Thirty-four: Sorry not sorry.

45 5 0
                                    

Nasa park kami ngayon ni Jeremy at naka-upo sa bench habang kumakain ng Ice Cream.

"Mica, alam mo ba?" biglaang sabi niya, nilingon ko siya. "Hm? Ano?"

"May sasabihin kasi ako sayo.." aniya. "Sige, makikinig ako."

"Noong highschool? Crush kita noon pa. Since, noong Prom Party natin, kasi, nung una talaga kitang nakita nun...parang nakakita ako ng totoong diwata

"Na-Love at First Sight ako sa'yo noon. Sulyap ako ng sulyap sayo habang kausap mo ang mga kaibigan mo. Gusto ko nga na...sana isa din ako sa mga highschool friends mo noon.

"At, natandaan ko pa, kakausapin na sana kita pero naunahan ako ni Marky. Naka-upo lang ako sa lamesa ko noon habang nagsa-sayaw kayo nun. Pinagma-masdan ko lang kayong dalawa noon habang ako ay nagseselos.

"Naalala mo pa noong tinulungan kita sa nabasa mong blouse noon? Nanghingi pa ako sa office noon, para lang sa blouse mo.

"Yung palagi tayong nagkaka-salubong sa hallways, tapos wala lang, walang pansinan. Pero, aamin ako sa'yo, i find it cute whenever your head are down tapos makakakita ako ng pulang tinta sa pisngi mo noon which makes you cuter.

"Napansin mo ba na sulyap ako ng sulyap sayo? Tuwing mag-isa ka at nakakasalubong kita, i admire you for a while then leave.

"Then, nakita kita bigla sa Mcdonald, grabe! Malakas ka pala talaga kumain!"

Hinampas ko siya at tumawa siya, sinimangutan ko lang siya.

"Then I finally made the first move, kinausap
kita nung mag-isa ka. 'Cause i feel like you're so lonely there sitting on the swing kaya tinabihan kita.

"That's when I knew, kalog ka pala. You look very serious pero 'pag kilala mo na talaga, sobrang kalog at may good sense of humor which perfectly describes my Ideal Type.

"Grabe, napaka-sarap mong kasama. Later that night, palagi na kitang iniisip at gusto kitang i-chat at 'di ako mapakali kaya chinat nga kita.

"Okay, college days, noong nasa cafeteria ka at nagkabungguan tayo? Grabe, napatulala ako sa ganda mo habang nag-uusap tayo.

"At noong kumanta ka? Napahanga mo ako ng sobra! Ang ganda ng boses mo.

"At magaling ka rin pala magluto, maghugas at maglaba."

"Huh?! Paano mo nalaman?" i asked. "Sabi mo noong chinachat kita at hindi ka sumasagot, yung sabi mo, naglaba ka ng damit, naghugas ka ng plato kaya hindi ka naka-sagot agad. Nakaka-inlove para sa'kin ang mga ganon na babae." aniya.

"And yeah, noong last week, inimbitahan mo ako sa bahay niyo gumawa ng Pancakes, magaling ka pala. Tapos tinulungan mo pa mama mo noon sa pagluluto, grabe! Na-inlove ako!

"Gusto na nga kitang pakasalan eh pero maaga pa masyado." aniya.

"Ay sus!" aniko at hinampas ko balikat niya. "Hahaha oo nga." aniya at uminit nanaman pisngi ko!

Nagtatawanan lang kami dahil sa ka-sweetan ni Jeremy hanggang sa umambon.

Unti unti itong lumalakas.

Tinanggal ni Jeremy ang kaniyang jacket at ipinatong niya sa aming dalawa papunta sa convenience store na pinagbilihan namin ng ice cream.

"Jeremy, bibili lang akong snacks, gutom nanaman ako eh." aniko. "Hayst. Sige na nga." aniya.

I

Bumalik na ako at nakita ko na naka-balot ang kamay ni Natalia sa leeg ni Jeremy at si Jeremy naman ay tinititigan lang siya. Wala man lang siyang magawa.

Lumapit ako sakanila. "Putangina mong babae ka! Napaka-landi mo, hindi ka man lang mahiya!" hawak ko ang kamay niya ng sobrang higpit, leaving red marks.

"Kung gusto mo ng ka-relasyon, maghanap ka ng sarili mo! Hindi 'yung mang-aagaw ka!" sigaw ko ulit. "Hindi 'yung makikipag-flirt ka sa lalaking alam mo na may girlfriend na!" aniko.

Kinuha ko ang kamay ni Jeremy and i intertwined my fingers with his. Nilayo ko siya kay Natalia.

"Sorry not sorry. But, fuck you bitch." is the last thing i said bago kami sumakay ni Jeremy sa taxi.

II

"Nakakainis talaga yung babaeng 'yun!"

"Chill lang, babe." aniya at huminga ako ng malalim. "Paano ako makaka-chill kung inaagaw ka niya sa'kin?! Gusto mo bang magpa-agaw?!"

"Ayaw ko. Sa'yo lang ako at ikaw ay akin lamang. Walang makakatalo ng pagmamahal mo sa'kin, tandaan mo 'yan." aniya na pinabago ang mood ko.

"Ikaw naman. Wala kang ginawa! Kahit ilayo mo lang siya sa'yo! Parang gustong-gusto mo naman! Wala na nga kayong personal space! " i said.

Tumayo ako sa upuan ko at umupo sa sofa. Lumapit siya sa'kin at lahat ginawa niya para lang hindi na ako magalit.

"Babe...sorry na." aniya. "Hmph!"

Bigla niyang kinuha ang phone niya at pinatugtug ang Bboom Bboom at in-skip sa chorus.

Give it to you my nununununnun

(a: di ko alam)

Sinayaw niya at hindi ko mapigilang tumawa, mukha kasi siyang bakla.

Tumayo ako sa upuan ko at niyakap siya at hinalikan sa pisngi. "Sige na, bati na tayo."

The First Guy Who Made Her Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon