SPECIAL CHAPTER OF MARNELLA :)
-JANELLA AND MARLO
ELLAY'S POV
"Mabuti naman Janella nagising ka na. Akala ko patuloy ka ng babangungutin e." Liza
Andito kasi kami sa bahay nila. Wala lang. Para marefresh naman ang utak ko! Di ko pa din nakakausap si Nico simula noong sagutan namin. kamusta na kaya siya?
"Oo nga, Akala nga namin mamamatay ka na. Pasalamat ka nagising ka pa." Sabi ni Mae syota ng pinsan kong si lester. Naka close ko lang to dahil naging ka blockmates ko.
"Mga gaga! Ang OA niyo malamang magigising ako. Edi sayang naman kung mawawala ako. mababawasan ng maganda sa mundong ito" Sabi ko sabay flip ng hair. Ganda ko no!!!
"Ang kapal pa rin ng mukha mo" Sabi ni Liza
"Kahit naman yung sayo makapal. Try mong hawakan" Pangbabara ko. Nagtawanan lang kami. Sana magtuloy tuloy na ang lahat.
Ininvite ka nga pala ako ni daniel sa birthday ng kambal niya. Kahit naman si Kath sinabihan ako. laki talaga ng utang na loob ko sa kanila. Nagawa nila akong patawarin sa kabila ng nagawa ko sa pamilya nila. Masyado na siguro kaming matanda para dito. sana talaga maayos ko na yung samin ni Nico para naman matuloy na yung kasal namin. Baka di na kami magkaanak e.
"HI guyssss!" Bati ni Alex. Kasama niya din si Jon at Khalil
"Hello?" Awkward kong sabi. Paano naman kasi naalala ko yung nangyari samin.
*FLASHBACK*
naglalakad ako dito sa hallway. Eh kasi naman si Nico di pa natigil kahahabol sakin kasi mageexplain daw siya. Eh ano naman sasabihin niya? kalokohan! Sawang sawa na ako!!!
"Janellaaaaaaaaaaaaaaaaaa" Ayan na naman nakita na naman niya ako. tatakbo na sana ako ng bigla niya akong hinila sa kamay
"Ano baaaa? pwede ba? hands off" tinitigan niya lang ako! ano ba kasing gusto ng panget na'to?
"kausapin mo muna ko pwede? tsaka hintayin mo muna ang paliwanag ko?" sabi niya ng nakatitig pa din ang mata
"ayoko na! puro lang din naman kasinungalingan ang sasabihin mo. bakit ko pa hahayang makinig sayo?" naiiyak na ko! ayoko kasi makita yung mukha niya. naaalala ko lang yung mga kagaguhan niyang ginawa sakin.
"bakit ba kasi ayaw mong maniwala?" tanong na sigaw niya
"kasi mali ang nakikita ng mata ko sa sinasabi mo, Nico. Please hayaan mo muna kasi akong lumayo sayo para makapag isip kasi hindi ko rin kayang makita ang mukha mo. kasi sa totoo lang tuwing nakikita kita naaalala ko lang yun ginawa mo"