ONE
Hi.
Ako nga pala si Candyd. Dalawampu at apat na taong gulang. Single. Independent.
Meron akong pamilya, pero hindi ko alam kung bakit hindi kami magkasama. It's kind of complicated.
Nagtapos ako ng kursong Financial Management, pero taga timpla ako ng kape sa isang sikat na coffee shop. Layo? Kasi nga it's complicated.
Nakatira ako sa isang apartment sa sulok ng Maynila. Mag-isa, pero okay lang. Sabi nga nila, it's better to be alone but not lonely.
Simple, payak. Normal. So far.
…
Nagising ako sa malakas na boses ni Misis Gomez, ang aking landlady. Napakatining ng boses niya, masakit sa tenga. Hindi pa naman katapusan ng buwan, kaya walang dahilan ang biglaang pagpunta niya dito. Binuksan ko ang pinto habang kinukuskos ko ang aking mga matang sariwa pa sa pagkakamulat.
"Misis ang aga niyo naman, ano ho bang kailangan niyo?" Ang may pagkairita kong usisa.
"May darating na bagong uupa dito." Bungad niya.
Bagong uupa? E baka nakakalimutan niya na puno na ang tatlong unit dito. "Wala ng bakante dito Misis."
"Oo alam ko, kaya nga kita pinuntahan dahil diyan muna siya sa iyo habang wala pang bakante."
Biglang nagising ang aking diwa sa aking narinig. "Ano ho? Dito?"
"Oo, hindi ka na pwedeng tumanggi dahil nakapagbayad na siya."
"Ay di naman ata pwede yan, dapat kinonsulta niyo muna ako, karapatan ko yun."
"Ako naman ang may-ari sa paupahang ito ah!"
"Pero d-"
"Ayy wala ng pero pero kung ayaw mong matulog sa kalye. Nagbayad siya ng triple, hindi naman siya magtatagal, pansamantala lang."
Sugapa talaga sa pera. Ano pa bang magagawa ko, knowing Misis Gomez, wala talagang patawad yun lalo na kung pera ang pinag-uusapan.
Asar.
"Oh ikaw ng bahala diyan at maninigil pa ako ng pa 5-6 ko." Sabay alis.
Umuusok ang ilong ko sa galit nang pumasok ako sa apartment. Kung hindi lang talaga maganda ang ventilation ng lugar na ito ay aalis ako. Wala naman kasi akong mahanap na iba na walking distance lang sa trabaho ko.
Pumasok ako ng spare room kung saan maglalagi ang bagong uupa. Nakakahiya naman daw kasi nagbayad siya ng triple. Inayos ko ang kwarto niya at nilinis ang mga gamit na puno ng alikabok.
Makalipas ang dalawang oras, nakarinig na ako ng katok mula sa harapang pinto.
I adjusted myself and took a deep breath. Sana naman maayos ayos na babae ang makakasama ko.
Ngunit nang buksan ko ang pinto. OMG. Nanlaki ang mga mata ko sa taong bumungad sa harapan ko.
Isang lalaki. Maraming tattoo. Medyo long hair. Dressed in black sweat shirt at black skinny jeans na puro butas naman sa parte ng tuhod.
"Ikaw?" Ang nagulat kong tanong.
"Oo, bakit?" Sagot niya habang ngumunguya ng chewing gum.
"Teka hindi pwede, hindi tayong pwedeng magsama sa iisang bubong. Ano to live in?"
"Hindi kita papatulan, kaya tumabi ka diyan at papasukin mo ko." Sagot niya.
Rude! "Wait!" Sumigaw ako at marahang itinulak siya sa dibdib na ikinagulat niya.
BINABASA MO ANG
Piece of Heaven
Romansa"Magliliwanang ang pulang kerubin kapag dumating na ang tamang taong hinahanap mo." Candyd met Harry. Hindi madaling mahanap ang taong makakasama mo habang buhay. Hindi rin totoo ang happily ever after, minsan happy lang. Walang ever after.