"Nakita kong may kasama kang lalaki kanina." Aniya at natulala lang ako sakanya.
"Who's that boy?" Tanong niya. "Ah.. a-ate, si M-Marky, boyfriend ko." Aniko. "As in, boy na f-friend. O-oo." Dugtong ko.
"Ahh. So, friend yung tawag mo dun? Yung nagsha-share kayo ng ice cream tapos lalaki pa talaga." Aniya. "A-ate. May gagawin pa kasi akong...uhm, homework. Bye." Aniko at agad na umalis. Alam kong awkward.
So ayun, hindi talaga ako gumawa ng homework dahil wala namang homework.
Kinuha ko nalang phone ko at binuksan ang Messenger. Nagtaka ako bigla kasi si Jeremy, hindi na niya ako chinachat o kaya kinakausap. Hindi na niya ako pinansin simula nung mag-kasama kami ni Marky. Ano kayang meron?
Nakita kong online siya (Jeremy) , kaya napag-isipan kong i-chat siya pero, pinangunahan ako ng kaba at takot. Takot, dahil baka may galit siya sa akin at i-seenzone lang niya ako.
Hanggang sa chinat ako ng bestfriend kong si Anne.
can we call?
-Anne-ak ko.
Tinawagan ko siya at agad niya 'tong sinagot. Nag-usap at tumawa-tawa lang kami hanggang sa minensyon niya si Jeremy.
"Ka-chat ko si Jeremy, teka lang." -aniya.
"Uy Ella, tinatanong niya kung kamusta daw kayo ni Marky, oh." -aniya at biglang tumibok ang puso ko kasabay ang pag-init ng pisngi ko. Pero, tinanong ko ang sarili ko, Ba't niya 'yon natanong?
"Sabihin ko ayos lang kayo?" -tanong niya at napa-tango lang ako.
"Ang tahimik mo. Boring tuloy." -she said, snapping me out of my thoughts. I shooed the thoughts away and started being crazy in-front of her. Sinabayan niya lang ako, ganyan ang normal na relasyon ng mga magkatalik na kaibigan.
-School-
Normal lang ang nangyari sa umaga. Pagpasok mo sa klasrum, babatiin ka ng mga ingay na halos masira ang pandinig mo, makikita mo ang mga kaibigan mo na nag-uusap-usap, makikita mo ang dating in-love sa'yo, palaging nakatutok sa cellphone niya at naka-ngiti pa at lastly. Syempre, babatiin ka ng besprend mo.
Half-day lang ako ngayon pero, ayaw kong mananghalian sa bahay kaya kasama ko si Anne para maglakwatsa kaming dalawa. Si Marky, hapon na siya pumapasok kaya hindi na kami masyadong nagkikita.
Habang hinihintay namin ni Anne ang order namin, nakita ko si Jeremy at Natalia. Magka-holding hands. It broke my heart and i don't know why.
---
Nag-lakad lang kami sa buong mall, shopping for clothes and shoes, just for nothing.
Hanggang sa makita ko nanaman siya, this time, nag-tama ang tingin namin. Ang nararamdaman ko ay parang 'yong nararamdaman ko noon.
My heart, violently beating. My cheeks are turning red and i feel like it's burning. My surroundings, disappeared and the only person i could see is him.
Siya lang talaga. No one else, except him.
Nagtanong bigla ang utak ko...
In-love pa ba ako sakanya?
BINABASA MO ANG
The First Guy Who Made Her Fall In Love
Teen FictionI'm Micaella Bautista, I fell Inlove with this guy named, Jeremy. Una ko siyang nakita noong highschool and I met him in College again. Plus, first love ko siya. When my worst enemy came, she's Natalia, Jeremy's EX Girlfriend. She hates me. I hate h...