartment, and from this day on, I'll make everything count.

A/N

Hi! Let me know what you think. Thank you for reading! :)

Piece of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon