FIFTEEN
"Thank you for this night. Though hindi tayo nagkaroon ng time privately." Ngumiti si Art habang inihahatid kami sa pinto.
I glance at Harry. Sa hitsura ng kanyang mukha at sa mga kinikilos niya, I know he's getting bored and above all, uncomfortable.
Wala akong ideya kung ano ang nasa isip niya ngayong nalaman niyang "boyfriend" ko si Art. Siguro iniisip niya na sinungaling ako. Pero higit pa dun, iisipin niyang bakit ako nagsinungaling in the first place? Baka bigyan niya ng kahulugan yon.
Going back to Art, sa ibang araw ko nalang aatupagin ang paglinaw ng mga bagay bagay. Hindi na kaya ng utak at katawan ko. Masyadong mahaba ang araw na to. I need sleep. Pagod na ako.
Hinarap ko ang bestfriend ko, "France, what's wrong?" Napansin kong parang wala siya sa sarili niya.
"Ngayon pa sumumpong yung migraine ko, ang sakit." Hinaplos niya ang kanyang noo.
"Kaya mo bang umuwing mag-isa?"
Hindi siya mukhang sigurado, "Oo kaya ko." Sagot niya habang patuloy niyang minamasahe ang kanyang magkabilang sintido.
Tiningnan ko ang aking relo, mag-aalas onse na. Kung ganito na lang din ka late, mabuti pang magpalipas na muna siya ng gabi sa coffee shop o sa apartment ko.
I was about to suggest that idea ngunit biglang nagsalita si Harry out of the blue.
"I can take you home."
Nagtinginan kami ni Francine, "Sigurado ka?" Tanong niya.
"Uhmm, ihahatid ko lang si Candyd and then babalikan kita."
Sumagot ako, "Ay hindi. Hindi na, kaya ko naman umuwi, malapit lang naman. Tsaka sanay naman akong umuwing mag-isa."
"Hindi, ihahatid na kita." Sumagot si Art.
Hindi na ako nagsalita. That wouldn't matter kasi kinuha na ni Art ang susi ng kanyang kotse.
"Bye Candyd, I will text you later." Niyakap ako ni Francine.
I didn't hear a word from Harry. Ano ba ang ineexpect kong sasabihin niya?
Naninikip ang dibdib ko dahil nakikita ko silang magkasama. Dumagdag pa nang ilagay ni Harry ang kanyang kamay sa bewang ni Francine para alalayan siya papasok ng taxi.
Parang kinurot ang puso ko dahil hindi man lang ako tiningnan ni Harry nang dumaan sa harapan ko ang taxi na sinasakyan nila.
Bakit nararamdaman ko ito? Hindi naman ganito dati. Wala naman siyang epekto sa akin dati. Wala talaga, kung meron man simpatya lang iyon. Pero buhat nung malaman ko ang feelings ni Francine towards him nagbago ang lahat. Para bang natakot ako, natakot akong I might lose him, though he wasn't mine in the first place.
In a span of 4 days, makatarungan na bang sabihin kong mahal ko na siya? He doesn't even know me, and the thing is mutual.
"Ready?" Tanong ni Art at na realize kong nakatayo pa rin ako sa gilid ng daan at abala ang utak ko sa pag proseso ng nararamdaman ng puso ko.
Tumango ako at pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.
"Okay lang ba kung may dadaanan tayo?" Tanong niya habang pinapaandar niya ang sasakyan.
"Sige."
Huminto ang sasakyan sa tapat ng isang bar, "You okay there or you wanna go inside? May imimeet lang ako sa loob, sort of business deal."
Business deal? Sa bar? Well siguro nag-eexpand ang business niya.
Tiningnan ko ang lugar, maraming ilaw, maingay at maraming tao. "Sasama ako." Sagot ko. Ayaw ko namang mag-isa dito, lalamunin lang ako ng imahe ni Harry at ni Francine.
BINABASA MO ANG
Piece of Heaven
Romance"Magliliwanang ang pulang kerubin kapag dumating na ang tamang taong hinahanap mo." Candyd met Harry. Hindi madaling mahanap ang taong makakasama mo habang buhay. Hindi rin totoo ang happily ever after, minsan happy lang. Walang ever after.