KATHLEEN'S POV
Kamusta naman yung araw araw pinagdadasal namin na mging okay na ang mga magulang namin. Gustong gusto na namin makasama si Daddy, Kaya eto kami ni Kristine papuntang mall. hindi alam ni mama. sinabi lang namin na gusto naming magmall. Nag insist pa nga siya na sumama pero sabi namin bonding naming magkambal to. pati si Drake at Adriel. Hayyyyst.
"Sure ka ba talaga?" Pang ilang ulit na kayang natanong ni Kristine sakin to?
"Oo naman, Miss ko na kasi si Daddy okay lang kung ayaw mong sumama di naman kita pipilitin" Actually tinatakot ko lang naman siya. Alam ko namang sasama siya kasi siya yung nagyaya.
"Okay lang naman kasi namimiss ko na din si dad, pero pano naman pag nalaman ni mommy?" So kaya pala para siyang kitikiti.
"Itutuloy ba natin o hindi?" Tanong ko sa kanya
"Sige andito na naman din tayo." Sabi niya pero di pa din nawawala yung kaba sa mukha niya.
"Dont worry Tin-tin ako din naman e kinakabahan pero ayoko na di tumupad sa usapan natin nila daddy. we made a promise"
---
Naglalakad kami sa department store. Di pa natawag si daddy. Yesssss kaya lagi kaming nasa mall naghahanap kami ng gown for our debut pero sabi ni dad wag na daw. gusto daw niya siya yung gagastos.
"Wait sis, tumawag kasi dad, di ko naman nasagot" Sabi niya, kaya nilabas ko ang phone ko, ganyan si mom and dad samin pag hindi nacontact yung isa, yung isa naman ang tatawagan.
Sabi ko sa inyo e. Sakin naman siya tatawag.
"Yes dad?"
[asan na kayo ni tin?]
"Nasa department store lang po,papunta na po kami sa jollibee"
[ahemmmm... sige punta...ahemmm na..ahem kayo....dito"
May sakit ba si dad?
"Okay ka lang ba, daddy?" paniniguro ko.
[oo naman..ahem....nasamid lang...aheeem ako]" Binaba na niya ang tawag. Kaya naman niyaya ko na si Kristine.
"Mga anak ko." Lumapit kami sa kanya at yumakap, hinalikandin namin siya sa pinsge.
"We missed you a lot dad" Sabay naming sabi ni Kristine.
"Ano for sure busog pa naman kayo diba?" Tanong ni dad, habang nilalabas ang wallet niya. Alamanadizzzz.
"Yes daddy" Saby lahad ng kamay namin sa tapat ng wallet ni daddy,