I opened my eyes and was greeted by the sunrise. Tumingin ako sa tabi ko at nakita si Jeremy na natutulog.
Natulog kaming dalawa sa isang kama?!
Wala namang problema dun. Nakakakilig lang.
I checked what time it is and it's only 5:56 in the morning. "Babe. Gising na po." Inalog-alog ko si Jeremy hanggang sa magising siya.
"Anong oras na?" tanong niya. "5:56" sagot ko.
Tinignan niya ang sarili niya. "Hala! May pasok ba ngayon?" tanong niya at tumango ako. "Hala! Wala akong uniform! Siguro nag-aalala na sila mama ngayon!" Nag-simula na siyang mag-alala at ma-stress.
"Alam ni mama mo na dito ka nagpalipas ng gabi. Sinabi ko sakanya." Aniko at medyo kumalma naman siya. "Eh paano, naka-uniform pa ako. Makikiligo ako sainyo? Nakakahiya naman yun." Aniya.
"Kaya nga pumunta ka na sa bahay niyo." aniko. "Ok, ok." Lumapit siya sa akin at hinalikan ang noo ko bago umalis.
Nang maka-alis siya ay nakita ko ang batsa na may basang tuwalya at tubig. Naalala ko kagabi,
inalagaan niya pala ako at medyo magaling na ako ngayon.Tumayo na din ako sa kama ko at nag-ayos.
I
"Good morning, Mica. Ayos ka lang ba? Kasi sinabi sa akin ni Jeremy na sinabunutan ka ni Natalia kahapon. Bugbugin natin siya, gusto mo?" tanong ni Athena.
I giggled. "Wag na." I said with a smile.
II
Finally! Tapos na din yung quiz.
Lahat ng kaklase ko ay nakauwi na maliban sa akin ay kay Natalia. Nandito pa si sir sa klasrum nang bigla siyang umalis.
Inaayos ko naman yung bag ko at palabas na sana ako sa klasrum nang makita kong may nilabas na matulis si Natalia. Kaming dalawa lang din nandito sa klasrum.
"N-Natalia...a-ano yang nilabas mo?" tanong kong nanginginig.
Lumapit siya sa akin at tinulak ako sa pader at naglabas siya ng kutsilyo.
"N-Natalia—" tinakpan niya ang bibig ko. "Any last words? Pagkatapos nito, masaya na ako." aniya.
Syempre, lumaban ako. Sinipa ko ang tiyan niya ng malakas. Tumalikod ako at kinuha yung kutsilyo pero, naunahan niya ako.
Sinaksak niya ako, sa likod. The last thing I saw was her face, nakita ko pang lumaki ang mata niya at tinakpan ang bibig niya.
III
"Mica... gumising ka, please." ang maiyak-iyak na boses ang narinig ko.
Minulat ko ang mata ko at nakita si Jeremy na umiiyak habang hawak ang kamay ko at nakababa ang ulo sa kama.
"Ayaw kitang mawala. Hindi ko kaya 'pag wala ka. Mamimiss ko yung moments natin, yung ngiti mo, tawa mo at mga trip mo na sinasabayan ko. Please Lord, sana gumising na si Mica, papakasalan ko pa siya Lord." aniya.
"Jeremy..." tawag ko at inangat niya ulo niya. Niyakap niya ako ng mahigpit. "Aray ko..masakit pa sugat ko, sa likod." aniko. "Sorry, sorry." aniya at ngumiti ako. "Okay lang."
"Buti gumising ka. Akala ko mawawala ka na sa buhay ko." aniya. "Hindi ako mawawala sa buhay mo, Jeremy." aniko at ngumiti siya.
Tumayo siya sa kinauupuan niya para halikan ang noo ko. Bumukas naman ang pinto at nakita ko sila mama, ate at kuya.
"Mica.." tawag ni mama at niyakap ako. "Ma, masakit yung sugat ko sa likod." aniko.
"Mica, buti gumising ka.." ani kuya. "Oo nga, Mica." ani ate.
"Ganyan ba ako ka-importante sa buhay niyo?"
tanong ko. "Oo, alam mo ba? Nung narinig ko na sinaksak ka sa likod, akala ko mamatay ka na, may pag-asa pa pala. Halos umiyak ako." ani ate Rica."Aww, I love you so much, ate, mama, kuya at Jeremy." aniko at nag-flying kiss since hindi ako makatayo.
"We love you, too, baliw." ani Jeremy at babatukan ko na sana siya. "Oops, yung sugat mo." aniya and they all giggled.
Bumukas nanaman ang pinto at laking gulat
ko ay si Natalia 'to.
BINABASA MO ANG
The First Guy Who Made Her Fall In Love
Dla nastolatkówI'm Micaella Bautista, I fell Inlove with this guy named, Jeremy. Una ko siyang nakita noong highschool and I met him in College again. Plus, first love ko siya. When my worst enemy came, she's Natalia, Jeremy's EX Girlfriend. She hates me. I hate h...