Chapter 10

30 0 0
                                    

TEN

Napagod ako sa kakalutang sa tubig at medyo nanakit na ang aking mga binti kaya nagpahatid na ako kay Art pabalik sa cottage.

It was a day well spent - somehow.

Mabait si Art, at nararamdaman kong mahal niya ako.

But he's simply not made for me.

Alas siete na ng gabi, bakit kaya wala pa si Harry? Bigla akong kinutuban. May masama na kayang nangyari sa kanya? Wala naman sana.

The night is young pero bumibigat na ang mga mata ko. I am slowly drifting off to sleep ng biglang… 'Knock knock'

"Mang Freddie?" Ang gulat kong tanong sa taong bumungad sa pinto. "Ano hong ginagawa niyo dito?"

Mukhang pagod na pagod siya, "Si Harry," tanging nasambit niya.

"Halika po, pasok muna kayo."

Kinutuban ako sa balitang maaari niyang dala. Kumuha ako ng isang basong tubig para kumalma siya, at para masabi na niya ang kanyang gustong sabihin.

"Si Harry, umuwi siya kaning umaga sa resthouse. Galit na galit, may kinuha siya sa kanyang kwarto, hindi ko alam pero parang baril. Pagkatapos non, umalis na siya."

Lumukso ang puso ko nang marinig ko ang huling salita. Hindi ko mapigilang mag panic.

"Nasaan po siya ngayon? Anong nangyari sa kanya?" Ang tuloy tuloy kong tanong. Hindi na ako mapakali kaya't nagpalakad lakad ako sa maliit na espasyo. 

"Huminahon ka iha, ang bilin niya sa akin kapag hindi pa siya nakakauwi bago sumapit ang gabi ay sunduin kita dito at ihatid sa terminal ng bus pa Maynila. Kaya nandito ako ngayon."

"Ano ho? Pero bakit?" Nagtataka ako kung bakit ganoon ang gustong mangyari ni Harry.

"Hindi ko din alam iha, pero kung gusto mo, samahan mo ako sa paghahanap."

"O sige ho, sandali lang at mag-iimpake lang ako."

Habang inilalagay ko sa aking bag ang aking mga gamit ay naririnig kong nagpupumiglas ang pintig ng aking puso. Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ganito?

"Saan natin siya hahanapin?" Tanong ko habang papalabas kami ng resort. Mabuti na lamang at na-isettle na ni Harry ang bills kaninang umagang umalis siya. Para bang planado na niya ang lahat.

Nagpalinga linga si Mang Freddie sa daan, "Siguro mainam na bumalik muna tayo sa resthouse. Baka sakaling nakauwi na siya."

Wala kaming sinayang na oras. In no time, nakarating kami sa resthouse. Tama siya, nandito nga si Harry dahil nasa doormat ang kanyang mga sapatos.

"Aakyat muna ako, titingnan ko kung nasa kwarto siya." Wika ni Mang Freddie.

"Sasama ako."

Sarado ang pintuan ng kwarto ni Harry. Dahan dahan itong binuksan ni Mang Freddie. Nang buksan niya ito at sindihan ang mga ilaw, napaurong ako sa aking nakita.

Nakaupo si Harry sa tabi ng bintana. Katabi niya'y mga bote ng beer, at sa kanyang kamay ay isang baril.

"Harry!" Sumigaw ako at napaatras sa aking kinatatayuan.

"Sige na Candyd, bumaba ka na muna. Ako ng bahala dito." Ang sabi ni Mang Freddie.

"Pero hindi, kakausapin ko siya."

Tinitigan ako ni Mang Freddie, ang kanyang mga mata'y nangungusap. Inuutusan nila akong umalis.

"Bumaba ka muna Candyd, ako ang higit na nakakakilala sa kanya."

Piece of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon