Chapter 11

29 0 0
                                    

ELEVEN

Lagi na lang ganito ang scenario.

Maglalasing siya pagkatapos ililigpit ko ang mga pinag gamitan niya.

Isa-isa kong pinulot ang mga bote ng beer na nagkalat sa sahig. Pinunasan ko din ang mga natapong kalat sa mesa.

Hinilamusan at binihisan ko siya habang nasa state of alchohol ang diwa niya. Di gaya noong unang kita ko sa katawan niya, ngayon komportable na ako.

I trace my fingers through his tattooed skin. He might seem tough, a fighter o gangster, but he has a soft and fragile spot. Isang spot sa buhay niya na siya lang ang nakakapasok.

Marami pa akong hindi alam sa kanya. Kung bakit ang bilis magbago ng kanyang mood. Ngayon masaya siya, the next day depressed and suicidal na.

Though he put up walls between us, hindi ibig sabihin na ayaw niya akong papasukin. I know he built those walls to see who has the courage and is strong enough to break those boundaries.

At iyon ang susubukan kong gawin.

Bagama't hindi malinaw kay Harry ang deal na tinutukoy ko, sumang-ayon siya. Alam ko na kahit walang kasunduan, hindi niya kayang kitilin ang kanyang sariling buhay.

Maaaring hindi, maaaring rin namang oo.

Hindi ko rin masasabi, ramdam ko lang.

Mahimbing na ang tulog ni Harry nang lumabas ako ng kwarto niya. Pinilit ko siyang bantayan hanggang makatulog kahit na anong pilit pa niyang palabasin ako ng kwarto.

Paglabas ko ay sinulyapan ko ang isang malaking wall clock na nakasandal sa dingding - past twelve na.

Buhat nang magkakilala kami ni Harry, hindi ko na maalala kung kailan ako kumain ng tatlong beses sa isang araw. Deprived na din ang tulog ko kahit wala na akong night duty.

Napapabayaan ko na talaga ang katawang ito.

"Kumusta na siya?" Ginulat ako ng boses ni mang Freddie na nakaupong nagkakape sa may kusina.

"Okay na po siya - siguro. Hinintay ko na muna siyang makatulog bago ako bumaba."

"Mabuti naman."

Kumuha ako ng tasa sa cabinet at tinimplahan ko ng kape. Tumabi ako kay mang Freddie dahil marami akong gustong malaman.

"Ahh, si Harry po," Umpisa ko habang humihigop ng mainit na kape. "Bakit palagi siyang malungkot? Nung magkasama kami sa resort naikwento niya ang tungkol sa kanila nung nakarelasyon niyang babae, pero sa tingin ko hindi lang yun. Hindi lang yun ang pinanggagalingan niya."

Na sense ko ang pag-aalangan niya dahil pabalik balik ang naging tingin niya sa tasa at sa akin.

"Hindi ko alam kung nasa lugar ako para magkwento." Wika niya.

Natahimik ako ngunit agad ding nagsalita, "Alam ko pong matagal din kayong nanilbihan sa pamilya nila at napamahal na si Harry sa inyo. Sa mga ganitong pagkakataon, iisa lang po ang nais nating mangyari, ang tulungan siya."

"Parang anak na rin ang turing ko kay Harry kaya lubos din akong nagdamdam nang magka ganyan siya. Siguro maigi na ring malaman mo, dahil ikaw lang ang nakapag pa amo sa kanya." Ibinaba niya ang kanyang hawak na tasa ng kape at nagbuntong hininga.

"Masayahin at palangiti si Harry buhat noong bata pa siya, tuwang tuwa nga ang mga tao sa paligid niya kapag ngumingiti siya, kitang kita kasi ang ang mga dimples niya. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon nang maaksidente si Misis, ang nanay niya."

Ano?

"Aksidente?"

"Oo, noong nakaraang taon nagkaroon ng matinding away ang mga magulang niya. Tandang tanda ko pa ang gabing iyon, umuulan at walang tigil ang kidlat. Umalis ang nanay niya gamit ang kotse at sa kasamaang palad ay bumangga ang sinasakyan niya sa isang truck - na siyang kumitil sa buhay ng kanyang ina."

Nabigla ako sa kwentong salaysay ni mang Freddie. Bakit hindi ko alam? Bakit hindi sinabi ni Harry sa akin?

Nagpatuloy siya, "Namatay ang nanay niya pero ni isang patak na luha walang tumulo sa kanyang mga mata. Naging tahimik siya at hindi nagsalita. Ipinasok siya ng kanyang ama sa isang institusyon, sabi ng mga doktor, kailangan niyang umiyak at magluksa dahil hindi maganda ang epekto sa taong nawalan kapag hindi ito dumaan sa tamang paraan."

"Tapos ho anong nangyari?"

"Bigla siyang nawala. Naglaho siyang parang bula, ika nga nila. Bumalik na lamang siya nitong mga nakaraang buwan. Muntik ko na nga siyang hindi makilala dahil sa paraan ng kanyang pananamit at sa kanyang mga tattoo sa katawan."

"Ano ho ang dahilan kung bakit siya bumalik?"

Tumingin siya sa kisame na para bang inaalala ang mga pangyayari, "Sa pagkakaalam ko, dahil kay Fiona."

Ang kanyang ex.

"Fiona?" Nagkunwari akong hindi siya kilala, which is totoo naman.

"Oo, bata palang sila magkaibigan na. Naalala ko nga noon madalas silang maglaro sa isang tree house na katabi ng ilog. Pero nang magdalaga si Fiona ay umalis din sila dito. Kaya ng bumalik siya, parang nakakitaan ko ng pag-asa si Harry."

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Alam kaya ni mang Freddie ang naging kinahinatnan nilang dalawa ni Fiona? Nanatili akong walang imik.

"Ang ama naman niya ay nagpatuloy sa kanyang pambababae at iba pang bisyo. Tila hindi niya ininda ang pagkawala ng asawa niya, pati ng nag-iisang anak niya na si Harry."

"Sa totoo lang mang Freddie, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko inaasahan ang mga narinig ko."

"Kailangan ka ni Harry, huwag mo siyang iiwan."

"Opo."

Sa mga narinig ko, dumoble ang pagnanais kong tulungan si Harry. Hindi man ako ang taong gusto niya, sisiguruhin kong ako ang taong kailangan niya.

Nagtungo ako sa sala nang matapos na ang pag-uusap namin ni mang Freddie. Nilapitan ko ang mga paintings na una kong nakita nang unang dumating ko sa rest house na ito.

Ngayon mas malinaw na sa akin ang mga kwento sa likod ng bawat larawan.

Umakyat na ulit ako sa aking kwarto.

Binuksan ko ang kurtina ng bintana at hinayaang dumaloy ang hangin mula dito.

Tanaw na tanaw ko ang mga bituin.

Umupo ako sa may gilid ng kama at kinuha ko ang aking bag. Mula dito, kinakapa ko at inilatag sa aking mga kamay ang kerubin.

"Ngayon alam mo na kung bakit siya ang taong itinakda para sa iyo."

Piece of HeavenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon