NINE
**Candyd's POV**
"Huwag mong kakalimutan ang dahilan kung bakit ka nandito."
Isang matalinhagang boses ang bumulong sa akin, hindi ko alam kung kanino o saan nagmumula.
Tumayo ako at nagmasid mula sa aking kinauupuan, ako ay nasa isang madilim at masikip na espasyo. "Sino ka?" Ang tanong ko.
Malamig na hangin ang umihip, nagpaikot-ikot ako ng paningin hanggang sa ilapit niya sa akin ang kanyang mukha.
Sapat na iyon upang malaman ko kung sino siya.
At doon ko napagtanto ang lahat.
…
Panaginip! Napaupo ako sa aking higaan ng magising ako mula sa isang panaginip. Mabilis ang aking paghinga at napakatulin ng pagtibok ng aking puso. Panaginip lang pala.
Pero parang totoo.
Bago pa man dumating si Harry, alam ko na at malinaw sa akin ang dahilan kung bakit ako nandito. Everything is under control, but when he came - I lost track.
I know this might sound confusing, but one day all of these will make sense.
Tirik na tirik ang araw ng bumangon ako, ngunit taliwas sa aking inaasahan, bumangon ako mula sa kama at hindi sa mahabang upuan na pinagtulugan ko. Inilipat ba ako ni Harry habang natutulog ako? How weird. Ni hindi ko man naramdaman na binuhat niya ako.
Dumiretso ako sa banyo upang makapaghilamos, at nakita ko ang isang note na nakadikit sa salamin, "I'll be back, be safe. -H"
Saan naman kaya nagpunta si Harry? Well, it must be something really important kasi hindi na niya ako hinintay pang magising.
Nang lumabas ako ng banyo ay nakarinig ako ng katok mula sa pinto. Agad akong lumapit para buksan ito.
Isang resort employee ang bumungad sa pinto, "Good morning ma'am. Mr. Lacsamana is waiting for you at the breakfast hub. He wants you to have this." Ang sabi niya at iniabot sa akin ang isang bigkis ng pulang rosas kasama ang isang pirasong papel.
Kinuha ko ng may pag-aalangan ang mga bulaklak at saka nagpasalamat sa employee. Bumalik ako sa kwarto na takang-taka. Para saan ang mga bulaklak na ito? Sa pagkakaalam ko, mamayang gabi pa ang pinag-usapan namin ni Art.
Ng buksan ko ang note, "Can't wait for tonight, lunch instead? -Art."
I sighed heavily, buti nalang wala si Harry. Kung nandito siya, hindi ako pwedeng makipagkita kay Art, not that he's going to be jealous, pero parang hindi magandang tingan. Sa tingin ko.
Nagbihis ako at agad na pumunta sa breakfast hub na tinukoy ng employee. Hindi gaanong maraming tao kung kaya't agad kong nakita si Art na nakaupo sa may bandang likuran. Humugot ako ng malalim na hininga at pumunta ako sa kinaroroonan niya.
"Good morning Art. - I mean good morning sir." Bati ko, masyado naman akong kampante na tawagin siyang Art, to think na naging boss ko pa rin siya kahit papaano at kahit sabihin pa niya na isang taon lang ang tanda niya sa akin.
Ngumisi siya at tumayo para paupuin ako, "Don't be so formal Candyd. Wala tayo sa workplace. And I prefer na tawagin mo nalang akong Art."
"Okay Art." Tugon ko.
Umupo ako, ngunit hindi ako komportable sa aking pagkakaupo, let alone sa scenario na ito. Dumating ang isang waitress para kunin ang aming order, umorder siya ng clubhouse habang ako naman ay pancakes.
BINABASA MO ANG
Piece of Heaven
Romance"Magliliwanang ang pulang kerubin kapag dumating na ang tamang taong hinahanap mo." Candyd met Harry. Hindi madaling mahanap ang taong makakasama mo habang buhay. Hindi rin totoo ang happily ever after, minsan happy lang. Walang ever after.