Chapter 3

58 3 0
                                    

THREE

Ito na yata ang pinaka mahabang almusal sa talambuhay ko. Nagpabalik-balik ang aking mga tingin kay Harry na walang ibang ginawa kung hindi ang tumitig sa kawalan at sumubo ng bahagya. Pagkatapos kumain ay iniligpit ko ang mga plato at hinugasan ang mga ito sa lababo. Samantalang si Harry ay hindi man lang natinag sa kanyang pagkakaupo.

"I'll just go to the grocery store, may ipapabili ka ba?" Tanong ko.

"No thanks." Matipid niyang sagot.

Nang makarating ako sa grocery store, kinuha ko ang mga supplies na sa tingin ko ay kinakailangan. Tulad ng men's shampoo, shaving cream at body soap. Sa lagay ni Harry ay parang wala siyang time mamili ng mga kailangan niya. Kumuha din ako ng mga basic necessities ko. Malapit na ako sa cashier ng marinig ko ang dalawang lalaking nag-uusap.

"Ang sabi ni boss, sa oras na matagpuan natin siya ay iligpit na natin siya kaagad." Bulong ng isang lalaki na puro balbas ang mukha. Kinilabutan ako sa aking narinig, sinubukan kong gumalaw ngunit tila hindi sumasang-ayon ang aking mga paa.

Sumagot yung isa, "Siguradong nandito lang si Harry sa Maynila. Ang sabi ng anak ni boss walang siyang ibang kamag-anak na pwedeng puntahan sa probinsya." Wika ng pangalawang lalaki na medyo panot.

OMG. Posible kayang si Harry ang pinag-uusapan nila? Sa pagkaka-alala ko, nabanggit sa akin ni Harry na hinahanap siya ng tatay ng babaeng nabuntis niya. Bigla akong natakot, kung nasa piligro ang buhay ni Harry, delikado din ako.

Nang makapagbayad na ang dalawang lalaki ay nagmadali akong ilapag sa counter ang mga pinamili ko. Hindi ko na nagawang pansinin ang cashier nang titigan niya ako ng may pagtataka dahil sa pagkataranta ko.

Mag-aalas dos na ng matapos ako at dumiretso agad ako sa apartment. "Harry!" Sigaw ko nang mabuksan ko ang pinto. Wala siya sa sala at kusina. Nakalock ang kuwarto niya, hindi ko alam kung nandito siya.

Kumatok ako ng bahagya sa kanyang kuwarto at pagkatapos ng ilang sandali ay lumabas siya na tila kakagising. "Bakit? Anong nangyari?"

Pagod na pagod ako dahil tinakbo ko mula sa grocery store ang aming apartment. Hingal na hingal ako at hindi ako makabuo ng maayos na salita. "A-ano k-kas"

Napansin niya ang pagkahapo ko kaya pumunta siya sa kusina upang kumuha ng isang basong tubig at iniabot sa akin, "Calm down, here drink this."

Pagkatapos kong mainom ang isang basong tubig ay nahimasmasan na ako, "Sa grocery store, pinag-uusapan ka ng dalawang lalaki, papatayin ka daw nila kapag nakita ka." Ang sabi ko habang nagrerecover ako sa aking paghinga.

Tumingin siya sa may pintuan at kaagad niyang sinara ito pati na ang mga bintana. "Shit, nandito na sila." Ang sabi niya.

"Sino sila?"

"Tauhan sila ni general, kailangan ko ng umalis dito." Wika niya habang palakad lakad sa loob ng sala.

"Teka, saan ka pupunta? Malamang nasa paligid lang ang mga yon kaya hindi ka pwedeng lumabas."

"Kailangan, dahil kung hindi ako aalis, madadamay ka."

Natigilan ako bigla. Tama siya, madadamay ako. Oo malamang pati ako papatayin nila dahil witness ako. "Pero mapanganib." Pabulong kong sagot.

"Alam ko, kung hindi ako magtatake ng risk, matatagpuan nila ako dito, nasa paligid lang sila Candyd." Sa unang pagkakataon ay binanggit niya ang aking pangalan. Meron kung anong kurot sa puso ko ang naramdaman ko.

"Pero nasa panganib ang buhay mo, mabuti pa kaya ay-"

"Hindi," Tumingin siya sa akin. "Alam ko ang sasabihin mo, ang bumalik ako at harapin sila. Para ano? Para paikutin nanaman ang ulo ko? Sinasabi ko sa'yo, hindi mangyayari iyon." Galit niyang sabi habang nakikita kong umuusok ang kanyang mga tenga sa galit.

Piece of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon