Ten: Past is past

101 4 0
                                    

"Bye ma!" hinalikan ko ang pisngi ni mama at nag-lakad papunta sa waiting shed.

May nakita akong jeep at pinara ko ito.

"Mica, bakit ka naka-jacket?" tanong ni Anne sa akin. Binaba ko ang bag ko sa upuan ko bago sumagot. "Ah..Ni-nilalamig kasi ako." pagsisinungaling ko, tumango naman siya.

"Good morning class." bati ni Teacher at nag-simula na ang klase.

Break time na namin at pumunta kami ng mga kaibigan ko sa tambayan namin.

"Uhm..bili muna ako ng pagkain, naubusan ako, e." ang sabi ko at napatawa kami. Pagkatapos nun, bumaba ako para pumunta sa canteen.

Pagdating ko, sinalubong ako ni Cyrus at binigyan ako ng fries. "Para sa'yo, Mica." nahihiya niyang sabi at umalis.

Nakita ko si Jeremy at naka-tingin siya sa akin, nakita ko ang galit sa mata niya, naka-pokerface pa siya sa akin.

"Thank you po." aalis na sana siya sa canteen pero, tumigil siya sa gilid ko at lumapit sa tenga ko. "Mag-ingat ka kay Cyrus." diin niyang sabi at umalis.

Anong meron dun?

Babalik na sana ako sa taas nang may sumigaw, "Break time is over!" sigaw ng isa sa kaklase namin at lahat kami ay pumasok sa loob para sa next lesson.

"Saan ka kakain, bes?" tanong ni Anne habang tinatanggal ko ang inside slippers ko, nilingon ko siya."Kung saan ka kakain." ang sinabi ko.

"Sa canteen.." ang sagot niya at tumango ako. "Ako din. Sige na. Mag-c-cr pa ako." sabi ko at umalis na siya.

Lumayas ako sa klasrum at dumiretso sa 3rd floor para lang mag-cr. Sa 3rd floor lang kasi ang may malinis na CR.

I was just a humming my favorite song while peeing until may narinig akong may nag-sara ng pinto.

Nang natapos ako, nag-flush ako at nag-hugas ng kamay, nakita ko na naka-sara ang pinto, sinubukan ko itong buksan ngunit ayaw at nag-simula na akong kabahan.

Kalabog ako ng kalabog sa pinto ngunit 'di parin ito mabuksan.

Naalala ko noong 6-taong gulang palang ako, kinulong ako ni papa sa isang kwarto, wala si mama, may kasama siyang ibang babae noon.

Nag-simula akong umiyak nung may narinig akong mga ingay galing sa kwarto ni papa.

Nakulong ako doon for 2 days at sobrang gutom na gutom ako noon. Hindi ako naka-labas noon sa kwarto at 'di ko magawang maka-labas, dahil sa tuwing lalabas ako, papaluin ako.

Dumating na din si mama nun at narinig niya na umiiyak ako habang pinapalo ako ng kasama na babae ni papa, nasa work si papa noon.

Kinaladkad niya ang babae hanggang sa labas ng bahay at tinulungan ako ni mama. Hindi ko alam kung bakit nag-stay parin si mama kung alam niyang nang-babababae si papa noon.

Tears roll down my cheeks.

Biglang may nag-bukas ng pinto at napa-tingin ako. Si Jeremy.

Tumakbo siya sa akin nang nakita niya na nasa isang gilid lang ako at umiiyak.

Niyakap niya ako ng mahigpit at pinunasan ang mga luha ko. "Anong nangyari sayo? Nasaktan ka ba? Ayos ka lang ba?" sunod-sunod niyang tanong at dahil sa pag-aalala niya, tumigil ako sa pag-iyak at tinitigan ko lang siya.

"Jeremy," suminghot ako ng hangin. "Thank you dahil dumating ka. You're m-my sa-sav-vior.." ang sabi ko.

Niyakap niya ulit ako ng mahigpit, and that made my heart beat like crazy.

"Ganyan ka ba matatakutin?" ang tanong niya. "May nangyari kasi..sa akin..noon." ang sabi ko. "I want to know." seryoso niyang sabi.

"Sabay nalang tayong kumain at sasabihin ko sayo lahat!" ngumiti ako at pati din siya.

"Funny ka pala." ang sabi ko sakanya habang kaming dalawa ay tumatawa at nakita ko siyang naka-titig sa akin habang tumatawa kaming dalawa.

"So, ano yung story mo? Bakit ka natatakot kanina?" nawala ang ngiti ko. "It's okay if you don't want me to knowㅡ"

Sinabi ko sakanya ang istorya ko noon habang pumapatak ang luha ko. Pagkatapos, lumapit siya at pinunasan ang mga luha ko.

"Past is past, Mica." i gave him a faint smile. "Matagal na yun, kalimutan mo na." ang sabi niya at niyakap niya ako. "Thank you so much for...being there for me..." ang sabi ko sakanya sa kalagitnaan ng yakap namin.

"Welcome."

----------

Lumabas ako sa library at nang binuksan ko ang pinto, nakita ko si Cyrus, hinawakan niya ang balikat ko at malakas na tinulak ako sa pader.

"Cyㅡ" naputol ako dahil bigla siya lumapit sa akin at inamoy ang scent ko. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay and he intertwined our fingers together, inilagay niya ang aking mga bisig sa pader at lumapit sa tenga ko.

"Why do you make me feel this way, Mica?" he seductively whisper. May naramdaman akong kamay na humablot sa isang bisig ko.

Napatingin naman kami sa lalake na 'yon at nanlaki ang mata ko.

Binaba ni Cyrus ang kamay ko pero hawak parin ito, hawak na nilang dalawa ang kamay ko.

"Hands off, she's mine."

The First Guy Who Made Her Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon