Chapter 6

47 3 0
                                    

SIX

**Candyd's POV* *

Nagising ako ng maaga kumpara sa inaasahan. Agad kong pinakiramdaman ang paa ko, hindi na ito kumikirot at isang tableta lang ng pain reliever ay back to normal na ang paglalakad ko.

Habang abala ako sa pag-aayos ng aking pinaghigaan, 'Knock knock.' Binuksan ko ang pinto, si Harry.

"Good morning," bati ko. "Tuloy ka."

"Morning, kumusta na ang paa mo?" Ang sabi niya na bakas sa kanyang boses ang pag-aalala.

"Okay na, hindi na gaanong masakit. Salamat nga pala kagabi."

"Saan ka ba kasi nagpunta at bakit bigla kang nawala?"

Sa totoo lang gusto kong sabihin sa kanya na kaya ako nawala dahil hinabol ko ang isang paru-paro. Pero naisipan kong huwag nalang, baka pagtawanan niya lang ako. Kaya naisipan kong magsinungaling na lang. "Nainip kasi ako habang nag-uusap kayo ni mang Freddie kaya yun naisipan kong maglakad, hindi ko namalayan na nawawala na pala ako."

Nagbuntung hininga siya, "Dapat kasi sa susunod kung meron kang gustong puntahan e nagsasabi ka. Hindi yung basta basta ka nalang umaalis. See, nawala ka tuloy."

I was touched by his words. Concerned ba siya sa akin? Hindi ko maiwasang hindi maramdaman ang namumuong kilig sa tuwing may ginagawa o sinasabi siya para sa akin. Hindi ko din maintindihan ang sarili ko this past few days kung bakit bigla ko nalang nararamdaman na parang nagugustuhan ko na siya.

"Hey Candyd?" Bigla akong nawala sa sarili ko, hindi ko namalayan na kinakausap niya pala ako.

"I'm sorry what were you saying?" Ang tuliro kong tanong.

"Ang sabi ko, let's have breakfast. Lumabas ka na dyan." Ang sabi niya habang palabas ng kwarto.

Paglabas ko ay nakahanda na ang almusal. How thoughtful of him. Napakaswerte ng mga naging girlfriend niya. Maalaga siya.

"May lakad ka ba ngayon?" I asked him while I took a bite of my sausage.

Nag-isip siya ng kaunti. "Wala bakit?"

"Wala naman, I was just wondering kung may dagat ba malapit dito?" Hindi ko alam kung bakit bigla na lang nag pop sa akin ang tanong na iyon.

"Hmm yeah, about an hour away. Why? You wanna go there?"

Nanlaki ang mga mata ko sa posibilidad na makakapunta kami ng dagat. But I'm not putting my hopes up, nandito kami para magtago sa mga humahabol kay Harry. "Can we?" Tanong ko na may katiting na pag-asa.

"Yeah, we can. Bilisan mo na dyan, we will go to the beach." Ang napaka pormal niyang sambit.

Bigla akong naging hyper at excited. Hindi ako makapaniwala. "Really? Thank you Harry!" Napatayo ako sa sobrang tuwa at hindi ko namalayan na niyakap ko pala siya. Awkward.

Agad akong kumawala at inadjust niya ang sarili niya. "Sige na, tapusin mo na yan at may aayusin lang ako." Ang sabi niya sabay tungo sa kanyang kwarto.

Nagmadali kong tinapos ang paghuhugas ng mga plato at konting paglilinis. Pagkatapos ay pumunta na ako sa kwarto ko upang makapaghanda. Inilabas ko ang aking bag at nagpack ng mga basic necessities. Sayang naman at hindi ako nakapagdala ng mga damit na babagay sa beach. Unexpected naman kasi.

"Ready?" Dumungaw si Harry sa pintuan ng aking kwarto.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Okay na siguro to. "Oo, lalabas na ako."

Naka shorts ako at pink na tank top. Habang si Harry naman ay dressed as usual. "Wala ka bang ibang damit?" Ang nagtataka kong tanong kung bakit black sweatshirt at butas na pantalon ang palagi niyang suot.

"Marami akong ganito, bakit sa tingin mo hindi ako nagpapalit?"

"Hindi naman sa ganon, nagtataka lang kasi ako kung bakit lagi nalang color black, may ibang kulay naman tulad ng blue or white."

He stared at me slightly annoyed. Kaya agad kong binawi ang sinabi ko, "Actually maganda talaga ang black. Bagay sa'yo." Ang sabi ko at binigyan ko siya ng pilit na tawa.

Pagkatapos ng byahe ay nakarating din kami sa isang beach resort. Agad kaming sinalubong ng mga attendant na nakasuot ng mga bulaklaking damit. "Good day Sir/Ma'am, welcome to Biene Venida Beach Resort." Ang bati ng isa sa mga attendant.

Madami pa rin ang mga tao kahit na hindi na summer. Kalagitnaan na ng nobyembre pero may mga nagtatampisaw pa rin. Pumunta si Harry sa front desk habang ako naman ay naghintay sa lobby ng resort. Kumuha ako ng isang magazine at nagbasa.

"Candyd?" May isang pamilyar na boses na tumawag sa pangalan ko kung saan.

Nagpalinga-linga ako kung kanino at saan nanggaling ang boses na tumawag sa pangalan ko. Hanggang sa makita ko siya. Omg. "Sir Art? A-ano pong ginagawa niyo dito?" Ang gulat na gulat kong tanong.

Hindi ko rin maipinta sa kanyang mukha ang pagkagulat. "Meeting business partners. How about you? Diba ako dapat ang magtanong nyan sa'yo? What are you doing here Candyd?"

Patay. Lagot na. Anong sasabihin ko? Nararamdaman kong namumutla na ang aking mukha at bumibilis ang pintig ng aking puso. Isip Candyd, dali. "Biglaan po kasi ang pagdating ng pinsan ko from London, nandito po kami para mamasyal. I'm very sorry sir Art, di ko na nagawang magpaalam sa inyo." How stupid ng alibi ko, pero sana bumenta.

"Ganun ba? What a coincidence, of all places dito pa tayo magkikita." Tila winalang bahala niya ang pag-alis ko ng biglaan sa trabaho at pinagtuunan ng pansin ang pagkikita namin.

"Oo nga po sir what a coincidence nga po eh." Sana pala hindi na ako nagyayang pumunta ng beach. Hay.

"Candyd let's go." Nagulat ako ng biglang hablutin ni Harry ang kamay ko sa harap ni Art. Hindi niya siguro napansin na nag-uusap kami.

Bahagya kong itinanggi ang kamay ko sa hablot niya, "Ahh sir Art, si Harry nga po pala pinsan ko." Pinakilala ko siya.

Kumunot ang noo ni Harry na tila naguluhan sa mga pangyayari. Siniko ko nalang siya para makiride sa palabas ko.

"Oh hi Harry." Ang bati ni Art habang inaalok ang kanyang kamay kay Harry.

Tumango naman si Harry at inabot ang kanyang kamay na takang taka pa rin sa mga kaganapan.

"See you around Candyd." Ang paalam ni Art nang biglang mag ring ang kanyang cell phone.

"Sige po." Ang mahina kong sagot.

Nang humarap ako kay Harry ay nakakunot pa rin ang kanyang noo na tila naghihintay ng explanation. "Okay what was that Candyd? Sino yung lalakeng yun?"

"Tsk. Boss ko yun sa naiwan kong trabaho sa Manila. Hindi ko akalain na nandito din siya."

"So? Bakit mo ako pinakilalang pinsan mo?"

"Ewan ko, nataranta kasi ako kaya wala akong ibang maisip na dahilan kung bakit nandito ako. Isa pa may atraso ako sa kanya, hindi ako nagpaalam sa trabaho. Bigla akong nawala."

"Okay, I got your point. Pero bakit pinsan?"

Bakit ba issue kay Harry na pinakilala ko siyang pinsan ko? "Yun ang unang pumasok sa isip ko okay? Let's drop this na lang."

Nagbuntung-hininga siya. "Okay."

"I'm sorry sir but we only have one room available." Ang narinig kong sabi ng attendant kay Harry.

"Okay we'll take it." Sumagot naman si Harry. Seryoso siya? Magshashare kami ng room?

Inasisst kami ng attendant papunta sa aming kwarto. Binigyan siya ng tip ni Harry at saka na ito umalis. Isa lang ang kama, king-sized ito so para talaga ito sa couples. But how? Hindi kami magkarelasyon ni Harry. Hindi ko alam kung kaya kong tumabi sa kanya. Assuming! Hindi mo nga alam kung kaya ka din tabihan ni Harry. Ang bulong ng pakialamera kong konsensiya.

Piece of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon